HERMES
Malapit nang mag-umaga ng mapansin ni Alcmene, si Hermes na ngayo'y naglalakad patungo sa kanyang kinatatayuan, nang mapansin niya ang mga nito na puno ng galit na tila hindi niya gusto ang presensya na bumabalot sa paligid nito.
Si Hermes ay kapatid niya sa ama, ngunit batid niya noon pa na hindi siya gusto nito lalo na't ngayong may linabag siya sa batas nito, ito ang hari ng hangganan, oras at paglalakbay at mensahero ng lahat ng hari, kaya't alam niyang ito ang mag-gagawad sa kanya ng parusa.
"Hermes, aking kapatid ano ang yong pakay ika'y nandito?" Tawa-tawa niyang saad para naman hindi ganun katigas ang aura sa paligid nito.
Pero, ganun parin ang reaksyon nito hindi man lang ito ngumiti mas kumunot ang noo nito na ngayo'y titig na titig sa kanya.
"Alcmene, hindi ko nais ang yung ginawa, pinangunahan mo ang aking desisyon batid mo'y may kapalit ito na parusa sa tingin mo bibigyan lang kita ng magaan na parusa dahil kapatid kita? at mas pinapaburan ka ni Ama, p'wes sa susunod na pagbabalik mo makikita mo ang hirap ng 'yong dadanasin." Taimbagang wika nito sa kanyang kapatid at halos lumuwa na ang mata nito, subalit kabaliktaran ang reaksyon ni Alcmene.
Tiningnan muna ni Alcmene, si Hermes at umiling siya sa naging akto nito may poot talaga ang kapatid niya sa kanya pero nginitian lang niya ito."
"Aking kapatid batid ko iyan, at handa ako bagamat masaya ako dahil nakasama ko ang aking sinisinta at kinahuhumalingan nang puso ko, ako'y masyadong nagagalak kaya't handa ako sa aking sasapiting parusa at batid mong wala pa akong sapat na kapangyarihan kaya batid ko'y magiging masaya ka, kapag nawala ako." Lakad-lakad niyang sinabi, na may galak sa kanyang tono at mas kinaiinisan iyon ni Hermes dahil hindi ito ang gusto niyang maging reaksyon ng kapatid pero nabigo siya.
"Para kang Mortal kung mag-isip, tama ngang wala kang kakayanan kaya hindi ka naging hari, tanging ang buwan lang ang yong tanging napapangalagaan ako'y naawa sayo, at ika'y lilisan ng walang titulo."umingos ito sabay alis,sa harapan ng kanyang kapatid napa-iling nalang si Alcmene.
Hindi basta-basta nagpapatalo ang kanyang kapatid kahit na ito'y mas mataas pa ang katayuan dahil isa itong hari pero pinag-kukumpetensya ang sarili sa kanya, batid niya kasing mas mahal ng Ama nila ang Ina niya at siya rin ang pinaka bunsong lalaki sa kanilang magkakapatid.
Pumasok nalang si Alcmene sa silid dasalan upang gabayan siya ng nag-iisang Dios ng lahat ng mga hari kong ang kanyang Ama ay hari sa lahat ng hari Ang Dios ang sinasamba ng lahat ng Hari o prinsipe at sa mga taong naninirahan sa mundo pero sa kanila ang tawag nila sa Dios ay Diety sa mundo ng mga tao naman ay panginoon o maykapal ang tawag nila.
Habang tinitingnan niya ang kabuuan na silid at inalis ang kanyang suot sa paa at nilinis ang kanyang paa,at nakita niya ang puting usok na lumalabas masok sa silid dasalan ito ang gabay ng lahat ng humihingi ng gabay o pasasalamat para marinig ng kanilang Diety ang lahat ng kanilang usal, pagkatapos niyang maglinis ng paa lumusob siya sa may tubig at doon dumupa ang kanyang dalawang braso sabay inangat niya ang kanyang mukha.
"Diety, nawa'y gabayan mo ako lagi sa aking pakikipagsapalaran sa mundo ng mga Mortal, bigyan mo sana ako ng sapat na oras para magawa ko ang aking nais sa aking sinisinta at nawa'y bigyan mo ako ng lakas ng loob,na makakaya ko lahat ng mga suliranin na aking haharapin pagkatapos ng aking masasayang pamamalagi sa mundo ng tao na tila isang magandang lucido na panaginip ang naganap at pagkatapos ay haharapin ko na ang kapalit ng aking ninanais at ito ay ang igagawad nilang parusa sa akin,kahit ano paman ito,ito'y aking haharapin, EFCHARISTO DIETY."sabay yuko niya nito pagkatapos, ng kanyang dasal at paghihingi ng gabay at pasalamat.
APOLLO
Papalabas na sana si Alcmene ngunit nakasalubong niya ang kanyang kapatid na si Apollo."Ikaw na ba'y aalis Kapatid kong Alcmene?"bungad sa kanya ni Apollo, at seryoso siyang tiningnan.
Tumango naman si Alcmene at hindi na siya nag atubiling magsalita dahil batid niyang ayaw ni Apollo ang mga salitang pakunti lang kapag galing sa kanya pero hindi galit sa kanya,bunso kasi siya at gusto ni Apollo na Umakto siyang parang kasing gulang nila."Kong yun ang yong nais, pagpatuloy mo lang alam kong masaya ka, wala akong pinapanigan pero ang sa akin lang kong ano ang tama nawa'y batid ko ang pagdisgusto ni Hermes sa yong ginawa, pero kapatid yun ang kanyang Trabaho pero ito'y nilapastangan mo dahil si Ama ang nagde-desisyon sa lahat at ika'y sumunod din, ngunit sinasabi ko lang ang tama na dapat ginawa mo ang tama, Sige humayo ka na at mag-ingat, huwag ka sanang mag-dadalawang isip sa yong mga nais, naisin mo ito at ika'y liligaya."sabay hawak sa balikat ni Alcmene at pumasok na sa silid si Apollo dahil ang DIETY ang kanyang punong gabay.
Ngumiti naman si Alcmene sa narinig niya galing sa kanyang kapatid,talagang makatarungan lang ito pero ito'y nasa tama lamang at hindi niya batid ang tunay nitong iniisip dahil dalawang panig ang kinakampihan nito dahil minsan daw ang tama nagiging mali at ang mali ay minsan ay tama,napailing nalang siya at naglaho dahil pupunta na siya sa mundo ng mga tao.
BINABASA MO ANG
The Fate ✔️
FantasyA young beautiful maiden who has a goddess look face and because of that many good looking wealthy men keeps following on her.But the heart of this maiden is already capturéd by unextraordinary being and that being called Moon and this being fell in...