"Kay ganda mo talagang pag masdan aking iniibig."
Malamyos na boses ng Binibini, habang namumungay ang mata sa pagtitig palang niya sa buwan."Anak,pumasok ka na,gabi na at maghahapunan na tayo."
Tawag ng ina niya habang siya ay nakaupo sa upuan na yari sa kawayan at tinitingnan pa rin ang buwan.Gabi na at tanging mga ingay ng kuliglig at malilit na insekto ang maririnig,napayakap naman si Celestia sa kanyang dalawang braso ng umihip ang malamig na hangin.
"Opo Ina,papasok na po." Sagot niya sa kanyang Ina habang nakangiti.
Inangat niya uli ang kanyang paningin sa kawanangan at napapatig sa iisang bagay na nakapagbigay saya sa kanyang puso.
"Hay..siguro kong naging tao ka ako siguro ang manliligaw sa'yo."at bungisngis na umiling-iling siya dahil sa sinabi niya sa bagay na iyon.
Tumalikod na siya at dahan- dahang umakyat sa hagdan na gawa sa kawayan at kahoy.
Habang naghahapunan ang mag-anak, may narinig silang katok galing sa labas nagkatinginan muna sila dahil marahil manliligaw na naman ito ni Celestia, sabay iling ng kanyang ama.
"Ganito nalang ba parati, ang sarap nang kumain pero nahihinto tayo, Laura buksan mo muna ang pinto."Impit na wika ng kanyang ama para hindi marinig sa labas.
Tinignan naman siya ng tatay niya at umiling ito napayuko nalang si Celestia.
Tumayo ang Ina ni Celestia at binuksan ang pinto.
"Magandang gabi po!"bati ng isang lalaki isa sa manliligaw ni Celestia.
"Maupo ka muna Señorito,at kakain muna kami, ikaw kumain ka na ba?" Tanong ng kanyang ina sa manliligaw niya.
Ngumiti naman ito sa kanyang Ina."Salamat nalang po, tapos na po akong kumain."
Tumango naman ang kanyang Ina."Ah,ganun ba, Sige tapusin muna namin ang hapunan namin." Paalam ng kanyang Ina.
Ngumiti naman ang binata, bago lumisan ang kanyang ina.
---
"Magandang Gabi! pasensya na kong natagalan ako napasarap lang ng kain.'' Hinging paumanhin ng dalaga sabay ngumiti ng tipid.
Ngumiti naman ang binata at malugod na tiningnan ang dalagita sabay bigay nito ng pumpon na bulaklak ng Rosas,nagpasalamat naman ang dalagita."Kay ganda mong pagmasdan Celestia, sana marinig ko na ang matamis mong Oo, matagal na akong masuyong nanliligaw sayo." Pakisuyo ng binata sa dalagita.
Umiwas naman ng tingin ang dalagita. "Patawad Sebastian, alam kong parati mo na tong naririnig sa akin pero ngayon uulitin ko na naman, Sebastian pasensya hindi pa ako handang umibig at hindi ko pa naisipang magkaroon ng nobyo." Yumuko ang dalaga, alam niyang hindi lahat ng sinabi niya ay totoo, pero hindi niya maaring sabihin ang totoo na umiibig siya sa isang bagay.
Tumayo naman ang binata."Pasensya na pero, ang tagal ko nang hinintay na mapasagot kita hindi ko gustong marinig muli ang mga salitang yan, sa susunod na babalik ako sisiguraduhin kong sasagutin mo na ako, tandaan mo yan Celestia akin ka lang AKIN." Sabay hawak sa mukha ng dalaga at umalis na.
Natakot ang dalagita sa mga salitang binatawan ni Sebastian, isa ito sa mayayamang angkan sa kanilang lugar ito ay haciendero at may malalaking sakahan sa kanilang lugar, hindi niya alam kong bakit umabot sa punto na naging mabagsik ito sa pananalita kaya hindi niya iyon akalaing magagawa niya dahil hindi naman ganun ang pananalita nito naturingang palangiti nga ito pero ngayon alam na niya ang tinatagong ugali nito at hindi niya gugustuhing umibig sa ganoong klaseng lalaki.
Lumapit naman ang mga magulang niya sa kanya at umiling ang kanyang Ama, alam niyang hindi magawang ipagtanggol siya ng kanyang ama, dahil isa lamang itong magsasaka sa pag-aari ng mga La Fuente o sa mga magulang ni Sebastian La Fuente."Anak,pasensya na pumasok ka nalang sa iyong silid."wika ng kanyang Ina habang hinahaplos ang kanyang likod.
Ngumiti naman ito at hinalikan ang kanyang Ina at Ama bago pumasok sa kanyang silid, alam niyang nahihirapan din ang mga magulang niya dahil hindi nito magawang ipagtanggol siya pero naiintindihan naman niya.
Naisipan ng dalaga na tingnan muna ang buwan, bago matulog kaya binuksan niya ang bintana at masuyong tinititigan ang nag-iisang bagay na naka-aalis ng kanyang lungkot.
"Hindi ko hiniling ang kagandahan kong to, para makasakit ng damdamin, lalo na't pati ang magulang ko ay nasasaktan, sana'y marinig mo ako panginoon nawa'y gabayan mo ako sa mga desisyong tinatahak ko, dahil alam kong tama ako, ayaw ko lang makasakit ng tao."
Na kinakausap ang maykapal, batid niya na nahihirapan din ang mga magulang niya dahil marami ng mga binata mapa kahit anong estado pa sa buhay ay binalewala niya ang mga pag-ibig nito sa kanya.Napatingin naman ang dalaga sa bagay na kanyang iniibig."Aking iniibig kong ikaw sana ay isang nilalang dito sa mundo, ang nais ko lang ay makita kita isang mapilak na buwan."
---
Sa kabilang dimension naman, nalungkot ang Prinsipe ng buwan sa narinig niya galing sa Binibini."Hintayin mo lang ako aking sinta, magkikita rin tayo pangako."sa isip ng Prinsipe.
BINABASA MO ANG
The Fate ✔️
FantasyA young beautiful maiden who has a goddess look face and because of that many good looking wealthy men keeps following on her.But the heart of this maiden is already capturéd by unextraordinary being and that being called Moon and this being fell in...