BEINTE KWATRO

37 12 57
                                    

"Iyak ng Iyak si Celestia,habang nakaupo sa kanyang higaan gabi na at hindi parin niya nahagilap si Alcmene kanina,natatakot siyang baka iniwan na talaga siya nito na hindi pa niya nasasabi ang totoo niyang nararamdaman.Minsan na nga magmahal sa normal mawawala pa."

"Nanlulumo siyang humarap sa buwan na ngayo'y malapit na itong maging buo,batid niyang napasa na kay Alcmene ang kanyang pagmamahal para nito at tila nalulungkot lang siya kapag tinititigan niya ang buwan."

"Bakit ba'y sawi ako lagi kapag ako'y umibig kong hindi maari nawawala naman,talaga bang iniwan na niya ako?" Tanong niya sa mamunting buwan.

"Napaka malas ko talaga sa taong mahal na mahal ko ba't ba kasi kailangan niyang umalis sa buhay ko"tanong niya sa sarili,na nakatitig sa buwan kong kailan ko nakita ang taong magpapatibok ng puso ko ay siya naman nitong pagkawala sa paningin ko."

---




"Nakatayo ngayon sa may batis si Alcmene habang sinsilayan ang bukang liwayway,batid niyang ito ang huling araw ng pananatili niya sa mundo ng mga mortal subalit ang ang puso niya ay nangungulila at gusto niyang makita kahit sa huling araw man lang ang kanyang iniibig kaya napag-isipan niyang  gagawin niya ang lahat sa araw na to masilayan lang at makausap kahit ayaw siya nitong makita man o makausap ang nais niya lang ay masabi niya lahat ang gusto niyang iparating at mabatid kong ano at sino siya ."


"Deity gabayan mo sana ang huling araw ko at sana'y masabi ko na sa kanya ang lahat kahit hindi niya man nais makinig sa akin."dalangin niya bago lumisan sa lugar na iyon.






"Sino ka?"tanong niya nito na nakatalikod sa kanya.

"Ako ang buwan na matanglaw at ako'y iyong iniibig hindi ba?"sagot ng pamilyar na boses sa pandinig niya.

Hindi niya mawari kong siya ba'y nanaginip o hindi pero batid niyang nagagalak ang kanyang puso."Ikaw bay nagsasabi ng totoo?paano ka naging anyong tao?"takang tanong niya nito,kahit nakatalikod pa rin.

"Humarap ang lalaki na buwan umano at may napansin siya sa mga mata nito.mapilak."

"Totoo?"na winawagayway niya ang kamay nito."Baka bulag ka?

"Hindi ako bulag ito ang tanglaw ng buwan,at ang yong ninanais makita."

"Pero tika,bakit may takip sa yong mukha,tanging mga mata mo lang ang aking makita,halika kunin natin."aakmang tatanggalin na niya ito ngunit nahawakan ang kamay niya bago mahawakan niya ang takip.

"Celestia ako to si -----"

"Celestia anak Celestia...Celestia gising."napamulat siya sa narinig niyang tawag ng Ina niya.

"Ina?"nakapikit pa ang isang mata nito.Bakit po'at ang aga pa naudlot po tuloy panaginip ko na kahit papaano makita ko yong iniibig kong buwan."may halong panghihinayang na himig nito at pumikit ulit.

Ngumiti naman ng tipid ang Ina niya,batid din kasi nito ang pag-ibig nito sa buwan"Batid kong Magiging masaya ka sa sasabihin ko."

Napatingin naman ang isang mata ni Celestia sa Ina niya."Ano po yun?"takang tanong niya.

"May panauhin ka sa baba."magalak na saad ng Ina.

Napamulat naman ang dalawa niyang mata."Sino po Ina."

"Si Alcmene."dali-daling lumisan ng higaan si Celestia ni hindi nga niya niligpit muna ang kanyang higaan dahil sa pagkagalak na hindi pala ito lumisan sa lugar nila.

"Dali-dali siyang bumaba na hagdan at dahil sa kanyang pagkasabik na makita si Alcmene hindi niya namalayan na nandun pala ang Ama niya nakaupo muntik na siyang mahulog,buti nasalo agad ni Alcmene,napatulala siya sa mukha ng binata at napangiti hindi sa saya dahil naagapan ang pagkahulog niya kundi dahil sa tibok ng puso niyang kumakabog ng masilayan ang mukha ni Alcmene."

"Binibini?"agaw pansin niya sa dalaga na nakangiting nakatitig sa kanya.

"Namiss kita Alcmene."nasambit niya ng marinig ang boses ni Alcmene.

Napatulala naman si Alcmene sa sinabi nito."Pasensya na."napabalikwas naman siya at tumayo sabay yuko nito.

"Wag mo sanang isipin yong sinabi ko ako'y masaya lamang at nakita kita."wika niyang pasulyap-sulyap kay Alcmene na ngayo'y nakangiti na.

"Hindi ka na galit sa akin?"tanong ni Alcmene.

Napatulala naman si Celestia sa kanyang narinig at naalala ang sinabi ng kanyang Ina."Pasensya na,Iwan ko ba kong anong Engkanto ang sumapi sa akin at ganun ako makitungo sayo,nasayang ko tuloy ang ilang araw na hindi kita kasama." pabulong niya sa huling salita na kanyang binitiwan sabay ngiti niya kay alcmene ng hilaw.

Napangiti naman si Alcmene,at hindi na niya tinanong pa nang kong ano si Celestia dahil kukunti nalang oras ng kanyang pamamalagi kasama ang kanyang iniibig."Tara tayo'y mamasyal kong maari lang."

Ngumiti naman si Celestia,"Oo naman,pero kumain muna tayo ng agahan di ba po Ina Ama?"sambit niya na kinamot ang ulo niya halos makalimutan na nila kasi na nandyan pala ang Ina't Ama ni Celestia,tumikhim naman si Alcmene sa hiya.

"Buti naman Celestia at napansin mo pa kami?"galit-galitang saad ng kanyang Ama,na ngayo'y naka-akbay na sa kanyang Asawa.

Ngumiti naman ang kanyang Ina"Wag mo nang sagutin ang Ama,mo para namang hindi siya ganyan nong siya'y nanliligaw pa sa akin."tiningnan naman siya ng masama ng kanyang asawa.

"Harap-harapan talaga?"tinawanan nalang nila ito na parang batang nagmamaktol patungong hapagkainan.

"Sana ganito nalang araw-araw masayang pamilya at ang yong Iniibig." Usal ni Celestia sa kanyang Isip.

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon