UNO

364 27 127
                                    

Mundo ng Mortal

"Gusto ko lang malaman mo, una pa lang kitang makita nabihag mo na ang puso ko Binibini."
Wika ng isang magiting na mandirigma sa kanyang nililigawan.

"Magiting na mandirigma, kong yong mararapatin hindi pa ako handang umibig."
Sagot ng Binibining bukal ang puso at ang nag-iisang Binibining may angking kagandahan sa nayon na iyon.

"Subalit Binibini hindi ko alam kong bakit ayaw mo sa akin, napag-alaman ko na kahit sinong magagarbong angkan at magigiting na mandirigma ang sumusuyo sayo ko wari ko'y wala kang napupusuan."

"Magiting na mandirigma, hindi ko alam pero ang puso ko'y nabihag na at alam kong siya ang aking nakatadhana."
Nakayukong saad niya habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa paa.

"At sino naman,ang mapalad na nilalang na bumihag sa puso mo aking binibining Celestia."

Napaisip naman ang binibini at hindi niya alam kong bakit yon ang laman ng isip niya hindi ito sino o nilalang na ordinaryo ngunit sa isip niya kong gusto mo talaga ang isang tao man o bagay magiging tapat ka nito.

"Magiting na mandirigma kong iyong mararapatin, hindi ko na kailangan pang ipag-paalam sayo paumanhin." Sabay yuko niya sa magiting na mandirigma.

"Pasensya na rin aking Binibini,alam kong marami na akong naging tanong sayo,gusto ko kasing malaman kong sino ang maswerteng lalaki na iniibig mo, pasensya na,ako'y aalis na binibini."
Malungkot na boses ng binata napayuko nalang ang Binibini.

"Wala kang dapat ihingi nang pasensya,Salamat ako'y matutulog na rin salamat sa pagdalaw mo sa akin."

"Salamat rin,sa pag-papa-akyat mo sa akin, alam kong ito na ang huling pagdalaw ko na hingin ang puso mo, ngayo'y alam ko na hindi ako ang nilalaman niyan, ako'y aalis na." Yumuko naman ito bago tumalikod.

Napaisip ang dalaga alam niyang nasaktan niya ito, pero ito ang nararapat, pumasok na siya sa silid niya sabay bukas ng kanyang parisukat na bintana na yari sa kahoy, at tintingnan ang bagay na nakapag-bibigay saya sa kanyang pakiramdam hindi siya nakakadama ng takot kapag nakita na niya ito, pakiramdam niya parang prumo-protekta ito sa kanya.

"Aking iniibig hindi ko alam kong saan ako hahantong alam kong hindi mo alam ang nararamdaman ko kay tagal na kitang pinag-mamasdan gabi-gabi, alam kong ang layo mo sa akin pero pag-nakikita kita pakiramdam koy ang lapit mo lang sa akin."
Malungkot na saad nang Binibini habang nakatingin sa kawanangan.

Hindi alam ng magandang Binibini noon pa man alam na ng bagay na iyon ang kanyang pagmamahal at pagnanasang magiging tao siya ,at makasama siya nito,ngunit alam niyang hindi sila magkapareho iba ang kanilang mundong ginagalawan.


Mundo ng Immortal

"Mahal kong Inang reyna, nais ko lang sabihin sayo ulit ang gusto kong makamtan kahit ngayon lang payagan mo akong makapunta sa mundo ng mga tao at makilala ang babaeng matagal ko ng iniibig."

Matagal na niya itong ninanais na makapunta sa mundo ng mga tao ngunit ayaw siyang payagan ng kanyang Ina, dahil batid ng Ina kong anong mangyayari.

"Aking magiting na Prinsipe Buwan batid mo naman na magkaiba kayo, at ikaw lamang ang tanging buwan, alam mong hindi ka basta-bastang mawawala hangga't walang ibang buwan ang papalit sa iyo,hindi gaya ng ibang planeta na marami ang buwan pano nalang ang magsisilbing ilaw tuwing gabi ng mga tao."

"Batid ko ang yong pag-alala Inang Reyna, pero gagawan ko ito ng paraan ipaparating ko ito kay Selene, kahit alam kong hindi siya katulad ko na matanglaw ang ilaw."
Pakisumamo ng prinsipe sa kanyang Ina,dahil gusto niya talagang makita ang kanyang iniibig.

"Ang kapatid mo ay hindi katulad mo na buo ang ilaw,pero kong gusto mo talagang makita ang babaeng yon, bibigyan kita ng pagkakataon pero dapat pagsabihan mo muna ang yong kapatid na siya muna ang humalili sayo hangga't wala ka pa, pero alam mo naman pabagu-bago ang wangis ng yong kapatid hindi katulad mo na buo at hindi nagbabago ang anyo." Malungkot na saad ng Ina nito at hinaplos ang kanyang pisnge na tila nag-aalala ng sobra. "Higit sa lahat na inaalala ko ay kailangan mong malaman iba ang kawanangan sa lupa mahal kong Prinsipe, at sana'y mararapatin mo kong ano man ang kahihinatnan ng pag-uusap namin ng yong Amang Hari, nagkakaintindihan ba tayo?" Malumanay na pangaral sa kanya ng Inang bagkus nito ang pag-aalala sa kanyang anak.

"Naintindihan ko mahal kong Inang Reyna, maraming salamat."
Galak na galak ang prinsipe buwan sa kanyang narinig sa kanyang Ina hindi niya lubos maisip kong ano ang magiging reaksyon ng magandang binibini kapag sila'y nagkita.

Napapangiti na lamang siya sa isiping magkikita na sila ng babaeng matagal na niyang gustong makasama.

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon