ONSE

47 13 49
                                    

"Kapag ang puso ay umibig ay minsan ay naging mapusok kaya,dahil sa pag-ibig umano niya sa babae ay gagawin niya ang lahat mapasa-kanya lang ito kaya nagplano ang nilalang na ito na kunin niya ang dalaga at dalhin niya sa malayong lugar."

"Alam ng isang Immortal na to ang gagawin ng binatang sakim sa pag-ibig,kaya't ito'y kanyang paglalaruan muna,at para hindi magimbala ang nais niyang pelikula umano alam,niyang hindi pa ito ang oras na makatagpo niya ang kanyang katadhana pero siya'y naabalidbaran sa presensya nito."

Nandito sa Centro ng Barangay ang Binatang si Sebastian at nakita siya ng kanyang kababata na si Anasia,na tanging nagbabantay sa kanilang mga tindang kagamitan na yari sa abaka at mga gamit pambahay gaya ng Upuan mesa aparador at iba pa,mabait din ito at matagal na siya nitong iniibig ng dalaga."Señorito,ano ang pakay mo ika'y naparito?"malambing na tinig na dalaga.

"Napangiti naman ang Immortal at kinuha ang pana nito sa likod at itinutok sa bandang dib-dib ni Sebastian."

Tiningnan niya muna ang mga tinda nito."Gusto ko sa-----"hindi na natuloy ang sasabihin nito,dahil napatigil siya.

"Señorito,señorito na pano ka?"nag-alalang tanong dalaga at hinawakan ang braso na binata, dahil malapit itong matumba at sinaponito ang kanyang dib-dib na parang sumakit.

Napangiti naman ang Immortal ng makita niyang napatulala ang Binata kay Anasia."HIT."bulalas niya sa salitang kanyang natutunan sa kinabukasan at pinitik niya ang kanya hintuturo at siyay naglaho.

Napatulala lamang si Sebastian sa dalaga na tila nakakita siya ng Anghel dahil parang may liwanag siyang nakikita sa paligid nito."Kay ganda mo Anasia."sabay hawak niya sa mukha ng dalaga,namula naman si Anasia a napangiti dahil saw akas,napansin na siya ng lalaking kanyang lihim na iniibig.

Napakurap naman ang binata sa sinabi niya,dahil batid niya'y si Celestia ang kanyang gusto ngunit bakit siya nakaramdam ng kakaiba para kay Anasia."Pa-pasensya na sa aking nasabi,kalimutan mo na lang iyon Anasia."

Napangiti ang dalaga at yumuko."Pasensya na,pero hindi ko po iyon masusunod,matagal na kitang lihim na minamahal kaya't ngayong napansin mo ako,sisikapin kong mamahalin mo rin ako."napatitig naman ang binata sa dalaga at tila pareho sila ng nadarama pero nag-aatubili si Sebastian dahil ang tanging alam niya si Celestia ang mahal niya,kaya binawi niya agad ang kanyang ngiti.

"Kong ganun ako'y aalis na,pasensya nakalimutan ko ang aking pakay Anasia."sabay lakad nito na sapu-sapo ang kanyang didib at lumingun-lingon pa kay Anasia.

Nagtataka man ang dalaga ay napangiti ito dahil sa katagal-tagal na nilang magkilala ay ngayon pa nahawakan ni Sebastian ang kanyang mukha."Sa wakas napansin mo na rin ako."at napangiti itong naglakad papasok sa kanilang palikuran para tingnan ang kanyang mukha sa salamin.

"Ano po ang ginagawa niyo dito Señorito akala ko po ba bibili kayo ng kagamitan para sa bahay na titirhan niyo ng yong ninanais na babae."Nagtatakang tanong ng kanyang alipin dahil ito mismo ang magdadala ng kanyang pinamili.

"Tiningnan niya ng masama ang kanyang alipin at ito'y napayuko,ngunit siya ay naguguluhan Ano itong nararamdaman ko bakit tila nahepnotismo ako sa presensya ni Anasia. sigaw ng kanyang isipan pero hindi niya maintindihan bakit siya napangiti.

---

"Bakit ka nakangiti dyan?Asawa ko,Anong nangyari sa iyong sinabing Misyon?" taas-taas ng kilay na bati ni Psyche,sa kanyang asawa na si Cupid.

Hinawakan ni Cupid ang baywang ng kanyang asawa"May maganda lang Eksena akong nakita ,Asawa ko."sabay halik nito sa pisnge nito umiling nalang ang kanyang asawa at pinuntahan ang kanilang anak na mamunting paslit pa si Hedone.

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon