"Dapit-hapon na ng makarating sila sa may batis dahil sa kanilang pamamasyal at naisipan muna ni Alcmene na dalhin muna siya rito dahil sa kanyang sasabihin at ang kanyang pamamaalam"
"Maganda tingnan ang ulap dahil sa kulay kahil nito,na galing sa sinag ng araw na ngayo'y unti-unting lumulubog habang napapasadahan ang kanilang mukha ng liwanag na galing dito."
"Kay gandang pagmasdan."Wika ni Celestia na ngayo'y nakatingin sa lumulubog na araw.
"Tama ka,sana'y ganito nalang araw-araw."
Napatingin naman ang dalaga sa kanya."Maari naman natin tong gawin kong ito ay iyong nais."nahihiyang wika niya kay Alcmene.
"Kong maari lang sana."malungkot nitong saad.
"Batid ko'y ka'y lungkot ng yong boses may suliranin ka ba?"tanong sa kanya ni Celestia na may halong pag-aalala.
Ngumiti ng tipid si Alcmene at humarap kay Celestia."Celestia,may dapat kang malaman."
"Malungkot ang mata ni Alcmene na nakatingin kay Celestia ayaw niyang matapos ang araw na to habang papalubog ito, unti-unting lumiliit ang oras na makasama niya ang dalaga kong maari lang niyang pigilan ang paglubog nito ginawa na niya,at ang pagsapit ng Ikatlong kabilugan ng buwan ay siyang nagbibigay sa kanya ng sobrang lungkot sa kanyang damdamin."
"Ito ba ay yong lihim na naudlot mong sabihin sa akin nong huling araw nating nag-usap?"tanong ni Celestia na ngayo'y nakatitig kay Alcmene.
Tumango naman ito sa kanya."May nais akong ipagtapat sayo..Celestia wag ka sanang magulat isa akong Immortal."
Nagulat naman si Celestia sa kanyang narinig."Immortal?
"Oo Celestia isa akong Immortal,hindi ako mortal kagaya niyo."
"A-anong hindi kagaya na-namin?pa-patay ka ba na nabuhay?"tanong niya nito na hindi alam kong matatakot ba siya o kakalma lang.
Inalis ni Alcmene ang maskara na nakaharang sa kanyang kaliwang mata."Tingnan mo Celestia,batid mong hindi ito tulad ng normal na mata ito'y mapilak."
Hindi mapigilan ang kamay nito sa paghaplos sa kaliwang bahagi ng mukha ni Alcmene."Isa itong mapilak kagaya ng buwan ngunit hindi ko pa rin wari kong ano ka talaga?"usal ni Celestia.
"Isa akong Buwan na yong iniibig at ninanais,matagal na kitang napapansin at napagdesisyonan kong pumarito sa mundo ng tao para makilala ka at makita dahil iniibig din kita sa tuwing ako'y itong kinakausap naririnig kita at ako'y napapasata mo na kahit isa lang akong tanglaw na buwan ay umibig ka sa akin."paliwanag ni Alcmene sa dalaga.
Nagulat naman ang dalaga sa kanyang narinig hindi niya lubos maisip na naging totoo ang kanyang ninais,ngunit marami pa ring mga tanong sa kanyang isipan."Paano?"Tanging lumabas sa kanyang bibig.
"Batid ko'y ikaw ay nalilito,Celestia isa lamang akong tanglaw na nagbibigay liwanag sa buwan isang uri ng tagapangalaga ngunit ngayon ang buwan na iyong makikita ay ang bagong tagapaangalaga na ang nagbibigay tanglaw nito ang aking kapatid na babae si Selene."
"At ibig sabihin ba,magiging Mortal ka na?dito ka na titira?Hindi ka na babalik sa pagiging buwan?"sunod-sunod na tanong niya nito na may galak sa boses.
"Batid ni Alcmene ang saya ni Celestia at galak sa boses nito na labis niyang kinalulungkot,kong maari lang na dito na siya kasama ito."
"Celestia,kunting oras nalang at ako'y lilisan na."sabay yakap niya sa dalaga ayaw niyang makita nito ang luha na dumaloy sa kanyang mata.
"A-anong ibig mong sabihin?"naiiyak na tanong nito sa kanya.
"Sa paglubog ng Araw ay siyang pag-akyat ng ikatlong kabilugan ng buwan simula ng ako'y tumapak sa lupa,at ito gabing to ang huling gabing makakasama kita Celestia akong iniibig."sabay kalas niya ng yakap kay Celestia,at tiningnan niya ang maamong mukha ng dalaga.
"Sobrang lungkot ang nadarama ni Celestia,halos hindi pa lubos maintindihan ng kanyang puso at isipan ang nangyayari akala niya masaya na pero bakit ganito.huling gabi?"
"Hindi ko lubos maintindihan bakit ito'y tinawag mong huling gabi?Ibig bang sabihin huling araw mo na dito sa mundo ng lupa?hindi na kita masisilayan pang mu-muli?"sabay tulo ng luha niya sa labis na lungkot na nadarama.
"Hindi ko batid,kong tayo'y magkikita pa sa pagtapak ko sa mundo ng mga mortal ay may kaakibat akong parusa sa aming daigdig at hindi ko batid kong ano ang magiging kahihinatnan ng ipapataw na parusa sa akin Celestia."sabay pahid niya ng luha na dumaloy sa mata ng dalaga habang nakayakap parin ang mga kamay ng dalaga sa beywang ni Alcmene.
"Alc-mene iniibig ko....mahal kita,mapa buwan ka man o tao mapa Immortal o mortal ikaw ang tanging lalaki na bumihag sa puso ko,at ngayon ika'y lilisan."sambit niya habang umiiyak na ngayo'y hinahampas niya ang dibdib ni Alcmene.
---
"Nakaka-awa ang nagmamahalang nagkakilala sa magkaibang mundo nagmahal nang hindi tugma ang oras at sila ngayo'y nasasaktan ng dahil sa kanilang tadhana." Usal ni Cupid na nakatingin sa dalawang namama-alam sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Fate ✔️
خيال (فانتازيا)A young beautiful maiden who has a goddess look face and because of that many good looking wealthy men keeps following on her.But the heart of this maiden is already capturéd by unextraordinary being and that being called Moon and this being fell in...