" Kasalanan ko ang lahat Milady, kung hindi ko po iwinaglit ang tingin sa inyo gaya ng utos ng Capo ay hindi sana sya mapapahamak "
Nandito na kami sa kwarto at nakaupo sa kama subalit hindi ako makapagsalita at unti unting may luhang lumandas sa kaliwang pisngi ko dahil sa nga sinabi nya.
" Ako po sana ang babawian ng buhay ng Capo ngunit hindi pumayag si ate Lina at sya ang tumubos sa pagpapabaya ko "
Umiling iling ako at pilit na inabot ang mga kamay nya. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan nito.
" I-im so s-sorry " wika ko at sinabayan sya sa paghikbi.
" H-hindi ko alam, k-kung alam ko lang ay hindi ko na ginawa " garalgal na ang boses ko ngunit pilit pa rin akong nagsalita uoang humingi ng tawad.
" Alam kong kinamumuhian mo ako dahil ako ang dahilan ng pagkawala ng ate mo pero---"
" Wala po kayong kasalanan Milady "
Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Is she even serious? Kapatid nya pala si Lina. Kung kay Zaidee nangyari iyon ay hindi ko alam kung anong magagawa ko.
" Ipinanganak po kami upang maglingkod sa Famiglia. Isinusuko namin ang lahat at handang ibuwis. Alam naming ano mang oras ay maari kaming paslangin at parte iyon ng paglilingkod namin "
" W-what? "
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Anong ibubuwis ang buhay? Is she talking some kind of gibberish?
" Ang pamilyang pinagmulan ko po ay nakapailalim sa oraganisasyong pinamamahalaan ng mga Vercetti. Nakaugat na po kaming maglingkod ng tapat sa Famiglia hanggang kamatayan. Alam po namin ang panuntunan ng organisasyon at kahit kailan ay wala kaming karapatang tumutol sa anumang hatol ng nakatataas "
My jaw dropped at what she stated. What the heck is she talking about?
" N-no! That's unfair! " alma ko sa ipinaalam nya sa akin.
" Sumumpa po kami na maglilingkod ng buong puso at kaluluwa sa organisasyon maging ang kapalit man nito ay ang aming buhay " dagdag pa nya.
" What? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi tama iyon! " napalis na ang luha ko at nagsimulang umahon ang muhi na aking nararamdaman.
We are on the 21st century. Slavery isn't a thing anymore right now. They can be sued!
" Iyon po ang nakasaad sa aming batas at gaya nang sainyong gobyerno. Mahigpit din po itong ipinatutupad "
Hindi ko alam kung gaano na kalukot ang mukha ko sa mga nalalaman kong hindi ko naman maintindihan.
" What? Anong batas? Labag sa batas at maging sa simbahan ang pagpatay " saad ko dahil totoo naman.
Killing is a crime! Kaya nga galit na galit ako sa demonyong lalaking yun eh.
" Iba po ang kalakaran sa organisasyong kinabibilangan namin Milady, hindi po kami sakop ng gobyerno gaya ng inaakala nyo "
What? Anong hindi sakop ng gobyerno at organisasyon? Are they some kind of cult?
" C-can you explain it to me? " hingi ko sakanya dahil sawa na akong stressin ang sarili ko sa pagintindi ng kung ano ano.
" La Cosa Nostra " she said as if it's a holy thing.
It's not familiar. I haven't heard it before.
" Iyon po tawag sa organized crime group na kinabibilangan namin. Madaming kasapi ang La Cosa Nostra, mula sa iba't ibang parte ng mundo at lahat ay maiimpluwensyang pamilya "

BINABASA MO ANG
CAPTURED
RomansSerenity Brielle Quinzel is the definition of beauty and independence. She is one of the most awaited model of her generation and also a woman who screams power and elegance. She believes that she's the one who's in control of her life and absolutel...