KWATRO

91 25 83
                                    


Hindi mai-alis sa isip ni Celestia ang mga magsasakang nawalan ng sakahan dahil pinaalis ang mga ito ng may-ari, ang pamilyang La Fuente, hindi man napasama ang ama ni Celestia ngunit batid niya ang nararamdaman ng mga ka nayon nila at nakaramdam siya mg labis na awa.

"Ama, ano ang gagawin ng mga kasama mo ngayon na wala na silang pagkukuhanan ng makakain araw-araw?"
Nag-aalang saad niya sa kanyang ama na ngayon ay nagpapahinga muna sa lilim ng puno, habang umiinom ng tubig.

"Hindi ko rin alam anak, kong sana'y may kakilala tayong may malaking sakahan ngunit wala tayo ni isang kakilala, para matulungan sila." Malungkot na saad ng kanyang ama na nakatingin sa malawak na lupain na sinasakahan.

Sa isip niya ay ihahanap nalang niya na pwede'ng pagsakahan ang mga magsasaka para may makain ito sa pang-araw-araw. Tutulungan niya ito.




---

"Maraming Salamat po."

Hinging pasalamat niya sa may-ari ng malaking sakahan na pinagtanungan niya kong maari dito sa sakahan niya magtrabaho ang mga magsasakang nawalan ng trabaho, pero hindi na raw ito nanga-ngailangan ng magsasaka kaya malungkot siyang lumisan sa lugar na iyon.

Ngumuso siya sabay sipa sa batong nakaharang sa daan."Saan na kaya ako nito halos lahat ng may malalaking sakahan sa nayon na ito ay napagtanungan ko na,pero alam kong maypag-asa parin."bulong niya sa sarili niya habang pinapay-pay ang sariling kamay sa mukha niya dahil sa init at sabay pahid sa mga butil ng pawis sa noo niya.

Napatingin naman si Celestia sa Ginoong papalapit sa kanya.

"Magandang Araw Binibini,maari ba akong magtanong sayo,kong maari lang."
Sabay titig ng malamig na mata nito sa mga mata niya na kinangitian niya na hindi niya namalayan.

"Binibini?"
Napabalik sa realidad ang isip niya ng marinig niya ulit ang boses nito.

Napatakip naman siya ng bibig dahil sa inakto niya at yumuko dahil sa kahihiyan."Pa-pasensya na po, Ano po ba ang maitutulong ko?"at pasilip-silip niyang tiningnan ang istranghero.

Batid niyang kakaiba ang mukha ng istranghero dahil may takip sa bandang kaliwang mata nito, pero hindi niya maialis na maganda ang mga mata, na parang nakakahepnotismo at ang bibig nito'ng mapula-pula at may magandang kurba.

Tiningnan siya ng istranghero,pero napayuko lang siya ulit."Maari bang malaman kong saan ako pwedeng kumuha ng mga magsasaka para sa aking lupain, dahil bago pa ako dito sa nayon na ito."saad ng Istrangherong tumingin-tingin sa paligid na parang naghahanap.

Umaliwalas ang mukha ng dalaga at napatingin siya diretso sa mata ng binatang Istranghero."Totoo?naghahanap ka? Ngayon mo na ba kailangan?"  Sunod-sunod na tanong niya dahil sa saya.

Hindi makapaniwalang may mabuting tao na lumapit sa kanya at manghihingi ng tulong na siyang makakawala sa kanyang suliranin.

Kaybuti niyo po poo'ng maykapal.

Ngumiti ang istranghero sa kanya na pinantay ang kanilang mukha."Totoo Binibini, may alam ka ba? Oo, maaring ngayon na, maari mo ba akong samahan?"

Napangiti naman ng malaki si Celestia at hinawakan niya ang braso ng Istranghero at hinila ito at dinala sa sakahan kong saan doon nagmamakaawa ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Habang tumatakbo sila hindi maiwasang mapatingin ang mga taga- nayon sa kanilang dalawa na nakangiti habang tumatakbo, kong titingnan sila parang magkasintahan na nagkatuwaan sa pagtakbo at parang magandang tanawin sila kapag titingnan.




---

"Maraming salamat"

"Maraming Salamat."

Pasasalamat ng mga magsasaka dahil may hanapbuhay na sila at may ipapakain na sa kanilang pamilya.

Tiningnan ng dalaga ang binatang Istranghero na malaki ang ngiti habang nakikipag-usap sa mga magsasaka."Ang ganda mong lalaki binata,may asawa ka na ba."wika ng isa sa magsasaka sabay tawa nito.

"Wala pa po at hindi ko pa ho nasusuyo ang aking iniibig."Sabay tingin sa kanya at ngumiti ang Istrangherong binata.

"Kong hindi mo masasamain binata, bagay kayo ng aming magandang dilag hindi lang sa nayon namin pero sa buong lugar na ito at mabait pang dalaga si Celestia." Nahiya naman si Celestia at napayuko.

Tiningnan lang siya ng binata at ngumiti ito sa kanya, tumibok naman bigla ang kanyang puso at pamilyar sa kanya ang tibok na yon, ngunit hindi ito siya,na buwan na kanyang iniibig, wari ay naguguluhan siya sa naging sagot ng katawan niya sa isang pares na matang nakatitig sa kanya.

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon