Jason's P.O.V.
"Ohhh! Ohhh! Ohhh! Mike!"
Pesteng buhay. Mabuti sana kung ako si Mike. Dumagdag pa ang lintek na tunog ng langitngit ng kama sa kabilang kuwarto.
"Yes! Yes! Ahhh!"
Hayup na Mike 'yan. Ipinangangalandakan na naman ang pang-iinggit. Kung bakit ba naman kasi lahat na lang yata ng mga babaeng nagugustuhan ko ay napupunta sa kanya. Ako ang unang nanligaw doon sa babaeng katalik niya ngayon ah!
Nakakainis naman kasi ang mga babaeng naliligawan ko, ang hihilig sa tisoy. Ano ba naman ang magagawa ko kung ang kulay ko ay Pinoy na Pinoy? Kulay lang naman ang lamang ni Mike sa akin ah? Mas matangkad ako sa kanya at di hamak na mas malaki ang katawan ko sa kanya. Ano nga ba ang wala ako na meron siya?
"Jooonnn! Fuck!"
Isa pa 'to! Buti sana kung ako rin si Jon. Eto mas matangkad sa akin, moreno ring tulad ko. Pero bakit ganun? Mangitian lang niya ang mga babae ay nabibitbit na niya agad ang mga ito? Ang mga babae pa yata ang nagmamakaawang yariin sila nito.
Buwisit na buhay.
Kung bakit ba naman kasi pinaggigitnaan ang kuwarto ko ng dalawang pabling na ito?
Walo kaming magkakabarkada na pawang nasa kolehiyo. Lima sa amin ang nagdesisyong maghati-hati na lamang sa pagrerenta ng isang bahay, para makatipid. Ako, si Jonathan o Jon, si Miguel o Mike, si Tristan, at si Arthur o Art. Ang tatlong hindi namin kasama ay sina Bernard, Luke at Benjamin. Paano naman kasi, mga rich kids ang tatlong 'yun, kaya naman hindi na nila kailangang magtipid. Bagama't may kaya rin ang pamilya ni Jon ay mas minabuti naman niyang sumama na rin sa amin. Ito ay para matulungan at makasama niya ang best friend niya sa tropa na si Art.
Dialing... Bernard.
"O-o, Jason. Napatawag ka. H-hatinggabi na ah," bungad ni Bernard.
I know.
"Busy ka ba?" tanong ko.
Hindi agad nakasagot si Bernard. Pinakiramdaman ko ang kabilang linya.
Ah lintek. Mukhang meron din kasi siyang niroromansa. May mga impit na ungol kasi ng babae sa background, habang siya naman ay abot-abot ang paghinga. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pinatay ko na ang cellphone ko.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.
"P-tang inaaa!" sigaw ni Jon sa kabilang kuwarto.
"Ohhh sh-t!" si Mike naman sa kabila.
Argh! Mga hayup na pabling na 'to! Hindi tuloy ako make-concentrate sa pag-aaral ko.
Nasa ika-apat na taon na ako sa pre-medical course ko. Oo. Nag-aambisyon akong maging duktor. Kahit mahirap, magastos at matagal, ay tinatyaga ko. Ito kasi talaga ang pangarap kong propesyon. Mabuti na lang at supportive ang aking mga magulang at nakatatandang kapatid na babae na si Ate Jenny na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Bagama't parati kaming kinakapos ay nagsasakripisyo silang lahat para sa akin. Alam naman kasi nila na kapag nagtagumpay ako sa mga pangarap ko ay sila naman ang iaahon ko.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]
HorrorKatropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mysteryo, aksyon, katatawanan, pantasya, pagnanasa, wagas na pagmamahalan, tunay na pagkakaibigan, pagtatag...