SAIS

75 18 104
                                    


Ilang araw ng naging magkaibigan si Celestia at ang binatang Istranghero, hindi mawari ng dalaga kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya tuwing makikita niya ang binata, halos araw-araw silang nagkikita at habang tumatagal ang kanilang pagkikita hindi rin nila alam na may lihim na nagmamasid sa kanila.

"Ganyan ba lagi ang ginagawa nila tuwing dapit hapon?" Tanong ni Sebastian sa isa sa mga tagasilbi nito, na ngayoy ang talim ng titig niya sa dalawa na nagtatawanan na nakaupo sa gelid ng batis.

"Ganyan po talaga ang ginagawa nila Señiorito, tila nagkakamabutihang loob na sila."Nakayukong saad ng kanyang tagasilbi.

"Saan ba galing ang Istranghero na humayo dito sa lugar natin at naging balakid sa aking mga plano." Pigil niya sa kanyang nakakuyom na kamay na ngayo'y gusto ng manuntok.

"Wag po kayong mag-alala Seniorito hahanapin ko po ang mga tanong na gusto mong malaman sa pagkatao at ano ang pakay niya sa lugar natin." Nakayukong wika ng. tagasilbi.

---

"Kay ganda ng 'yong ngalan, parang isang bagay na nagbigay buhay, parang isang mahika sa pandinig Alcmene, Mag-iisang buwan na pala tayong magkakilala pero ngayon ko pa nalaman ang 'yong ngalan napaka misteryoso mo talaga." Wika ng dalaga, habang kumukuha ng mga bato sa gelid ng batis habang ito'y  nakaupo.

Dapit-hapon na at papalubog na ang araw, ang batis na ito ay nagsilbing paborito nilang puntahan dahil sa malamig na simoy ng hangin na bigay nito.

"Eh, sa ngayon ka lang nagtanong sa akin Binibini, kung hindi mo mamasamain napag-alaman ko na maraming mga binata't magigiting at magagarbong angkan ang umiibig sa iyo, hindi kaya sila magtanim ng galit sa iyo na ako ang parati mong kasama Binibini." Nangangambang saad ng binata kay Celestia.

"Alcmene, simula ngayon yan na ang itatawag ko sa iyo, Maaari ba din na Celestia nalang tawag mo sa akin, napaka pormal lang ang Binibini sa pandinig ko na galing sayo at wag mo akong aalahanin wala silang magagawa, buhay ko to." Buong desisyong wika ng dalaga na wari isang malakas na babae na walang kinatatakutang laban.

Ngumiti muna ang binata, hindi makapaniwalang naririnig niya ito sa isang dalaga. "Ngunit, Binibi---" pinutol nalang niya ang kanyang sasabihin dahil pinandilatan siya ng binibini. "Kung yong mararapatin matagal ko ng gustong tawagin ka sa iyong ngalan ngunit ako'y nahihiya sa lamang" Ngumiti ito ng tipid.

The Fate ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon