DYES

62 15 48
                                    

"Ang sarap talagang umibig,hindi ko wari kong anong nasa loob ng binibini kapag ako ang kasama niya,Iwan ko kung siya'y may pagtingin sa akin,hindi ako ang Buwan na kanyang tintitigan kaya't ako'y natatakot magtapat."

"Habang nakatingin sa mundo ng mga tao,ang Amang hari ay napangiti ito dahil hindi niya akalain na pati ang sigaw ng isip ng kanyang anak na Prinsipe ay maririnig niya nawala ang bisa ng panangga nito na walang sino man ang makakabasa ng kanilang isipan dahil ang mga hari at reyna ay may kakayahang bumasa ng isip kaya't may panangga sila pero ang kanyang bunsong anak ay tila nahuhulog na nang malalim sa isang mortal,batid niyang may kaakibat itong maganda o masamang maidudulot,kaya't ito'y kanyang binabantayan dahil nawawala ang panangga nito at siya ang humarang sa lahat ng bumasa ng isip ng kanyang Bunsong anak para hindi mapahamak."

"Aking Mahal na Hari,ako'y nag-alala sa magiging parusa ng ating Anak,batid mong hindi maganda ang pakikitungo ni Hermes sa kanyang kapatid."Wika nito na nag-alala,habang lumalapit sa tubig na doon makikita ang ginagawa ng kanilang anak na pinagmamasdan ng kanyang Asawang Hari.

Inakbayan ng Hari ang kanyang asawa habang tinitingnan nila ang kanilang anak"Sana'y maunawaan ni Hermes ang desisyon ko ngunit batid ko sa aking sarili na nilapastangan ko siya,ang atin lamang ay maging masaya ang ating anak sa kanyang desisyon ngunit batid ko'y ang ating anak ay hindi pa kayang magtapat sa kanyang sinisinta."sabay iling ng hari at ngumiti sa kanyang mahal na Reyna,na tila hindi nagmana ang anak nito sa kanya,kaya hinampas siya ng kanyang mahal na Reyna dahil nagbibiro ito.

"Tara na at magpahinga kong Anu-ano ang naiisipan mo."ani niya sa kanyang asawa at hinawakan niya ito sa braso at iginayak sa kanilang silid hingahan.

---

"Tanging ang agos lamang na nagmula sa batis at mga huni ng ibon,ang tanging nagbibigay ingay sa paligid ni Alcmene,siya'y nag-iisip kong ipagtatapat niya ba sa dalaga ang kanyang lihim o ang tanging ang pag-ibig lamang ang kanyang ipagtapat nito,kanina pa niya iniisip kong ano ang magiging reaksyon ng dalaga ito ba'y matutuwa o baka sasapitin lang niya ang sinapit ng kanyang naunanang manliligaw."

"Ahhhh."sabay bato niya sa tubig ng batis.

Hindi batid ng binata na kanina pa siya pinagtatawanan ng isa niyang kapatid dahil sa inasta niya,kaya hindi niya mapigiling lumapit dito."Kapatid ano ba't kasalanan ng mamunting bato at hinagis mo ito?"tawa tawa nitong saad.

Nabigla naman si Alcmene sa presensya niya kaya't tiningnan siya nito ng taimtim at sinuri"Ikaw nga tsk!Ang pasaway na Hari,ano ang ginagawa mo dito Eros?baka hinahanap ka ng yong asawa namamana ka na naman ng mga nilalang na umaayon sa kanilang tadhana."wika ni Alcmene na may halong pang-aasar dahil sa lahat ng kanyang kapatid na lalaki siya pinaka-iinisan ni Apollo dahil isip bata daw ito.

"Eros ang tawag niya kay cupid dahil sumisimbolo ito sa kanyang pangalan at mas maganda daw ang Eros kaysa sa Cupid,wika ni Cupid dahil lalaking-lalaki at tanging si Psyche lamang ang pinapatawag niya na Cupid dahil sumisimbolo ito ng kanyang puso na nakuha ni Psyche."

"Batid ko'y may problema ka,may maitutulong ba ako?"napailing nalang si Alcmene,alam niyang puro kabaliwan lang ang alam nito pati mga tao nadadamay niya dahil siya mismo ang nagdudugtong ng mga nakatadhana ng bawat nilalang na mortal kahit na yong iba ay hindi naman bagay katulad nalang nang nakita niya kahapon maganda ang babae,at walang itsura ang lalaki hindi sa nanlilit siya pero dapat daw pantay lang pero ano pa nga ba magagawa niya sabi nga ni eros sa kanya noon hindi magiging pantay ang bawat nagmamahalan kong parehas sila dapat daw may pumupuno katulad ng mabait dapat ibinabagay siya sa masama para din may alam siya kong bakit ito masama at ang masama ay malalaman kong ano ang nasa mabait.

"Eros,alam kong may gusto kang iparating sa akin subalit ako'y masaya na sa aking iniibig,kahit na hindi ko batid kong kami ba ang nakatadhana ang sa akin lang wag mo kaming pangunahan dahil gusto kong kusang titibok ang puso niya sa akin."tiningnan naman siya ni eros na may halong pang-uuyam sa mata.

Inakbayan niya ang kanyang bunsong kapatid at tumingin sa batis."Katulad ka pala ng batis,alam mong ang lalim mo,pero pinapakita mo na ang babaw-babaw mo."

Nagtaka naman si Alcmene,sa sinabi ng kanyang kapatid."Ano ang yong ibig sabihin?"

Umiiling si Cupid sa kanyang kapatid."Bunso,Immortal ka ba?ako'y nagdududa na,alam mong may sagot na sa iyong mga tanong pero bakit hindi mo pa batid kong ano ito,tsk! kailangan mo na ng ipasok sa Mental!"

Napakunot naman ng noo si Alcmene."Mental?saan ko yan makikita?"

"Isang uri ng pagamutan kapatid na nababagay ka dun ilagay,kaso malayo dito."

"Nais kong pumunta dun kapatid,para malaman kong ano ang sagot ng aking mga tanong."Napatawa naman lihim si cupid Mental pagamutan ng hindi kagaya sa mga normal na pag-iisip ng tao.

"Sa susunod kapatid dadalhin kita dun,at ipapagamot kita,ako'y magpapa-alam na may misyon pa akong dapat tapusin tawagan mo lang ako sabay bigay niya ng senyales na linagay niya ang kamay niya sa tainga kapag kailangan mo ng tulong Goodbye!"sabay lakad nito at naglaho.

Napalagay nalang din si Alcmene ng kamay niya sa tainga at iniisip kong ano ito."Goodbye?"wala sa isip niyang salita,at nagtaka.

"Habang si Cupid naman o Eros ay tawa ng tawa,dahil sa pinagsasabi niya nito kay Alcmene, talagang iba ang pananalita ng kinabukasan,sa isip niya,at siya'y naglalakbay patungo sa kanyang destinasyon at pataghoy-taghoy habang tinitingnan niya ang mga mortal na kanyang nakikita,nang may mahagilap ang kanyang mata,at sinundan ito."

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon