BEINTE DOS

38 12 36
                                    

"Napamulat si Celestia dahil sa lungkot na nadarama niya at paghawak niya sa kanyang mukha ay may luhang lumandas sa gelid ng mata niya luha. Umiyak ako sa aking pagtulog?"

"Nagtataka parin si Celestia habang patayo sa kanyang higaan, sa kong tungkol saan ang napanaginipan niya,at bakit siya umiiyak na hindi niya lubos batid kong ano ang sanhi."

"Anak buti gising ka na bumaba kana para ika'y makapag-agahan."wika ng kanyang Ina sa kanya habang nagliligpit ng pinagkainan siguro nila ng kanyang Ama.

Tumingin naman siya sa bandang pintuan nila na may hinahanap."Ina,may pumunta po ba rito?"tanong niya sa kanyang Ina,natatandaan niya kasi na may lihim na ipagtatapat sa kanya si Alcmene at naudlot ito kahapon dahil sa matanda na nanghihingi ng tulong.

"Wala naman anak,bakit?"sagot ng Ina niya.

"Ah,wala Ina,akala ko lang pumunta ulit dito si Alcmene,wala pala."napatingin naman ang Ina niya sa kanya.

"Ah,ganun ba pasensya na anak,batid ko'y nasaktan kita."nagtaka naman si Celestia sa sinabi ng Ina nito.

"Ina,hindi ko po kayo maintindihan bakit po kayo humihingi ng pasensya?"sabay lapit niya sa kanya Ina.

"Basta anak,patawad kong ako'y nagkasala sayo,sana'y ako'y patawarin mo sa panahong may malaman ka."sabay punas ng luhang kumawala sa mata nito,at niyakap si Celestia.

Nagtaka man ay niyakap nalang din niya ang Ina."Wag po kayong mag-alala Ina,hindi po ako magtatanim ng sama ng loob sa inyo,sa inyong dalawa ni Ama,mahal na mahal ko po kayo."napatingin naman si Celestia sa mga taong dumadaan sa harap ng kanilang bahay na may suot na bandana sa ulo,na ang pagkaka-alam niya ay hindi pa ngayon ang araw ng pananampalataya.

"Ina,saan po sila di ba sirado ngayon ang kapilya?"takang tanong niya na tinitingnan ang mga bata na naghahabulan sa labas nag-uunahan sa pagsabay sa kanilang mga magulang.

"Ang araw ng pananampalataya nila ay nagaganap tuwing taniman nila ng mga palay,gulay,halamang gamot at iba pa,at sa isip niya nong isang araw pa yon naganap at sa pagkaka-aalam niya sa Pagdating nang Ikalawang kabilugan ng buwan simula ng huling taniman nila magaganap ito."

"Ina?"tawag niya ulit.

"Sa Ka-kapilya anak."tulirong saad ng Ina niya,na napansin niya.

"Ina may mali po ba? Hindi ba't nong isang araw lang naganap ang ikalawang kabilugan ng Buwan?"tanong niya ulit.

"Anak...may hindi ka naalala sa nagdaang araw at simula nong araw na magkasama kayo ni Alcmene hindi mo siya natatandaan na,at ang tanging alam mo lang sa kanya ay poot at galit."tuloy-tuloy na sabi ng kanyang Ina,habang nakayuko ang ulo.

Nagulat naman si Celestia sa kanyang narinig Ibig sabihin,mahigit kumulang dalawang buwan niyang hindi pinapansin si Alcmene."Ina,bakit anong nangyari sa akin,bakit wala akong matandaan?"litong saad niya.

Iyak lamang ang naging sagot ng Ina ni Celestia."Ina,mamaya na po tayo mag-usap lilisan muna ako at hahanapin ko si Alcmene."sabay baba niya sa bahay nila at pinuntahan niya si Alcmene sa lupang sinasakahan nang magsasaka.

---

"Naglibot-libot si Celestia sa may Centro habang hinahanap niya ang binata,dahil wala ito sa lupain nito napunta na siya sa kapilya ngunit wala parin kaya't napagisip-isip niya na baka dito ito pumunta,pero halos lahat ng sulok wala siyang nakitang Alcmene,halos mapaluhod na siya sa gitna nang mga taong dumaraan sa kanya dahil sa pinagsamang gutom at pagod na nararamdaman niya. Alcmene nasaan ka na?"

"Hinihingal habang nakayuko si Celestia sa may batis, halos lahat ng maaring puntahan ni Alcmene ay napuntahan na niya pero hindi pa rin niya makita ang binata malungkot siya na may halong takot ang nararamdaman niya."

"Naisip niyang baka tinotoo ang sinabi nito sa kanya noon na ito'y lilisan,tumulo agad ang luha ni Celestia ng maalala niya ang huling pag-uusap nila.hindi..hindi maari,iniibig ko na siya,hindi niya ako maaaring iwan."

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon