BIENTE OTSO

37 9 22
                                    

"Nakaupo sa higaan si Celestia na minamasdan ang pulseras na suot niya na walang tigil ang patak ng luhang dumaloy sa kanyang mukha at inaalala ang masayang ala-ala nila ni Alcmene kahit konting araw lang pero sa damdamin niya ang tagal na nilang magkasama lalo na't ito pala ang Buwan na iniibig at ninanais niya.Alcmene,mahal ko hihintayin kita.

"Corazon kay lungkot ng ating Anak."wika ng Ama ni Celestia na sinisilayan siya nito sa kanyang pinto.

Napatango naman ang Asawa niya."Sana'y mawala na ang lungkot na kanyang nadarama."

"Batid ng mag-asawa ang lungkot na nadarama ng dalaga dahil sinabihan sila ng Reyna kaya't gusto nilang aluin ang anak ngunit ayaw nitong magpapasok sa kanyang silid."

"HmSa gitna ng pag-iyak ni Celestia naalala niya ang babaeng Immortal umano at Anak daw siya nito napatigil siya sa pag-iyak at nag-isip."

"Baka maari niya akong tulungang makapunta sa mundo ng Immortal at masilayan muli ang aking iniibig." Usal niya sa kanyang isipan.

"Dali-dali namang sinarado ng mga magulang ni Celestia ang pinto ng mapatingin ang dalaga sa gawi nila,at baka sila'y makita pero huli na dahil naglakad na ito papunta sa kanila."

"Ina Ama,kong hindi ikakasama ng inyong kalooban may nais lang po akong malaman tungkol sa isang magandang babae na tinawag akong anak,kagabi."

"Napaawang naman ang bibig ng Ina nito at tumingin sa kanyang Asawa,at sabay silang tumango."

---


"E di totoo ang sinabi niya sa akin kagabi."ulit ni Celestia sa kanyang narinig na pahayag tungkol sa Ina umano niya.

Hawak kamay na pinisil ng Ina ni Celestia ang kamay ng dalaga,at may lungkot na nakikita ang Ina sa mata ng dalaga."Patawad kong kami ay naglihim sayo Anak."

"Batid noon pa ni Celestia na may kakaiba na sa kanyang pagkatao dahil tuwing makikita siya ng kanilang kapit-bahay at mga dalagitang kumakaibigan sa kanya ay sinasabing hindi sila magkawangis ng kanyang tinuturing na magulang kaya't ngayo'y napaliwanagan na siya pero hindi parin nagbago ang pagmamahal niya para sa dalawa dahil sila ang nagbigay pagmamahal at kalinga sa kanya at tinuring siyang tunay na Anak.

Ngumiti si Celestia sa dalawang nagpalaki sa kanya at nag-alaga."Wala po kayong ihingi ng tawad,pero sana'y ako'y iyong payagan, nais ko sanang makausap yong babae,may nais lang akong ihingi ng tulong sa kanya,maari po ba?"

Nagkatinginanan muna ang mga ito bago tumango."Pumikit ka Celestia at sabihin mo ang yong nais."

"Ginawa naman ni Celestia ang pinapagawa ng kanyang magulang."

---



"Kasalukuyang naka-gapos si Alcmene sa isang napaka-init na lugar at sa tingin niyay nasa pinaka ilalim siya ng lupa,batid niya kong anong lugar ito dahil dito sa lugar na to namumugad ang mga mababangis na nilalang at ang tanging sandata lang niya ay ang kanyang sarili at pag-iisip."

"Tartarus." Usal ni Alcmene.

"Magaling Mahal kong kapatid batid mo pala kong saan ka ngayon. Sana'y buhay ka pa hanggang sa oras na ika'y aking palayain,magpakasaya ka at mag-ipon ng maraming lakas Hahahahahaha." Rinig niyang sigaw ng kanyang kapatid na batid niya'y tinitingnan lang siya sa isang bagay na tanging ang kapatid niyang si Apollo at ang Hari ng Tartarus na si tartaru lamang,ang mayroon ng bagay na nakapagbibigay daan para makita kong nasaan siya,ito ay ang mahiwagang salamin na silang dalawa lamang ang nagmamay-ari.

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon