DESI NUEBE

40 13 38
                                    

"Nagdididlig ng mga halamang gamot si Celestia,na hindi niya namalayang may nakatingin na pala sa kanya at habang kumakanta siya napapangiti ang binata na may halong lungkot sa mata."

"Batid ng binata na malulungkot ito kapag nalaman nito na siya'y lilisan at hindi na babalik,subalit may agam-agam din siyang baka hindi naman totoo ang sinabi ng dalaga nong nagkita sila dahil ilang araw na ang dumaan at hindi ito nagpapakita sa kanya."

"Celestia."wika niya habang papalapit sa kinaroroonan nito.

Napatingin ang dalaga sa kanya."Anong ginagawa mo dito?"napa-atras siya sa malakas na boses ng dalaga.

Tinitigan muna niya ito ng may halong pagtataka, bago magsalita."Binibisita ka,matagal kitang hindi nakikita at di ba may naudlot akong sasabihin sayo."

Umiwas muna nang tingin ang dalaga bago magsalita."Wala akong maalala,at kalimutan mo na yun,wala akong paki-alam."at kinuha ang tabo nito at nagdilig ulit.

Nagtaka naman si Alcmene,dahil kakaiba ang himig nito na tila may galit sa bawat salita."Ikaw ba'y nagagalit sa akin Binibini?"sabay lapit niya ng kunti sa dalaga.

Umatras naman ang dalaga."Oo,hindi kita kaibigan at maari ba nais kong matapos na sa aking ginagawa kong maari umalis ka na."

"Celestia,akala ko ba magkaibigan tayo at akala ko'y malulungkot ka kapag ako'y lilisan subalit ngayon hindi mo na ako gustong makita may dapat ba akong malaman kong bakit may galit kang naramdaman sa akin?"malungkot na saad ng binata na nakatitig sa likod ni Celestia.

Nakapameywang na humarap si Celestia kay Alcmene at parang naiirita siya sa presensya nito."Maari bang lumisan kana,wala akong dapat sabihin sayo at hindi ko batid bakit sa isipan ko puro kasinungalingan lamang ang sinasabi mo sa akin."

Tiningnan naman siya ni Alcmene na nagtataka."Kasinungalingan?kahit kailan hindi ako nagsinungaling sayo naglihim ako pero sasabihin ko na sana sayo ngayon pero ang hindi tapat sa sinasabi ko ay yun ang hindi totoo,at nong huling araw na pagkikita natin hindi ka naman galit sa akin lumisan ka na walang samang loob sa akin."pagsasalaysay niya nito habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa braso ni Celestia,napatulala naman ang dalaga sa mukha niya.

"Hindi tayo magkaibigan,wala akong maalalang magandang bagay na kasama ka Alcmene."malamig na sagot niya sa binata.

"Ngunit Celestia,kaibigan mo ako marami na tayong mga masasayang ala-ala na naimbak sa puso't-isipan natin akala ko ba ako lamang ang yong kaibigan bukod sa mga magsasaka,nakalimutan mo na ba?"pangangatwiran ng binata na may halong lungkot sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

"Pasensya na,hindi ko batid ang yong mga sinasabi,ako'y papasok na sa bahay,paalam."at dali-daling tumakbo si Celestia papasok sa kanilang bahay sinundan naman siya ng tingin ni Alcmene,na hindi mawala ang pagtataka nito sa mata niya.

"Tumalikod nalang ang binata,habang ina-alala ang mga mata ni Celestia,parang hindi ang mga matang yun ang nakikita niya nong mga nagdaang araw na magkasama sila,tila kasi ito'y matang hindi siya kilala at parang isang matang walang emosyon at tanging galit lamang ang makikita nito."

"Anong nangyari sayo Celestia.Nanghihina ako."usal niya sa kanyang isipan.

---

"Nakatingin sa kawalan si Celestia habang ina-alala ang sinabi sa kanya ni Alcmene,hindi niya maalala kong anong magagandang bagay ang kanilang ginawa hindi niya maalala na naging magkaibigan sila pero bakit ganito ang puso niya parang naghihinanayang at naiiyak ng makita niya ang mukha ng lalaki."

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon