DOSE

46 12 45
                                    

"Nag-iisang naglalakad si Celestia,sa may kagubatan dahil may nakita siyang lobo at gusto niya itong sundan maamo kasi ito at kulay puti at ito ang kanyang unang beses na nakakita ng lobo sabi ng mga mangangaso ang mga puting lobo daw ay maamo kaya't ito'y kanyang sinundan at hindi niya namalayan na nasa gitna na siya ng kagubatan."Nasaan na ako?" Tanong niya sa isip niya,halatang natatakot na siya dahil magdidilim na at anumang minuto ay lalamunin na ng kadiliman ang kagubatan."Panginoon,ituro niyo po sa akin ang daan."  Paghingi niya ng gabay nito nakaririnig na siya ng mga huni ng ibon yong iba ay nakakatakot may mga tuno ng ahas.

Napalingon siya sa kanyang likod dahil narinig niyang may mga yabag na papunta sa kanya."oh,ikaw pala yan maamong lobo,Batid mo ba'y sinusundan kita. Sabay yuko niya at aakmang hahawakan na niya ito ngunit ito"y lumiwanag at nag-anyong tao,napakurap naman ng dalawang beses si Celestia,dahil sa kanyang nakita isa itong napakagandang babae na ngayon pa niya nakita sa buong buhay niya,at tila magaan ang kanyang loob nito."Si-sino ka?"sa wakas ay may salita na lumabas sa kanyang bibig.

Lumapit sa kanya ang babae na halos isang pulgada lamang ang layo nila."Aking hadeh, at hinawakan ang kanyang mukha ika'y nagmana sa akin,pasensya na ika'y malayo sa akin dahil ito'y kinakailangan."at may tumulong luha sa mga mata nito.

Nagtaka si Celestia kaya tinanong niya ito."Hadeh?ano po ang ibig sabihin niyan,magandang babae."kong titingnan niya ito parang magkasing gulang lang sila,ngunit batid niyang may taglay itong kapangyarihan na bumabalot.

"Hindi niya sinagot si Celestia,at hinawakan lang niya ang mukha ng dalaga at naglaho."

"Hindi pa ngayon ang tamang oras mahal kong Anak."

"Napabalikwas naman ng bangon si Celestia sa kanyang higaan."Panaginip,akala ko'y totoo iyon." bulalas niya sa kanyang isipan,napatingin naman siya sa pinto ng kanyang silid at ilinuwa ang nag-aalalang mukha ng kanyang Ina.

"Anak Celestia,Ako'y nag-aalala ano ba ang nangyari at nakita ka nga mangangaso na walang malay sa gitna ng kagubatan."Tanong ng kanyang ina,na puno ng pag-aalala.totoo,totoo pala yung nangyari.

Napatingin naman siya sa kanyang Ina,na labis anng pag-aalala sa mukha."Ina,maayos lang po ako siguro nahimatay lang po ako dahil sa pagod at takot dahil gumagabi na."yun din siguro ang rason kaya ako nahimatay at hindi totoo yong lobo na naging babae isa lang yung panaginip. sa isip niya.

Nakahinga naman ng maluwag ang kanyang ina,at base sa itsura nito nahimas-masan na ito dahil sa kanyang sinabi "At anong ginagawa mo sa gitna ng kagubatan na alam mong mag-gagabi na?"takang tanong ng kanyang Ina,dahil ito ang unang beses na pumasok siya sa gubat.

"Ina may nakita po kasi akong puting lobo,at maamo po itong tingnan habang namimitas ako ng bulalak,at  gaya ng sinabi ng ibang mangangaso na sila ay maamo,kaya gusto ko lang sanang mahawakan ito kaya lang tumakbo ito kaya't sinindan ko."sabay yuko niya niya idinaop ang kanyang kamay sa kama.

Napa-isip naman ang kanyang Ina. "Puting lobo."

"Subalit alam mong kwento-kwento lang nila iyon at wala na kaming nababalitaan sa mga puting lobo matagal na nilang nilisan ang ating kagubatan tanging itim lamang ang nandyan."sagot ng kanyang ina,habang hinihimas ang kanyang buhok,na wari,may malalim na iniisip.

"Magpahinga ka muna saglit anak,at ihahanda ko ang yung hapunan."tanging tango lamang ang sagot niya at ngumiti ang kanyang Ina at tumayo ang kanyang Ina sabay tinungo ang pintuan.

"Wag sanang mangyari ang kinatatakutan ko." Bulalas ng kanyang Ina,habang pababa ng hagdan.

"Napaisip naman si Celestia,bakit pakiramdam niyang totoo iyung babae,ngunit isa itong kabaliwan kong paniniwalaan niya yun,hindi ito kapani-paniwala pero ang kamay ng Magandang babae na yun,bakit nararamdaman pa niya ang haplos ng palad nito sa kanyang mukha ang luha na pumatak sa mata nito ay tila may lungkot na dinarama.Celestia panaginip lang yon,panaginip wag mo nang aalahanin yon.. saway niya sa kanyang sarili.

"Tumayo nalang siya at binuksan ang bintana na yari sa kawayan,at tiningnan ang mapilak na buwan,at dinaramdam ang malamig na hangin na humahaplos sa kanyang mukha,at ang Liwanag nito na galing sa buwan.kay ganda mong tingnan mesteryosong buwan katulad ni Alcmene.

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon