DISE SAIS

53 13 43
                                    

"Umuwi si Celestia na may halong pagtataka dahil nararamdaman niyang parang may kulang sa kanyang pagkatao,pagkatapos niyang ihatid ang matanda,ay pinauwi na siya nito pero hindi niya maiintidahan kong bakit may bahagi sa kanyang isipan ay nawala."

"Celestia anak,kumusta ang lakad niyo ni Alcmene?"Alcmene,Usal niya at biglang may poot siyang nadarama,pagkarinig palang sa ngalan na yun..

Tiningnan naman siya nito na ipinagtaka ng Ina niya."May masama bang nangyari sa kanya?"

"Ina?Wala po akong kilalang Alcmene?"napapitlag naman ang Ina nito,dahil hindi nito naalala ang binata kaya tinitigan siya ng Ina nito,kong nagsasabi ba ito ng totoo.

"Totoo ba ang sinasabi mo?"tanong ng Ina niya.

"Sa totoo,ang alam ko lang may galit ako sa kanya Ina,kaya wag niyo na pong banggitin ang ngalan ng binata na sinungaling na yon."galit niyang usal nito sabay pasok sa kanyang silid.

"Magtatanong pa sana ang kanyang Ina,kaso pumasok na ito sa kanyang silid siguro sa isip may hindi magandang nangyari kanina kaya ganito umakto ang kanyang na si Celestia at napailing nalang ito na tinitingnan ang silid ng kanyang anak."

"Corazon kumusta?"tinig ng boses na hindi niya makakalimutan kailanman.

"Hestia."Usal ng Ina ni Celestia.

Nagtaka naman si Corazon kong bakit ito nagpakita sa kanya."Bakit ka naparito?"tanong niya nito.

"Batid ko'y may bumihag na sa puso ng aking Anak,nais ko lang malaman niyo,wag niyo siyang hayaang mapalapit sa lalaking parati niyang kasama,hindi ito makakabuti sa kanya."malumanay nitong sabi.

"Ngunit Mahal na Reyna,nais lang namin siya'y maging masaya at hindi namin nais na masaktan siya."sagot niya habang tinitingnan ang silid ng kanyang anak.

Lumapit sa kanya ang Reyna."Kung kailangan kong sabihin ang hindi dapat, nais ko lang na tuparin mo kapag sinabi ko ang dahilan kong ayaw ko sa kanya."tumango nalang ang Ina ni Celestia.

"Kilala ko si Alcmene,katulad siya namin masasaktan lang siya kapag tuluyang nahulog ang loob niya dito,kayang binigyan ko siya ng babala para kay alcmene at ang tanging maalala lang ay poot nito."sabay baba niya ng tingin dahil,ginamitan niya ito ng mahika,alam niyang tuso lang gagawa ng ganung bagay pero kailangan.

Napadilat naman ang Ina ni Celestia,napagtanto niya na kaya siguro ganun nalang ang naging akto ni Celestia kanina."Kaya pala ganun ang akto niya kanina,ginamitan mo siya ng yong kapangyarihan,si Alcmene Katulad niyo?isa siyang Immortal?"naguguluhan niyang tanong dahil hindi niya batid na hindi pala ito isang Mortal,at gusto niya ang binata para sa dalaga dahil mabait ito.

"Nababasa ko ang yong iniisip,ngunit alam mo hindi pwede ang mortal at Immortal,hindi ko gustong maulit ng Anak ko ang aking Nakaraan."malungkot nitong saad.

"Kong yan ang yung nais susundin ko ito."nakayukong saad niya,alam niya ang pinagdaraanan nito at malaki ang utang na loob niya nito dahil binigyan sila ng pagkakataon na maranasang maging magulang,kaya't tinatanaw nila ito ng utang na loob hanggang ngayon.

"Napangiti naman ang Reyna Hestia sa kanya at naglaho agad,batid niyang hindi ito bukal sa kanyang kalooban ang sundin ang utos ng Reyna,pero kailangan baka sila ang mawalan natatakot siya sa maaring gawin nito."

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon