SINGKO

101 22 98
                                    

Hindi maiwasang magpataimbagang ng galit si Sebastian, dahil sa narinig niyang sabi-sabi ng kanyang mga magsasaka, na nakahanap na ng sakahan ang mga pina-alis niyang magsasaka at ang mas kinagagalit niya ay isang binatang istranghero ang kumuha sa kanila na kasama ni Celestia.

"Sino ang Istrangherong yun?Akin lang si Celestia."Galit niya sa kawalan.

"Maari ko bang malaman kong saan ang lupain ng Istrangherong dinala ng yong anak na si Celestia?" Tanong niya sa ama ni Celestia.

Tiningnan naman siya ni Mang Nador."Ang tangi ko lang pong alam ay malapit sa lupain ng mga Requiz ang bagong sinasakahan nila Domeng, baka ho  nandun siya nagbabantay." Magalang na sagot niya kay Sebastian.

Tiningnan muna niya ng masama ang ama ni Celestia bago lumisan hindi man lang ito nagpasalamat.

---

Nagkatuwaan ang magsasaka habang kausap nila ang binatang Istranghero kasama si Celestia, napag-alaman nila na hindi lumaki ang istrangherong sinasakaan nila dito sa kanilang lugar, napatawa sila dahil nagmungkahi ang isang magsasaka na baka kaya dito siya napadpad para makita niya ang kanyang iibigin.

"Kayo naman po mang Nestor, baka magalit ang sinisinta nitong si Binibini'ng Celestia, at ako'y paalisin sa lugar na ito." Nakatawang wika ng binata na sumulyap sa dalaga.

Napatingin din ang dalaga na siyang pinamulahan ng kanyang maamong mukha dahil hindi niya maipaliwanag kong anong mahika ang dumapo sa kanya kong bakit siya nakaramdam ng ganito, dahil ang tanging alam lang niya ay isang bagay at hindi ordinaryong nilalang ang gusto ng puso niya ngunit dahil sa binatang ito, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

"Celestia, ito ba'y may pag-asa sayo."at inakbayan ng magsasaka ang binatang istranghero, na wari parang anak lang niya ito nahihiyang ngumiti naman ang binata at sumulyap kay Celestia.

"Mang Ramon naman, kayo talaga magkaibigan lang po kami ng Binatang 'yan at laking pasasalamat ko sa kanya dahil siya ang hulog ng langit para matulungan kayo." Nakangiting saad ng dalaga habang sinasalinan niya ng tubig ang mga bao ng  mga magsasaka.

Napatingin naman ang binata sa kanya na wari nahiya ito sa kanya pero hindi alam ng dalaga na natatakot ang binata baka marinig nito ang malakas na pintig ng puso niya, hindi niya aakalain na darating ang araw na makikita niya ang kanyang sinisinta at alam niya talaga kong ano ang problema ng dalaga kaya't sa pagtapak niya sa lupa hatid din niya ang magandang balita para nito.

"Ito pa Ginoo, uminom ka pa baka nauhaw kakatitig mo kay binibining Celestia." Nakaramdam naman nang pagkahiya si Alcmene dahil nahuli siyang nakatitig sa binibini, nginitian niya lamang ito sabay kuha sa bao na puno ng tubig.

Hindi alintana ni Celestia ang narinig tingin niya'y nagbibiro lang si Mang Erning dahil gusto nila ang binata.

---

Sa kabilang dimension naman nag-aaway si Hades at ang Hari ng  kawanangan na si Zeus, si Hades ay isang hari sa ilalim ng mundo at sa mga patay, nagalit ito dahil sa naging desisyon ni Zeus kung  bakit niya pinayagan ang kanyang anak na Prinsipe na pumunta sa mundo ng mga Mortal.

"Ano itong pinangagawa mo Zeus, batid mo'ng iba ang Mortal sa ating Immortal, Alam mo bang kapangahasan ito sa ating Oras, ang mga Immortal ay hindi dapat nakikihalubilo sa mga Mortal, at ang kanyang Mata pa'no kapag may makakita nito, hindi niyo alam kung ano ang mangyayari magkakagulo ang panahon." tumingin ito ng matalim sa mata ni Zeus."At hindi natin alam kong ano ang ibibigay na kapalit ni Hermes na alam naman natin na siya ang Hari ng hangganan, oras at paglalakbay alam niyong may kapalit ito'ng naging kilos ng yong anak na si Alcmene dahil nilapastangan niyo si Hermes." Galit na wika ni Hades, habang sumunod-sunod ang kanyang alagang aso na tatlo ang ulo.

"Alam ko, pero ito ang pinili ni Prinsipe Buwan, alam niya na may hangganan at may kapalit sa ibang hari ang naging desisyon niya at wala na kaming magagawa ng kanyanh Ina, pero ako pa rin ang hari sa lahat ng hari, magkakaroon tayo ng kapulungan, kung ano ang magiging parusa natin sa aking anak na Prinsipe." Kalmadong wika nang Hari sa kawanangan o Daigdig.

Umiling-iling si Hades hindi ito makapaniwala sa sagot ni Zeus.

"Tingnan lang natin Zeus, hanggang sa muli Areva." Galit pa ring saad ni Hades at tumalikod na ito.

Ngumiti lamang si Zeus sa naging asal ni Hades.





*******************************************************

#Author's note...yes!!nasa GREEK MYTHOLOGY na po yung iba kong characters, some of them are true some are not,,,they are GOD's AND GODDESSES but I prefer King o Hari ang tawag ko sa kanila, afterall it's my story so thank you po!!

TRUE IDENTITIES

Zeus the KING OF THE GODS THE RULER OF MOUNT OLYMPUS-

Hades the GOD OF THE UNDERWORLD and THE DEAD

Hermes the THE GOD OF BOUNDARIES AND ALSO THE MESSENGER OF THE GODS...

FALSE

ALCMENE IN GREEK METHOLOGY IS A SHE NOT A HE, BUT SHE HAS AN AFFAIR WITH ZEUS NOT REALLY UN AFFAIR BECAUSE ZEUS DISGUISED HIMSELF AS A AMPHITRYON THE HUSBAND OF ALCMENE THAT'S WHY IN THAT NIGHT ALCMENE SLEPT WITH ZEUS,ALMENE GOT PREGNANT FROM ZEUS SO THIS is THE FALSE OF MY STORY THIER CHILD NAMED HERAKLES OR HERCULES, BUT BECAUSE THIS IS MY STORY, I CHANGED IT TO ALCMENE FOLLOWED THE NAME OF HIS MOTHER so ALCMENE IS A MAN CHARACTER, SO DON'T MIND ALCMENE BECAUSE HE IS JUST A TRANSCEND OF HERCULES.

GETS?

Hit the STAR and comment pls....

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon