TRESE

58 12 53
                                    


"Nagising si Celestia ng maaga,na parang walang nangyari kagabi,bumangon ito at papunta na sana sa kusina ng may bulto ng tao siyang nakita,lumakas bigla ang tibok na puso nito,nakatalikod ito sa kanya at parang may malalim na iniisip,napangiti naman ang dalaga habang minamasid ang binata. hindi ko alam kong bakit sa kanyang presensya lang nagkakagulo na ang sistema ng katawan ko,siguro'y akoy namimisteryohan lang sa kanya at ano ang nasa likod ng kanyang maskara--"wika ng isip niya.

Naputol ang pagmuni-muni niya ng hindi niya mapansin na kanina pa siya tinatawag nito isa ikatlong beses na siya napabalik sa realidad"Celestia."at yumuko ang binata para pantayan ang mukha ni Celestia.

Napatigas naman ito sa kinatatayuan,dahil sa sinabi nito at dahil ang lapit-lapit ng mukha nito sa mukha niya.."Tatlong beses ko ng tinawag pangalan mo,subalit ika'y nakatitig lang at nakangiti sa akin,ikaw ba'y nahuhumaling sa akin."panunukso nito sa kanya at ngumiti na siyang kinapula ng kanyang mukha dahil sa hiya.

"Alcmene,hindi ko akalaing may ganyan ka palang nalalaman,pasensya na ngunit ako'y nagataka lamang dahil ang aga pa,at ika'y naparito na at magkaibigan tayo kaya ako napangiti bakit may nagsasabi bang hindi pwede?."mataray niyang saad nito,sabay talikod niya at huminga ng malalim,buti at nakakapa siya ng rason,dahil kundi ay baka mamula lang siya sa hiya kong siya'y mapaamin agad na nahuhumaling siya nito.

Sinundan naman siya ni Alcmene at bumulong sa kanyang tainga."Kong ganun gaya ng sabi mo,tayo ay magkaibigan at nandito ako dahil gusto lang magpasama sayo mamasyal kong pwede binibining Celestia?"umingos naman si Celestia.

"Pwede naman basta't may pahintulot sa mga magulang ko."hindi niya wari bakit ganito ang reaksyon niya siyay masaya pero may kunting kirot sa dibdib niya dahil sa salitang kaibigan,umasa siyang baka nahumaling na ito sa kanya.

"Celestia anak,mag-agahan na tayo,Binata halika sumabay ka sa amin at para hindi kayo magutom sa pamamasyal niyo."wika ng kanyang ama,na nakaupo sa kanilang hapag-kainan.

Tiningnan naman ni Celestia ang binata."Mas nauna mo pala silang sabihan kaysa sa akin."sabay ngiti niya nito at nginitian din siya ng binata sabay nauna itong pumunta sa hapag-kainan.

"Umiling nalang ang dalaga at napangiti,ng tiningnan niyang umupo na ito sa harap ng mesa na tila bahagi na ito ng kanilang pamilya.

---

"Masayang nakasakay ng kabayo si Celestia dahil tinuruan siya ni Alcmene ng mangabayo kaya't siyay napatawa pero sa tuwing umaangat ang ulo ng kabayo kapag napahigpit ang pagkakahawak niya sa tali,ay napapatawa din ng malakas si Alcmene dahil akala ni Celestia na mahuhulog sila at takot na takot itong mahulog,habang papunta sila sa batis mabagal na naglalakad ang kabayo at randam nila ang hangin na dumdaplis sa kanilang balat at batid nila ang kasiyahan na iyon."

"Celestia,paano kong lilisan na ako sa lugar na ito malulungkot ka ba?"nakangiting saad niya sa dalaga habang ina-alalayan niya itong bumaba.

Napatingin naman ng deritso sa mukha niya ang dalaga at ito'y yumuko."Oo naman,napalapit ka na sa akin at ikaw lamang ang tanging kaibigan ko maliban sa mga magsasaka."

"Bagkus na may lungkot na kanyang nadarama,batid niya,kong ano ang tunay niyang nararamdaman para nito na tila may mawawala sa kanyang puso kapag siya'y lilisan at siya'y nalungkot."

Napatingin naman ang dalaga sa ginawa ng binata"Binibini nais ko lang malaman mo na una palang kitang makilala umiibig na ako sayo." Wika ni Alcmene na ngayoy nakaluhod sa harap niya habang hawak ang kanang kamay niya.

"Hindi alam ng dalaga ang kanyang sasabihin ang alam lang niya nagagalak ang kanyang damdamin,ano kaya ang isasagot niya nito na batid niya naman ang kanyang damdamin at lihim na natutuwa ang kanyang puso at isipan."

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon