XXXIV

1.1K 36 3
                                    

The skies were dark and the stars cannot be seen that night. Even the luminous moon was nowhere to be found and the drizzle of the wind was too cold to standwith.

Hindi ko nga alam kung bakit itinuloy pa ang JS Prom namin gayong mukhang may paparating na bagyo naman. Marahil ay nasa loob naman ng engrandeng hotel kaya't hindi matitinag ang programa kung sakali mang bumuhos ang malakas na ulan.

" Serenity. Nandyan ka lang pala. Akala ko umuwi ka na. Tara sayaw tayo " yaya sa akin ni Cedrick, sya ang date ko ngayong gabi.

" Ah. Masakit na kasi yung paa ko eh. Iba nalang muna siguro ang isayaw mo " tanggi ko sakanya kahit ang totoo ay nakakalimang sayaw palamang ako kanina bago ako lumabas ng hotel para magpahangin.

Sa totoo lang ay ayaw ko sanang dumalo sa prom na ito, pero sabi ni mama ay huling taon ko na sa senior high kaya dapat ay lubusin ko na. Wala naman kasi akong tunay na kaibigan dito, dahil noong muntik nang malugi ang kumpanya ay halos lahat sila ay kumawala sa akin. Mga plastik!

" Ganon ba? Sige sasamahan nalang kita dito! " nilingon ko si Cedrick na lumapit sa akin ng husto at unti unting gumagapang ang mga kamay nya sa bewang ko.

Napairap ako sa sinusubukang gawin nito. Sabi na nga ba eh, pare pareho silang lalaki. Isa lang ang gusto sa akin. Pwe! Nakakaasiwa!

" Ahmm. Cedrick, inuuhaw kasi ako eh. Pwede mo ba akong kuhanan ng maiinom sa loob. Masakit na kasi ang paa ko para maglakad pa "

I smiled when he followed what I asked to him. Ganun naman talaga, susunurin ka nila para makuha ang loob mo at nang makuha nila ang gusto nila.

Nang mawala sya sa paningin ko ay kinuha ko na ang pagkakataon iyon para umalis sa venue. May kailangan akong puntahan at malayo layo yun dito. Nag aalala ako lalo na't mukhang may paparating na malakas na bagyo.

Pumara ako nang taxi pagkalabas sa area ng hotel at sumakay na nga dito.

" Forden Heights Academy po " saad ko kay Manong driver na nagtataka yata sa suot ko.

I was wearing a black sweetheart top ball gown with some touch of silver that made it glimmer in the dark.

Kinakabahan ako habang pabalik ako sa school ko, malayo sa venue nung prom. Babalik nalang siguro ako bago matapos ang programa dahil paniguradong hahanapin ako ng driver namin.

Pagkarating sa tapat ng school ay nagbayad na ako at bumaba agad, ngunit imbes na sa mismong paaralan magtungo ay lumiko ako sa isang madilim na eskinita patungo sa likod ng campus.

" Ohmyghad! " napatalon ako sa gulat nang biglang isang malakas na kulog ang dumagundong mula sa langit at kasunod na nga nito ay ang pagbuhos nang malakas na ulan.

" Oh shit! Patay ako kay mama nito " bulong ko sa sarili nnag tukuyan na ngang mabasa ng ulan.

Wala na akong magawa kundi ang tumakbo upang mapabilis ang pagpunta sa abandonadong building sa likod ng school kung saan nandoon ang aking pusang inaalagaan.

Baka takot na takot na iyon. Mag isa pa man din iyon at hindi ko napakain ng buong araw dahil abala ako sa pag aayos para sa prom ngayong gabi. Actually kuting palang iyon kaya ginagatas ko pa, kaya nag aalala na ako dahil baka mamatay sa gutom iyon.

Nagdala na ako ng tent doon sa loob ng abandonadong building at may mga kumot at unan sa loob non para magsilbing bahay nang kuting. May stock din akong gatas doon para pagkain nya kaso alam ko namang hindi marunong magtimpla ang pusa.

Natagpuan ko sya noong pinagtitripan ng mga junior high sa canteen kaya't sinaway ko sila at ipinagtanggol ang kawawang kuting, ngunit parang wala na syang nanay kaya inampon ko nalang dahil hindi kaya ng konsensya kong pabayaan, kaso hindi ko sya pwedeng iuwi sa bahay, nagpapagaling pa kasi ang kapatid ko sa sakit at sensitibo sya sa mga bagay bagay kaya baka hindi makakabuting may pusa sa bahay.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon