VIII

4.1K 110 14
                                    

" Wala ka bang balak magbakasyon man lang ? Sa ibang bansa? O kaya umuwi sa bahay nyo? "

Umiling lamang ako sa tanong ni Kean na ngayon ay tumatambay sa condo ko. Matamlay pa din ako kahit mahigit tatlong linggo na ang nangyari sa race track, at halos dalawang linggo nang nailibing si Alexander.

The media mourns about it and they're sending sympathy towards me dahil inaakala nga nilang nagdidate kami bago mangyari ang sakuna. Hindi na din namin dineny iyon dahil napakasama nga namin kung ganun na nga ang nangyari ay aaminin pa naming ginamit lamang namin sya for publicity.

" I'm so sorry, hindi ka sana nagkaganito kung hindi kita pinilit na mapalapit kay Alexander " hinging paumanhin sa akin ni Kean bago ako nilapitan at mahigpit na niyakap.

He keeps on saying that he's sorry even though I keep on saying that it's not his fault. Natigil din muna kasi lahat ng schedules at projects ko sa pagmomodelo dahil hindi nga namang magandang tignan sa media kung patuloy ang buhay ko gayong nawala ang rumored na boyfriend ko. Kaya't pansamantala ay nandito lamang ako sa condo pilit na inaaliw ang sarili.

" Are you still affected? " tanong nya ulit ng hindi ako umimik at kita pa rin ang tamlay sa aking mukha.

Umiling nalamang ako sakanya. It's not because I am affected because Alexander died. I am bothered and a severe dosage of guilt is creeping my whole system because I know that he died because of me. Not because of that freaking prize that I promised but because of that asshole Vercetti!

He clearly told me that he purposely killed Alexander in the race track as a payment. Anong klaseng utak ba meron sya? Sinong matinong tao ang kikitil ng buhay bilang sariling kabayaran para sa isang bagay na hindi ko naman inutang mula sakanya at wala rin akong ginawang masama. Isa pa, Alexander is out of the agreement. Bakit sya nadamay? Akala ko ba ako ang pagbabayarin nya pero bakit si Alexander ang pinagbayad nya? Is he some sort of psychopath?!

" The media is still bugging us to get some scoop from you, but I keep on refusing dahil gusto ko nga na wag ka ng mabother, but do you think it will help you kung mailabas mo ang saloobin mo tungkol dito? " Kean asked once more. Umiling nalamang ulit ako bago tumayo sa sofa at dumiretso sa kusina.

Kinuha ko ang isang box ng pizza na dinala ni Kean dito pagdating nya at kumagat ng isang slice.

" Stop worrying about me, I am not really bothered about it. I'm strong so don't worry" saad ko pagkalabas sa kusina at sumalampak muli sa sofa katabi nya.

" But you seems really bothered " puna nya siguro sa pananamlay ko.

" I am not. I am just bored here and maybe naa'adapt ko nalang ang simpatya ng mga tao sa paligid para sa akin kaya para bang ganito ako. But believe me, I'm fine " I smiled at him hoping that he'll believe me.

Hindi nagtagal ay umalis din sya sa unit ko dahil may kailangan pa syang asikasuhin, kaya't naiwan nanaman ulit akong magisa. Lagi nila akong binibisita dito sa condo ni Kiara para kamustahin simula noong insidente, pero hindi rin naman 24 hours ay kasama ko sila dahil may kanya kanya din silang inaasikaso at hindi sa akin umiinog ang mundo.

Pumunta ako sa kwarto dala ang box ng pizza at kinuha ang laptop ko. I searched again the event and the incident that happened in the race track. I scanned all the available photos given by the internet, nagbabakasakaling makahagip ng litrato ko kung saan nasa likod ko ang lalaking bumulong sa akin. I knew that it is the Vercetti's son, yet I don't want to confirm it yet. Hindi ko nagawang masilayan sya nung gabing iyon dahil nang lilingunin ko na sana ay bigla na lamang syang nawala sa likod ko at ang dami ng taong nakikiusyoso.

Pero kahit anong suyod ko sa internet at ibang social media platforms na posibleng may litrato ko kung saan nasa likod sya ay wala talaga akong makita. Ilang linggo ko na itong ginagawa umaasa na may bagong upload pero hanggang ngayon ay wala talaga.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon