XIX

1.6K 42 6
                                    

Maaga akong nagising at himalang maganda ang pakiramdam kesa sa mga gising ko nitong mga nakaraang araw. Kung hindi ako nagkakamali ay pang apat na araw ko na dito sa palasyo ng demonyo at hanggang ngayon ay wala pa rin akong butas na nakikita para makatakas. I wonder if my parents knew about this. Sana oo dahil ayaw ko silang magalala.

Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa secret door ng salamin para magshower na. Nalaman ko na kay Yumi kung paano imanipulate ang mga kagamitan dito sa kwartong kung nasaan ako kaya madali nalang ang lahat para sa akin ngayon. Lumalagaslas sa buong katawan ko ang maligamgam na tubig, it’s too soothing that makes me want to go back to sleep again.

I want to process the things that are happening to me. Kahit nakakasawa at nakakapagod na dahil parang paulit ulit ko nalang kinukwestiyon ang mga pangyayari pero paulit ulit pa rin akong sinasampal ng katotohanang nandito pa din ako at walang magawa kung hindi ang magmukmok sa kawalan ng pag asa. I’m stucked here with that freaking beast!

Nanghihina ako at naiiyak nanaman dahil tangang tanga na ako sa sarili ko. Inulubog ko ang sarili ko sa tubig at nagbabakasakaling malunod ang lahat ng problemang gumugulo sa isip ko. I’m so tired of these shits!

“ MILADY! MILADY! MILADY!” napaahon ako ng wala sa oras nang marinig ang nagpapanic na boses ni Yumi kung saan.

“Dyan na lamang kayo! Nandito lamang si Milady” napakunot ang noo ko sa biglang pagkalma ng mukha ni Yumi mula sapagpapanic, at sinong kausap nya?

“Nalilligo na pala kayo Milady” mahinahon nyang sabi atsaka saglit na kumuha ng roba.

“ May kasama ka ba kanina?” tanong ko at inabot ang robang binibigay nya. Para kasing may kinausap sya kanina bukod sa akin.

“ Ilang mercenaries lamang po Milady, nagpanic po kasi ako nang makitang wala ka na sa iyong kama kanina kaya’t humingi agad ako ng tulong sa mga nagbabantay sa iyong silid”

Tumango ako sakanya at dumiretso na sa walk-in closet upang makapili nang susuotin, at tulad kahapon ay nastress nanaman ako sa pamimili dahil sobrang elegante ng mga ito. In the end I wear a beige bohemian dress.

“Nasaan ang amo mo?” tanong ko kay Yumi na nakasunod lamang sa bawat kilos ko.

“May inaasikaso po” umirap ako sa sagot ni Yumi.

I’d been here for days yet I still don’t see his face. Not that I’m looking forward to it, but isn’t it weird not to show up to the one you kidnapped.

Usually ganon diba? Don’t tell me pinaninindigan nya ang pagiging Eros nya na nagtatago kay Psyche? Psh. Asa naman sya!

“ May kailangan po ba kayo? Ipinagbilin nya pong tawagan sya anumang oras kung sakaling kailanaganin nyo sya Milady”

“ Ano bang inaasikaso nya?” binalewala ko ang suhestyon ni Yumi at tinanong kung ano ang pinagkakaabalahan ng demonyong iyon.

If he’s too busy with other things he should just let me go.

“ Inaasikaso nya po ang pagdating ng pamilya nya dito mamayang gabi” natigil ako sa sinabi ni Yumi.

“WHAT?!” bulalas ko sakanya. Did she mean the whole Vercetti Family? Ang akala ko ba ay may sariling bahay iyon sa Italy?

“ Nais po kayong makilala ng buong pamilya bago ang engagement nyo po Milady” napabuga ako ng hangin sa mga sinasabi ni Yumi.

“ What engagement? Wala akong pinapayagang engagement” saad ko dahil totoo naman talaga.

Hindi ako pumapayag at hindi ako makakapayag.

“ Nakatakda na po ang engagement nyo sa huling araw ng buwan na ito Milady. Isang linggo nalamang po at magaganap na ang selebrasyon"  Umiling iling ako bilang pagtutol sa mga sinasabi ni Yumi.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon