BEINTE SIETE

44 11 59
                                    

"Nakatingin ngayon ang Hari at Reyna sa kanilang Anak na namama-alam sa sinisinta ng damdamin nito,hindi nila mapigilang mapa-iyak dahil sa sasapitin nito pagsapit ng Bilog na buwan."

"Ako'y nalulungkot para sa ating anak na prinsipe buwan,batid natin na hindi siya handa sa kahit anong parusa kong may kapangyarihan lang sana siya,baka makakaya niyang harapin kong anuman ang gagawin sa kanya ng kanyang kapatid na si Hermes."malungkot na saad ng Reyna habang nakatitig sa dalawang taong malungkot na tanging mga puso lamang ang nagiging ingay nila.

Hinimas naman ng Hari ang braso ng kanyang Asawa para ito'y pigilan sa pag-aalala ng sobra."Wag kang mag-alala gusto lang ni Hermes na makamit ang nais niya at kapag siya'y nakontento na alam kong papakawalan din niya ang kanyang kapatid sa kaparusahan na ginawad niya at hindi ito magiging habang-buhay."pag-aalo sa kanya ng Hari.

"Sana nga Zeus."

---

"Nakahilig sa braso ni Alcmene si Celestia habang nakaupo sa gelid ng batis at tinitingnan nila ang mga alitaptap na nagsasayaw sa kadiliman pati ang huni ng mga ibon ay nagsilbing musika nila sa paligid at ang hanging dumadampi sa kanilang balat ay tila isang kamay na promo-protekta sa kanila,hinihintay nila ang oras na makapag-hiwalay sa kanila at ang kanilang hinihintay ay unti-unting lumilitaw."

"Alcmene,pangako ikaw lang ang lalaking iibigin ko kong kailangan kong maghintay ngam ilang taon dekada man o hanggang ako'y mamatay at kong ako'y mabubuhay ulit ikaw lang ang tanging hahanapin ko at ang kakasya sa aking puso."wika no Celestia,na ngayon ay umiiyak na naman .

Hinalikan siya ni Alcmene sa noo nito."Hihintayin mo ako?"tanong niya nito.

Tumango-tango naman si Celestia."Oo,hihintayin kita."hagul-gul ni Celestia dahil sa nakita niya na ang katawan ni Alcmene ay unti-unting naglaho.

"Unti-unting nawawala ang katawan ni Alcmene ng tuluyang lumitaw ang ikatlong kabilugan na buwan."

"Pangako Celestia babalik ako,tutuparin natin ang pangako at sumpa ng pulseras na to,mahal ko babalik ako hanggang sa muli."at hinalikan niya ito sa labi at pati ang mga luha nila ay nagtagpo.

"Ang sakit ng damdamin ni Celestia,nakita na niya ang ninanais niyang makita ay ito pala ay ang nilalang na kanya ring iniibig ngunit ito'y mawawala rin at sa gabing ito ang huling araw na kanilang pagkikita,hindi nais ni Celestia na umalis ito ngunit hindi niya gawing pigilan ang paglalaho ng katawan ni Alcmene hanggang ito'y naglaho ng tuluyan,tanging iyak nalang niya ang kanyang narinig at tila siya lang mag'isa ang nakasaksi ng kanyang pangungulila sa hindi niya inaasahang pagkakataon at tadhana na yon pala ang magiging huli kong sana hindi niya sinayangan yong mga araw na hindi niya ito maalala."

"Alcmene."sabay napaupo siya sa may batis at humagulgul.




---

"Batid ng Reyna ang lungkot na nadarama ng kanyang Anak kaya't hindi niya napigilang lapitan ito at ipagtapat ang kanyang kasalanan oras na para malaman niya ang katotohanan."

"Napataas ang ulo ni Celestia ng may naramdaman siyang pagtapik sa kanyang ulo,at nakita niya ang babaeng palagi niyang nakikita sa panaginip niya."

"Ikaw?ikaw na naman?"

"Hindi niya alam pero baka nanaginip lang siya at nagpapakita naman ang babaeng to sa kanya."

"Celestia patawad,ako ang may kasalanan kong bakit wala kang naalala sa mga nagdaang araw."nagsusumamo na boses ni Hestia at hinawakan ang mukha ng anak.

Nagulat si Celestia sa kanyang narinig at umayos ng upo."Bakit..bakit pano nyo po yun ginawa at ano ka?"tanong ni Celestia.

"Celestia tulad ng yung iniibig isa rin akong Immortal at ako'y natatakot lamang na matulad ka sa akin."umiyak niyang saad nito.

Naguguluhang napatayo si Celestia na wari ang daming gumugulo sa kanyang isipan."Maraming gumugulo sa aking isipan,,pero ba-bakit nasabi mong ayaw mong matulad ako sayo hindi ko maintindihan."

"Celestia aking hadeh...aking anak."sabay yakap niya kay Celestia at umiyak.

"Sa narinig niya ay hindi si Celestia nakapagsalita agad naguguluhan siya sa kanyang narinig."

"Anak"nasambit ni Celestia.

Tumango naman si Hestia na nakayakap pa rin kay Celestia,kumalas naman ang dalaga at humarap kay Hestia."Nagkakamali po kayo,may mga magulang na po ako at hindi kita kilala."

"Anak ako ang yung tunay na Ina,Patawad at ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magpakilala."umiiyak na saad ni Hestia.

"Hindi...hindi to totoo."at dali-daling tumakbo si Celestia palayo kay Hestia na ngayo'y sinundan lang siya ng tingin.



"Gagawin ko ang lahat tanggapin mo lang ako at mapatawad aking Hadeh."

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon