" Milady! Naghihintay na po sa inyong silid ang mag aayos sa inyo para sa kasiyahan mamayang gabi "Umirap ako sa kabila nang naglalawang mga mata sa tinuran ni Yumi. Baliw ba sya? Anong kasiyahan? Does she think this is some kind of celebration? Is she dumb? Nakababad ako ngayon sa paliguan at hindi na ininda ang suot suot na bestida na ngayon ay basang basa na sa tubig, pati na din ang sunod sunod kong paghikbi gawa nang pag iyak kong hindi matapos tapos mula pa kaninang pumasok ako dito. Why would she think that what would happen this evening is freaking joyous? Luksa ito! Punyeta!
" Milady --- "
" ANO BA?! MILADY KAYO NG MILADY! I HAVE A NAME! " irita kong baling sakanya. I know that the term Milady is use to address a maiden in a respectful way, pero naiirita ako dito dahil kung ituring nila ako ay parang prinsesa pero masahol pa ako sa kriminal na bilanggo.
" Mayroon na lamang pong dalawang oras bago magsimula ang okasyon. Kailangan nyo na pong maghanda " maliit at tila ba takot ang tinig ni Yumi nang sambitin nya ito.
" Leave " I said coldy.
" P-pero M-milady --- "
" WALANG MAGAGANAP NA ENGAGEMENT! KUNG MERON MAN HINDI AKO YUN! NOW TELL YOUR FREAKING BOSS TO DO IT ALONE AND STOP SHITTING WITH ME! NOW LEAVE! "
Buong buo ang boses kong sigaw sa kabila ng nakakalunod na luhang umaagos sa mga mata ko.Itinuro ko ang daan palabas nitong paliguan at wala syang nagawa kung hindi ang umalis sa tindi ng galit na ipinapakita ko. Pagkalabas na pagkalabas ni Yumi ay inihilamos ko ang kamay sa mukha at napapitlag ng maramdaman ang sakit ng namumugtong mga mata.
I managed not to cry infront of of that beast and just thew daggers of anger towards him. Ayaw kong masaksihan nya ang pagluha ko dahil ayaw kong makita nyang nanghihina at sumusuko na ako sakanya. Giving up on him is the last thing I would do or probably will never do.
Ngunit pagkaalis nya kaninang umaga upang asikasuhin daw ang mangyayari mamayang gabi ay hindi ko na napigil ang pagbuhos ng luha at hanggang ngayong dapithapon na ay wala pa din itong tigil. Bwiset na buhay to!
Inis na inis na ako sa sarili dahil wala akong magawa kundi ang ngumawa dahil alam ko namang kahit bumaha pa ng luha ko dito ay hindi ko makokontrol ang lahat. I don't have any resources at sa tuwing sinusubukan kong tumakas kung hindi may ibang napapahamak eh ako mismo ang napapahamak.
Seryosong hindi ko na talaga alam ang gagawin. Kung maari lang tawagin ang lahat ng santo ay ginawa ko na upang mailayo lang ako sa demonyong to! I feel so futile and useless! Pero alam kong hindi dapat ako sumuko. Ilang araw palang ako sa puder ng hinayupak na demonyong yun ay nagkandapeste peste na ang buhay ko. Pano pa kaya kung totoong ikasal ako sakanya? I might die early. It's better to suffer today than the rest of my life.
Napalingon ako sa likod ng biglang may narinig akong kaluskos. Letse! Hindi ba nila ako titigilan sa pangungulit? Sisigawan ko na sana ang papasok sa bukana nang malaglag ang panga ko sa kung sino ang nakita.
" DAD!!! " kahit nanghihina at basang basa ang bestidang suot ay mabilis akong umahon at yumakap sa ama kong ngayon ko nalang ulit nakita.
" Serenity anak " he murmured not minding if I made his tux wet.
" Dad! Ohmyghad! How are you? Where's mom and Zaidee? Kamusta kayo? Why are you here? Iuuwi nyo na ba ako? " sunod sunod kong tanong sakanya nang kumawala ako sa yakap.
He look incredible in his silver tuxedo na ngayon ay basang basa na dahil sa pagyakap ko, but nevertheles I saw how his eyes shadowed by gloominess when he shook his head and hug me tight.
BINABASA MO ANG
CAPTURED
RomanceSerenity Brielle Quinzel is the definition of beauty and independence. She is one of the most awaited model of her generation and also a woman who screams power and elegance. She believes that she's the one who's in control of her life and absolutel...