KINSE

51 16 33
                                    

Image of Reyna HESTIA


"Habang nagkatitigan ang dalawa,hindi nais ng isa sa Reyna ang kanyang nakita dahil ito'y magpapakita lamang ng isang suliranin kapag silay nagkatuluyan,at malalaman ng mga Hari ang kanyang tinatagong secreto,kaya't nilapitan niya ang dalawa."

"Pangako...Alcmene hindi ko sasabihin ang aking malalaman ngayon,batid ko'y hindi ako dapat ang magsabi sa kanila ng mga bagay na iyong linilihim kaya't makakaasa ka,at ako ay yung kaibigan mapagkakatiwalaan mo ako."malumanay na boses ni Celestia,na nakatitig sa mata ni Alcmene habang inoobserbahan niya ang mukha nito na matikas at ang mga labi nitong mapula-pula at ang matang malamig tingnan pero kong ika'y nakapikit para itong matang gusto kang protektahan at alagaan.

"Celestia,hindi ako isang Mort----."
Naputol ang sasabihin ng binata dahil sa isang matandang babae.

"Maagang araw sa inyong dalawa,pasensya na ako'y naka abala sa inyong pag-uusap."sabay tingin ng matandang babae kay Alcmene.

"Nagtaka si Alcmene kong ano ang ginagawa ng isang Immortal dito sa harap nila batid niyang hindi sila basta basta't pumarito at ang mas ikinataka niya ay ang kaharap niya ay kapatid ng kanyang Ama na si Hestia."

Ngumiti naman si Celestia sa matanda.""Magandang araw din po,Impo,ano po ang maitutulong namin?"wika ng dalaga.

"Ako'y nawawala hindi ko alam ang papuntang Centro maari niyo ba akong samahan?"sabay tingin nito kay Alcmene na may kahulugan.

"Nagtaka si Alcmene dahil ang gusto ng Immortal ay mapagsolo nito ang dalaga kaya ito ang labis niyang kinataka,kong bakit ganito ito umakto."

"Sige Celestia,samahan mo muna,dahil batid ko'y importante ang kanyang pupuntahan."Napatingin naman si Celestia sa binata."Pero yong sasabihin mo?"

"Mayron pang bukas,hindi ba siguro hindi pa ngayon ang tamang araw."sabay tiningnan niya ang Immortal na nagpalit ng wangis.

"Sige Impo,tayo na at ika'y aking sasamahan."at inakay niya ito para hindi mahirapang maglakad at lumingon siya kay Alcmene at nagpaalam.

"Batid niya pagtataka,pero pumasok sa isipan niya na hindi pa siguro ito ang tamang oras para sabihin pero ang tanong. kailan? malapit na ang ikalawang kabilugan ng buwan at siya'y kailangan magpaalam na sa dalaga o kaya ay hindi niya dapat ipag-paalam ang kanyang lihim kaya't dumating ang isa sa mga Immortal kaya siya'y binabalaan lamang at mabait naman ang kanyang lade(babaeng kapatid ng ama niya) at may tiwala siya nito."

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon