BEINTE TRES

38 13 29
                                    

"Habang nagpupulong ang mga Hari at Reyna pinatawag si Alcmene upang mabatid niya kong bakit siya kailangang parusahan at para din makapagpaalam siya sa kanyang paglisan dahil sa pagsapit ng Ikatlong kabilugan ng buwan ay maglalaho lamang ito na parang bula at tanging si Hermes lamang ang nakaka-alam kong saan niya ito dadalhin o ano ang ipapataw niyang parusa.Habang silay nagtitipon-tipon labis ang lungkot ni Alcmene dahil isang araw nalang at hindi na niya makikita si Celestia."

"Anak nawa'y gabayan ka nga ating Diety,ako'y labis na nag-alala sayo kong may taglay ka sanang kapangyarihan kagaya ng yong mga kapatid hindi ako mag-alala ng ganito."wika ng kanyang ama,habang nakahawak ang kamay nito sa balikat ni Alcmene.

Tumingin naman si Alcmene sa kanyang nakakatandang kapatid."Sana'y hindi pang habang-buhay ang nais niya sa akin,kahit batid ko'y nong una palang ganito na ang mangyayari."

"Ang nais ko lang ay maging masaya ka sa yong paglisan at pagkawalay mo sayong iniibig na siya ang dahilan kong bakit ika'y mapaparusahan."seryosong tinig ng kanyang Ama,na may halong hingnanakit sa dalaga.

Inakbayan ni Alcmene ang kanyang Ama at hinimas niya ang braso nito."Ama,wag niyo po siyang sisihin wala siyang alam sa nangyayari at pawang desisyon ko lang lahat ng to."

"Pag-ibig talaga,sige anak balik muna ako sa trono."paalam ng kanyang Ama ng nakangiti.

"Isang araw nalang at magpapaalam kana sa yong mga minamahal,mahal kong kapatid."tawang saad sa kanya ni Hermes na ngayo'y nakalapit na pala sa kanya.

Ngumiti naman si Alcmene."Hindi ka ba nalulungkot isa ka sa aking minamahal Hermes,Hindi mo ba ako mami-miss dahil ako mamimiss kita."asar sa kanya ni Alcmene.

"Kapatid isa ako sa magiging masaya pag ika'y lumisan ngunit dahil kapatid kita hintayin mo na lang na mawala ang yong kasiyahan at ika'y aking pakakawalan."sabay ngise nito ng nakaka-asar batid ni Alcmene kong ano ang kahulugan nito dahil siya ay Immortal at ang kanyang iniibig ay Mortal.

"Kapatid alam mo ba ang kasabihan na Ang lalaking pangahas,tandaan mo't siyang duwag." tumawa,na umiling lang ang sagot ng kanyang kapatid at pumunta sa mataas na bahagi ng kaharian.

"Matapos ang pagpupulong-pulong napagdesisyonan ni Alcmene na pumunta na sa mundo ng mga tao dahil bukas ay magiging huling araw na niya sa mundo ng mga tao."

"Kapatid,ikaw na ba'y pupunta sa mundo ng mga mortal?"tanong sa kanya ni Selene.

Tumango naman siya bago magsalita."Tama ka mahal kong kapatid,alam kong maging mabuti kang tagapangalaga at ikaw muna ang gagamit sa aking isang tanglaw na mata hanggat hindi ko alam kong hanggang kailan ako paparusahan."

"Napag-desisyonan kasi ng mga Hari at Reyna na si Selene muna ang mangangalaga sa isang tanglaw na mata ni Alcmene para makapagbigay siya ng buong tanglaw ng buwan."

"Oo,masaya ako ngunit ako'y nalulungkot para sayo aking kapatid hindi ko alam kong hanggang kailan kita makikita at ikaw lamang ang naging kasangga ko."malungkot na saad ng kanyang kapatid at hindi niya akalaing iiyak ito kaya niyakap nalang niya ang likod nito.

"Mag-ingat kayo palagi at alagaan mo si Ina at si Ama,paalam aking mahal na kapatid."huling paalam niya nito.

"Tandaan mo lang maghihintay kami hanggang sa yong pagbabalik aking kapatid."wika ni Selene hangang maglaho si Alcmene at siya'y napaupo nalang.

"Mahal na mahal kita Alcmene,higit pa sa kapatid ang turing ko sayo ngunit batid ko'y hindi tayo nakatadhana sa isa't-isa kaya handa akong humalili sayo kahit habang -buhay pa,simbolo ng aking tapat na pag-ibig sayo paalam.hanggang sa muli." Usal niya sa kanyang isipan sabay pahid ng luhang tumulo nito.

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon