Maraming bagay ang iniisip ng binatang Istranghero, habang siya'y nakaupo sa may batis habang tinitingnan ang tubig na subrang linaw, alam niyang ano ang haharapin niya pagkatapos ng kaniyang limitasyon sa lupa.Ang bilis ng araw tila isa lang itong oras at ang mas nakakalungkot pa, habang nakakasama niya ang dalaga lalong nadadaragdagan ang kanyang pag-ibig para dito.
"Alcmene, nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Tawag pansin ng babaeng dahilan sa kanyang dinaramdam ngayon.
Napatingin naman ang binata at ngumiti tila lahat ng kanyang iniisip ay nawawala tuwing nakikita niya si Celestia."Magandang Tanghali sa iyo,binibi--hahaha Celestia,pasensya." Pinandilatan kasi ng dalaga, dahil ayaw niyang tinatawag siya nito na binibini, dahil gusto niyang marinig ang tinig nito na tinatawag ang pangalan niya, dahil tila isa itong awit sa kanyang tainga.
Hindi alam ng dalawa na may nagmamasid sa kanila at gusto niyang paglaruan ang tadhana nila,habang hinahawak ang matulis na bagay ng kanyang pana.
"Asawa ko,ano ang ginagawa mo dito, batid ko'y may pinaplano ka....mmm!"Tinutuksong saad niya sa kanyang asawa na may mapaglarong ngiti sa labi nito.
Hinawakan naman niya ang kamay nito at nginitian."Asawa ko,kilala mo na talaga ako at hinawakan ang pisngi nito Gusto ko lang, damayan ang dalawang nagmamahalan,alam mo naman hindi ko gustong may mabigo sa ngalan ng pagmamahal."
Ngumiti naman ang kanyang asawa na may pag-alala."Batid ko iyon, ngunit hindi sila magkapareha isang mortal at Immortal, pa'no mo sila mapagsasama?"tanong nang kanyang asawa.
Ngumiti ng may kahulugan si Cupid, at tiningnan ang dalawang pigura sa may batis."Manood ka lang mahal ko,isa itong magandang tanawin at magiging isa sila na mga bida gaya ng napapanood natin sa kinabukasan(future) na nakikita natin sa isang malaking parihaba na ano tawag nun?"Habang ina-alala kong ano ang pangalan.(Television)
"Ikaw talaga, Kung anu-ano ang pinagsasabi mo pagalitan tayo, na pinagsasabi natin ang ating sekreto pero na-alala ko kung ano yun." Sabay binulong ito sa kanya.
Ngumiti naman ng malaki si cupid."You arerl smart!tama ba yung Inglis ko mahal? hindi kasi siya sigurado, sa kanyang narinig sa mundo ng kinabukasan (WORLD OF FUTURE) na magaganap 150 taon bago ngayon (AFTER 150 YEARS) telebisyon tama, yun pala 'yun iba na talaga kapag sa ibang henerasyon, buti mga hari at reyna tayo sa mundo ng Immortal."
Umiling na natatawa na lang ang kanyang asawa na si Psyche."Tama ka, magaling ka naman talaga, pero dapat wag mo na 'yang sabihin ulit, baka marinig tayo at mapagalitan." pangaral niya sa kanyang asawa na parang bata kung ngumiti at napailing nalang siya at kinirot niya ang pisngi ni Cupid, napa -aray naman ito."Tara uwi na tayo, ikaw talaga walang nag-aalaga sa anak natin."
"Ang sakit ng pagka-pisil mo babe.". Nagdis-appear naman siya bigla dahil pinandilatan siya ng kanyang asawa na si Psyche dahil nagsalita ito katulad ng sa kinabukasan na nakikita nila sa mga parke na magkasintahan at ang tawagan nila ay BABE.
Nagpalinga-linga naman si Alcmene, dahil may nararamdaman siyang kakaiba, nagtaka naman si Celestia ang tintingnan ang nililingon ni Alcmene, ngunit wala siyang makita."May hinahanap ka?" Takang tanong ni Celestia sa binata.
Napalingon naman ang binata sa kanya at ngumiti."Wala-wala akala ko lang may tao, wala pala."
Naramdaman ng binata na may kauri siyang nakatingin sa kanya pinagsawalang bahala nalang niya ito.
"Akala ko may hinahanap ka, pasensya king ako'y nagtanong."sabay yuko ng ulo nang dalaga at wari ito'y nahihiya.
Hinawakan ni Alcmene ang baba ni Celestia."Tumingin ka sa akin, wala iyon alam mo bang gusto ko kapag ika'y tumitingin sa mata ko, napakaganda kasi ng mga mata mo nakaka-wala ng mga iisipin "
Inangat naman ni Celestia ang kanyang ulo."Salamat, Alcmene yung sinabi ko pala kanina kong pwede ba kitang maimbitahan sa tirahan namin, may kunting salu-salo kasi dahil kaarawan ngayon ni Ina, kaya kita hinahanap hindi mo siguro narinig kaya inulit ko."
"Pasensya na, Sige pupunta ako at salamat sa pag-imbita at ako'y iyong naalala, Celestia."at hinawakan niya ang braso nito.
"Pasalamat ko na rin, dahil sa mga tulong mo hihintayin kita mamaya Alcmene ako'y mauuna na at pupuntahan ko pa ang mga magsasaka para makadalo sila, paalam." Sabay lisan niya sa harap ng binata hindi na nga ito nakapag-paalam sa kanya.
Subalit ang totoo niyan nahiya ang dalaga dahil sa lakas ng pintig ng puso niya ng magtama ang kanilang mga mata, parang uminit ang kanyang mukha at alam niyang dahil ito sa reaksyon ng katawan niya tuwing nakikita niya ang binata kaya dali-dali siyang lumisan at alibay lang niya ang mga magsasaka dahil ang totoo mas nauna pa niya itong sinabihan dahil nakita na niya ito dun sa lupain ni Alcmene, no'ng hinanap niya ito.
"Napaka-marupok mo naman Celestia." Saway nito sa kanyang sarili habang papalayo kay Alcmene.
BINABASA MO ANG
The Fate ✔️
FantasyA young beautiful maiden who has a goddess look face and because of that many good looking wealthy men keeps following on her.But the heart of this maiden is already capturéd by unextraordinary being and that being called Moon and this being fell in...