KATORSE

50 17 47
                                    

"Masaya na si Alcmene,kong ano mang isasagot ni Celestia sa kanya batid niyang hindi niya ito makakasama habang-buhay dahil pagdating sa ikatlong kabilugan ng buwan,siya ay lilisan na dito sa mundo ng mga mortal,basta't nasabi na niya ang sigaw ng kanyang damdamin masaya na siya at may madadala na siyang masayang ala-ala sa kanyang paglisan dito."

Nginitian ni Alcmene si Celestia na wari masaya siya sa kanyang ginawa."Celestia,nais ko lang sabihin yun sayo,hindi mo kailangang sagutin,hindi yun tanong pinagtapat ko lang ang totoong nararamdan ko sayo."at humarap ito sa batis na nakalagay ang dalawang kamay sa likod.

"Tiningnan naman siya ng dalaga,magsasalita na sana siya kaso naunahan siya nitong magsalita kaya pinilit nalang niyang ngumiti ng tipid at inalala ang sinabi nito sa kanya,hindi niya namalayang tumabi na pala ito sa pag-upo sa may bato."

"Ang sarap pagmasdan ng tubig kay linaw nito at malinis,tara maligo tayo."wika ng binata sa kanya.

"A-ayaw na sana siya,kaso naunahan siya nito at hinila siya papunta sa batis at nabasa,kaya nagbasaan nalang sila ng tubig hanggang mabasa ang buong katawan nila at lumubog para maligo."

"Habang tinitingnan niya si Alcmene,hindi pa rin mawala sa isipan niya ang sinabi nito,kaya napapangiti siya ng wala sa oras,ngunit nais sana niya itong tanungin ,kong ano ang nasa likod ng maskara nito subalit alam niyang siguro hindi niya dapat paki-alaman ang tinatago nito baka makasira pa ng samahan nila."

"Giniginaw ka na?tara iuuwi na kita."aya sa kanya ni Alcmene,na patawa-tawa pa rin dahil parating si Celestia ang nadadapa sa tubig tuwing naghahabulan sila.

Galit na tiningnan ni Celestia si Alcmene."Hindi pa,at hindi pa kita natutulak,kaya humanda ka...."sabay tayo niya ,nang-aakmang lalapit na siya kay Alcmene at hawakan niya ito napatid naman siya sa bato at kinatumba niya,pero aksidenteng nahablot niya ang maskara nito at nawalan nang balanse si alcmene kaya napatumba ito at nasa ibabaw niya si Celestia na ngayo't titig na titig sa mata niya.

"Hindi alam ni Celestia ang mararamdaman niya pagkakita niya sa kaliwang bahagi nang mata ni Alcmene isang mapilak na mata at kapag titignan niya ito parang isa itong bagay na napaka pamilyar sa kanya mapilak ito hindi gaya sa normal na mata na may itim sa bandang gitna pero yung mata nito ay hindi normal na puti lang,sa nakita niya ay kasing pilak ng parang sa isang buwan,napahaplos siya bahaging iyon at hindi niya batid kong bakit nagagalak ang puso niya."

Natauhan naman si Alcmene,at dali daling isinuot ang kanyang maskara."Pasensya na. sabay yuko nito at inayos ang pagkakatali ng kanyang maskara sa kaliwang bahagi ng mata niya."Ba-bakit ma-mapilak ang yong ma-mata?"nanginginig na wika ni Celestia habang titig pa rin sa mata ni Alcmene.

"Celestia may dapat kang malaman,pero sabihin mo muna na walang magbabago at sana kong ano man ang yung malaman wag mo sanang ipagsasabi kahit kanino nangangako ka ba?"seryosong saad nito na hinawakan niya ang mukha ng dalaga.

"Hindi alam ng dalaga ang kanyang sasabihin pero isa lang ang sigurado siya tanggap niya ang binata kahit ano pa ang tinatago nitong lihim dahil batid niyang minamahal na niya ito."

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon