II

5K 126 3
                                    

"Mom nandito na si ate!" sigaw ni Zaidee pagkalabas ko sa aking kotse, mula sa terrace ng bahay kung saan nya ako tinatanaw.

Papalubog na ang araw nang makarating ako dito sa bahay at bukas na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay pati na rin ang sa bakuran.

Pumasok na agad ako sa loob ng bahay at ibinigay kay Mang Julio, isa sa mga katiwala namin dito ang susi ng kotse para maipark ito ng maayos.

Pagkapasok ko sa sala ay syang labas naman ni mama mula sa kusina at sinalubong ako ng matamis na ngiti at agad ding sinundan ng mahigpit na yakap.

" How are you anak? ang tagal bago ulit tayo nagkita " tanong ni mama pagkatapos ng isang mainit na yakap. I equalled the cheerfulness of her smile and just brushed away the things that happened earlier.

"I'm fine mom, katatapos lang ng cover shoot ko kanina, and nandito nga ako para magpahinga ng dalawang linggo" I smiled as I said the words.

Right. I need a break. Hindi dapat ako magpaapekto sa kalokohan ng media ngayon tungkol sa ibig sabihin ng bulaklak na ipinadala sa akin kanina.

" Ate!!! " nagulat ako ng biglang may dumamba ng yakap mula sa likod ko, muntik pa akong mawalan ng balanse dahil naka four inches cone heels ako.

" Ate you're back! Pasalubong ko? " I laughed at my ten year old brother Zaidee.

Kahit kelan talaga mukhang pasalubong to. Hindi man lang ako kinamusta muna, at mukhang niyakap lang ako dahil excited sa pasalubong ko sakanya. Nevertheless, I love him kaya natutuwa pa din ako sakanya.

Sasabihin ko na sanang nasa kotse ko at kunin nang biglang nanuway si mama.

" Zaidee, mamaya ka na mangulit. Pakainin at pagpahingahin mo muna ang ate mo. Manang nakahanda na ba ang lamesa?" sigaw ni mama at nauna nang nagtungo sa dining room.

Tinignan ko ang bigong mukha ng kapatid ko at binigyan na lamang ng mapangasar na ngiti bago sumunod kay mama para sa hapunan.

" Akala ko ba isasama mo si Kean at Kiara sa pagbabakasyon dito?" tanong ni mama nang nagsimula na kaming kumain sa hapag.

Bumuntong hininga ako nang maalala ang nangyari kanina. I keep reminding myself to brush it off pero patuloy parin akong ginagambala.

" Kean is still busy mom, nagkaroon kasi ng konting adjustments yung cosmetic brand na ieendorse ko next month while Kiara is ... " napahinto ako saglit at nagisip ng pwedeng dahilan kung bakit hindi ko naisama si Kiara.

" well she decided to spend the weeks with her family also " I lied. Well, not totally dahil yun ang ibinilin ko sakanyang gawin at hindi nya iyon sariling desisyon.

She's really bothered about what happened earlier that she even begged me to stay in my condo and ask assistance from the police, she even call a security company for men who she said that should watch and protect me.

I stopped her from doing all of that and calmed her down. Maybe she's just having an anxiety attack dahil sa kung ano anong theory na nabubuo ng mga netizen sa social media. I appreciate that she really cares for me, but I refuse to exaggerate the situation like those people on the internet.

It's just a bouquet of flowers, there's no harm on that. Mga tao lang naman kasi ang nagbibigay ng kahulugan sa mga bagay bagay na hindi naman talaga dapat.

Nang nakatulog si Kiara sa condo ko ay tinakasan ko na sya. Wala na ang bodyguard at driver ko dahil hindi naman sila stay in. Tuwing lumalabas at my schedule sa trabaho lang nila ako sinasamahan kaya naging mabilis ang pagtakas ko. Hindi dapat ako magpaapekto sa mga ganoong bagay, it's so petty.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon