DISE OTSO

44 12 37
                                    

"Nag-aalala habang naghihina ang puso ni Alcmene habang naglalakad sa gelid ng batis ilang araw ng hindi nagpapakita sa kanya si Celestia at kapag siya'y pumupunta sa bahay niyo parating wala ang dalaga at tila tinataboy na siya nito ng magulang ni Celestia at ang mas nakakahina sa kanyang puso ay ngayon ang ikalawang kabilugan ng buwan ilang araw nalang at lilisan na siya sa mundo ng Mortal at ito'y kanyang kinalulungkot."

"Celestia,nasaan ka?gusto na kitang makita."usal niya sa kawalan.

"Labis ng malungkot si Alcmene,dahil ilang araw na niyang hindi nakita si Celestia,batid niyang may hindi tama dahil pati ang mga magulang nito ay tinatago siya."

"Kapatid,sabi ko sayo kapag may problema ka tawagan mo lang ako,batid ko'y nangungulila ang yong puso."si Cupid na biglang lumitaw sa likod ni Alcmene.

Napalingon naman ito sa kanya."Bakit ika'y bigla-biglang lumilitaw buti hindi ka hinahanap ng yong asawa na si Psyche."tanong niya dito habang binalik ang tingin sa batis.

"Nakakatampo ka bunso,,nararamdaman ko kasing kailangan mo ako,bakit hindi ba ako tama?"habang baba taas ang kilay nito na nakangise kay Alcmene.

Tiningnan naman siya ni Alcmene ng parang tinatamad."Hindi."

Tumawa naman si Eros na may halong pang-aasar."Kapatid,para ka na talagang mortal,tayo ay Immortal may kakayahan tayong bumasa ng isip at malakas ang ating pakiramdam tsk!tsk!"

"Nakuha ni Cupid ang atensyon ng kapatid,kaya ito'y napatingin sa kanya,at napaisip siya at umupo muna sa may malaking bato."

"Kapatid hindi ko batid kong bakit sa palagay ko iniiwasan ako ni Celestia,ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin."

Tinawanan naman siya ni Cupid."Kong ganun kailangan mo nga aking tulong,wag kang mag-alala aalamin ko kong bakit siya nagkaganun pero dapat makausap mo muna siya."ngumiti naman ng tipid sa kanya si Alcmene.

"Sige,gagawin ko ang lahat makausap lamang siya,malapit na ang ika-tatlong kabilugan ng buwan at hindi ko na siya makikita."

"Tiningnan naman siya ni Alcmene na malungkot ang mata at pati si cupid ay nalulungkot para sa kapatid,dahil may haharapin pa itong parusa,batid niyang mahal na mahal nito ang mortal at batid din niyang mahal din siya nito"

"Malapit na ikatlong kabilugan,handa ka na ba?"makahulugan nitong tanong na nakatingin sa kapatid.

"Napaisip naman si Alcmene handa na ba ako?. Hindi niya alam kong Ano ang magiging parusa sa kanya ni Hermes,at alam din niyang hindi pa niya alam kong anong gagawin sa darating na kabilugan na buwan."

"Sa totoo lang Eros,hindi ko alam batid mong minamahal ko si Celestia at kong maari gusto ko siyang makita palagi."malungkot na saad niya habang naghahagis ng bato sa batis.

Bumuntong hininga naman si Cupid bago magsalita."Wag kang mag-aalala batid kong hindi pang habang-buhay ang parusa niya sayo,kapatid ka pa rin niya at alam kong gagawin lang niya ang makakapag-pasaya sa kanyang sarili at darating ang panahon mawawala din ito."

"Batid ko iyan,pero ang tanong makikita ko pa ba siya sa panahon na iyan?"umiling nalang si Cupid sa tanong sa kanya ni Alcmene,batid niyang hindi nabubuhay nang matagal ang mga mortal at ang parusa minsan ay umaabot ng ilang sentorya at minsan ay habang buhay.

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon