EPILOGUE

80 12 64
                                    

"At simula noong araw na pinagpalit ni Celestia ang kanyang ala-ala,parati niyang tinititigan ang kanyang pulseras at siya'y napapaluha dahil may kong anong sakit siyang nadarama sa kanyang puso,at dahil na rin parati siyang nagpapakwento sa kanyang magulang tungkol sa kwenewento nitong pag-ibig niya na nawala,at pati ang kanyang tunay na Ina ay tinutulungan siyang maalala ito, ngunit dahil sa kapalit ng mahiwagang salamin wala itong epekto,hanggang siya'y tumandang dalaga dahil wala ni isang lalaki ang nagpatibok ng kanyang puso, kaya dala pa rin niya ang sakit na kanyang nadarama hanggang sa ito'y nawalan na ng hininga dahil sa katandaan. At yon ang katapusan ng aking kwento mga bata..." pagtatapos ko sa aking kwento.

"Ayyyyy....yon na po yon Lola,hindi na po sila nagkita ng buwan na si Alcmene?"tanong ng isang bata habang kinakamot ang ulo.

"Hindi na Onyok,yun na ang huling pagkikita nilang dalawa nong araw nang ikatlong kabilugan ng buwan at ang huling kita ni Alcmene sa kanya si Celestia ay yong pinagpalit niya ang kanyang ala-ala."sagot ko sa tanong nito.

"Ngunit lola,dapat po masayang katapusan wala na po bang susunod na kwento mo tungkol sa kanila?babalik po ako dito bukas"tanong ulit nito.

Napangiti naman ako at umiling."Ikaw talaga Onyok,halos isang linggo ka na ditong tumatambay dahil sa kwento ko hindi ba nagagalit mga magulang niyo?"saway ko kay Onyok,at sabay tingin ko sa ibang bata.

"Ayos lang kina Ama at Ina,dahil maganda daw po sa bata ang makinig ng mga kwento."sagot ni Onyok na nakangise ng malaki.

Napangise naman ang iba,at tumingin sa akin."Sinabi ko kay Ama na huli na po to,kaya pinayagan po niya ako."sagot ni Cynthia nakangise.

"Lola,araw-araw nalang po niyang sinabi ang katagang huli na po,kaya po tuwing umuuwi siya pinagagalitan siya ng Ama niya."

"Ikaw Mira,napakadal-dal mo."sabay irap ni Cynthia,sa kaibigan niyang kapit-bahay nila.

"Totoo ba yan Cynthia?"

"Eh,lola ang ganda po kasi ng yong kwento pati ako nabibighani sa buwan kaya lang babae na ngayon ang tagapangalaga."sabay busangot ng mukha niya.

"Lola....lola may tanong ako."sigaw ni Sancho ang matalinong bata.

"Ano yon,Sancho?"

Napahawak ito sa baba nito."Di ba po,Immortal ang tunay na Ina ni Celestia...wala po bang kapangyarihan si Celestia kahit kalahati tao po siya at Immortal dapat may namana ito na anking kapangyarihan hindi lang yong wangis."

Napangiti naman ako sa tanong nito."Ikaw talaga Sancho,yun lang aking nalalaman ngayon,hindi natin alam merun pala, subalit hindi lang niya ito batid."sabay ngiti ko makahulagan sa kanila.

"Lola eh'si Reyna Hestia po ba yong lihim niya hindi ba bubunyag?"tanong ni Divina.

"Napatigil naman ako at ngumiti."Sa aking nalalaman,hanggang ngayon hindi pa nabubunyag ang kanyang lihim."

"Napatango naman si Divina sa sagot ko."Ahhh....."tanging saad niya.

"Lola ako po may tanong,Si Alcmene po ba nandun pa rin ba sa Tartarus?"tanong ni Raha na kanina'y nagtulog-tulogan.

"Akala ko ba'y tulog ka?"galit na saad ni Mira sa bunsong kapatid.

"Pinapauwi na kasi ito ng kanyang Ina,dahil may iuutos ito ngunit nagtulog-tulogan si Raha kaya'y ito'napasa kay Mira,kaya't nong bumalik ito malapit nang matapos."

Ngumise naman si Raha."E sa gising na ako eh."sabay kamot ng ulo.

Inirapan naman ito ni Mira."Kagigising,eh nakapagtanong ka nga sinungaling."

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon