XIV

1.7K 45 5
                                    

" I SAID NO! " sigaw ko kila Yumi na kanina pa nandito sa kwartong to.

" Milady may tatlumpong minuto na lamang po kayo upang maghanda "

Mahigit kalahating oras na siguro nila ako kinukulit upang maghanda para sa hapunan kasama ang halimaw na lalaking iyon at mahigit kalahating oras ko na rin silang paulit ulit na tinatanggihan.

" Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko? I won't have dinner with my kidnapper! "

Angil ko sakanila. Do they expect me to calmly join that beast in dinner?! Nahihibang na ba sila?

" Milady hin--- "

" NO! TELL THAT BEAST TO COME AND TALK TO ME HERE! " hindi ko na pinatapos si Lina at inutusang papuntahin ang bwiset na yun dito.

I need to talk to him and let me go. Hindi pwedeng ganito nalang gayong kahapon pa pala ako dito. Kean knew that I didn't executed my plan to runaway succesfully. Kaya siguro ay nag aalala na iyon at nasabi na sa mga magulang ko. They must be worried about me.

Walang nagawa sila Yumi at Lina kung hindi lumabas sa kwarto. Siguro ay para ipahatid ang nais ko sa pesteng nilalang na yun.

Ipinikit ko ang mata ko at humugot ng malalim na buntong hininga. Hindi ko matanggap ang kinalalagyan ko ngayon.

Dapat ay tatakas ako pero bakit ngayon ay nakakulong ako sa puder ng halimaw na yun? At ano? Anong mangyayari sa akin dito? Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong kakilala o pwedeng mahingan ng tu----napadilat ako at inilibot ang paningin sa malawak na silid. Shit! Where are my things? My purse? My phone? I need my phone!

Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil kanina pa ako dito pero hindi ko naalala ang mga gamit ko. Hinalughog ko ang lahat ng pwedeng pagtaguan ng mga gamit ko. Sa drawers ng bedside table, sa dresser, sa sheves, sa ilalim ng kama, sa napakalaking cabinet na nandoon at kung saan saan pa.

Hingal na hingal na ako sa paghalughog ng mga naglalakihang gamit dito sa loob ng napakalaking silid pero walang ni isang bakas ng gamit ko.

Tumingin ako sa itaas at isang chandelier lamang ang nandoon na nakabit sa ceiling na gawa sa salamin.

Wow. This room is really elegant. Tinignan ko ang repleksyon ko sa mirror ceiling at nakita ang pagkaputla ng aking mukha at ang wala sa ayos na hibla ng aking mga buhok.

Kanina ko pa napansing iba na ang suot kong damit at nakasisiguro naman akong isa kina Yumi at Lina ang nagpalit sa akin kaya kampante ako.

I am now wearing a powder cream regency dress. It's a classy sleepwear that really fits the room's interior. If I am just in another circumstances I'll be glad to hover around.

Kaso hindi. I am kidnapped by someone who I deeply abhor. I want nothing for now but to be free from his capture. But I feel hopeless.

Napaupo nalang ako sa napakalaking canopy bed at marahang pinunasan ang mumunting luha na nakatakas sa aking mga mata. I feel so weak and alone. Pakiramdam ko ay ang layo layo ko na sa pagiging malaya at kahit kailanman ay hindi ko na iyon mahahawakan.

Anong magagawa ko? I don't have anything ... and here I am like a little feline stucked with the massive beast.

Umiling ako sa sarili at tuluyan na ngang winaksi ang huling butil ng luha sa aking pisngi.

No Brielle! It doesn't mean that you'll just give up. Anong sense ng pag give up ko kung katulad din naman ng pilit kong pagkawala ay mahihirapan ako? I guess it will be better for me to feel all the difficulties just to escape his hellfire that to give up tonight and suffer for the rest of my life.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon