KAPULUNGAN PICTURE
Napagdesisyonan ng mga magulang ni Celestia na ipagpatuloy ang pagsasaka ng Ama nito sa sakahan ng mga Del fuente hanggang hindi pa nila ito pinapa-alis, bagamat tama lang ang desisyon nila, kahit sinong may kakayahang pamilya ang hihingin ang kamay ng kanilang anak hindi nila ito basta-bastang makuha kong hindi ito nais nang kanilang mahal na anak.
"Ama patawad po, nang dahil sa akin ay hindi maganda ang loob ng mga Del fuente sa pamilya natin, ngunit batid ko pinili lang natin ang naayon at hindi basta basta lang nagpapadala sa takot ang ating mga desisyon." Malungkot na wika ni Celestia habang pinapay-payan ang kanyang ama, na galing lang sa pag-aararo sa gawing palayan.
Alam ng dalaga kong gaano siya kamahal ng kanyang mga magulang kahit na mahirap lang sila pero nakakayanan pa rin nito ang mga pagsubok, kahit na batid niya nahihirapan na ang ga ito.
"Wala iyon aking mahal na anak, basta para sa makabubuti sayo, ikaw ang magpasya." Nakangiting saad ng Ama nito habang hinihimas ang buhok ni Celestia.
---
Napag-alaman ni Hermes ang ginawang kalapastanganan ng kanyang kapatid sa ama na pinakamumuhian niya dahil para sa kanya siya ang sampid sa kanilang pamilya, si Alcmene ay siyang pinakabunso at pinakapapaburan ng kanyang amang Hari na si Zeus.
"Ama buti ay nagpatawag ka ng kapulungan batid ko'y may inilihim ka sa akin, pero hindi ko yun palalampasin ako ang Hari ng hangganan, oras at paglalakbay at ang nag-iisang mensahero pero bakit sa isang katulad ko pa ang pinaglihiman niyo ng desisyon at batid mo'y hindi ko ito pagpapaburan."Puno ng galit at hingnanakit na saad ni Hermes kay Zeus.
"Ngunit anak, matagal na niyang minimithi ang kanyang hiling ako'y naawa lamang sa iyong nakakabatang kapatid."Pagpapa-awa ng kanyang Ama na dahilan kung bakit ganito siya ka galit kay Alcmene eh, tanging isang buwan lang ito at walang kaalam-alam sa kinagagalawan nila.
"Ama, tama si Hermes dapat siya ang unang nakaka-alam sa mga desisyun mo lalo na't ito'y dapat sa kanyang kamay kung papaya ba siya o hindi."pagsasang-ayon ni Apollo na nakaupo sa pinakahuling upuan, si Apollo ang hari ng kaalaman, katotohanan at propesiya, Isa siya sa anak ni Zeus kay Leto habang si Hermes ay anak niya kay Maia.
"Alam ko ang aking kasalanan, pero ang gusto ko lang ay mabigyan siya sa kanyang hinihiling, binigyan ko lang siya ng tatlong kabilugan ng buwan para'y lumisan sa lupa magpakailanman." Buong pananalita niya itong sinabi at pumaibabaw ang kanyang naiibang kapangyarihan dahil siya ang hari sa lahat ng hari ang tanging hindi Hari ay si Alcmene wala pa kasi silang nakikitang kakaiba nito bukod sa pagiging buwan dahil sa mga mata nito na siyang tagapangalaga simulat na buo ang mundo.
"Pero batid mo Ama na may parusa sa kanyang ginawa, alam iyon ni Hades kung kaya't nais lang kitang balaan baka may gagawin ka na mang hindi ko namamalayan at yan ang magiging dahilan upang ako'y kumalaban sayo."pananakot ni Hermes sa kanyang Ama at nginisehan niya ito ng nakakaasar,na siyang dahilan na dumagundong ng malakas at kumidkat ang kawanangan, dahil hinampas ni Zeus ang kanyang tungkod sa Kawanangan dahil sa pagtitimpi nito ng galit, napasinghap naman ang nasa loob kapulungan.
"Tapos na ang kapulungan at paghandaan niyo na lang ang pagbabalik ni Alcmene para sa nagawaran niyong parusa."saad ni Zeus na may pagtitimpi pa rin sa kanyang salita at lumisan sa silid kapulungan.
Umiling nalang ang ibang Hari at Reyna habang ito'y lumilisan sa lugar kapulungan nila, habang ang dalawang Reyna ay nasa kanilang kinaluluguran pa rin na wari hindi nila narinig ang huling salita ni Zeus si Hestia ang kapatid ni Zeus at si Athena ang anak ni Zeus silang dalawa ay parang may malalim na iniisip habang hindi nila alam na sila ay lihim na tinitingnan ni Apollo.
BINABASA MO ANG
The Fate ✔️
FantasíaA young beautiful maiden who has a goddess look face and because of that many good looking wealthy men keeps following on her.But the heart of this maiden is already capturéd by unextraordinary being and that being called Moon and this being fell in...