Helga's P.O.V.
Hindi na bago sa akin ang may nababalitaang pinatay sa brutal na paraan. Pero ngayon pa lang talaga ako nakakita ng aktuwal na pagpaslang ng isang aswang. Takot na takot ako, habang nadidinig ko ang mismong pagpunit at ang pagluluray-luray niya sa laman, at katawan ng kaibigan ni Jason. Halos bumaliktad din ang sikmura ko sa masangsang na amoy ng pinaghalong dugo, at lamang loob nito.
Dati, umaasa pa ako na sana ay totoong kathang isip lang ang mga aswang, na ang totoong pumapaslang sa kapwa tao, ay mga tao rin lang. Pero naglaho na ang pag-asa kong 'yon ngayon.
"Jason?!" Nagtatakang bulalas ko nang makita ko siyang nakasandal sa may pintuan ng classroom ng huling klase ko.
Hinintay niya ako?
"H-Helga." Nakangiti siya.
Shet. Ito ang first time na ngumiti siya sa akin, ang guwapo-guwapo talaga niya. 'Yung klase ng kaguwapuhang mapapatanga ka talaga. Maayos ang bagsak ng kanyang tuwid at itim na buhok. Maaliwalas ang kanyang mukha, parang nangungusap ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong, at may mga labing parang kay sarap kagatin at halikan.
Get a grip, Helga!
Hawakan mo ang panty mo. Lagyan mo ng pardible ang garter nito. Bago tuluyang mapigtal!
"Sabi naman sa iyo, ihahatid na kita 'di ba?" aniya. "Saan ka ba umuuwi?"
"Walking distance lang naman mula dito ang dorm ko Jason, hindi mo na ako kailangang ihatid."
Echos, Helga! At nagpapa-cute ka pa talaga, ha?
Hindi na siya umimik. Pumunta na lang kami nang diretso sa parking lot ng eskuwelahan. Naroon pala ang kanyang lumang owner-type jeep.
"Ok lang ba sa iyo ang sumakay dito?" Naiilang na tanong niya.
"Oo naman, bakit naman hindi?"
"Mukha ka kasing mayaman, baka hindi ka sanay sumakay sa ganitong klaseng sasakyan." At tinulungan niya akong umakyat sa passenger's seat, bago umikot sa unahan para sumakay sa driver's seat.
"Mukha lang akong mamahalin, pero hindi ako mayaman 'no." At umandar na naman po ang pagiging narcissistic ko. "Buti ka nga may sasakyan, ako kahit skate board wala."
"Saan ba ang boarding house mo?" tanong niya habang papalabas kami ng West gate.
"Iliko mo sa kanan, mga tatlong bloke mula rito."
"Doon din ang direksyon ng tinutuluyan ko ah, mas malayo nga lang ng kaunti ang sa amin, pero pwede ring lakarin."
"Saan ba ang dorm mo?"
"Hindi dorm ang tinutuluyan ko," aniya. "Isang bungalow ito na may limang kuwarto. Naghahati-hati lang kami ng mga kabarkada ko sa renta para mas makatipid."
Pinagdadasal ko na sana ay mas bumagal pa ang pagtakbo ng sasakyan niya. Pero dahil na rin sa lapit ng dorm ko, ay wala akong magagawa.
"Dito na ako, Jason."
"H-ha? Ganun ba? S-sige." Sabay silip niya sa gate.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.
Oh my shemay. Bakit ganun? Bakit parang may glue ang pwet ko? Bakit parang hindi ako makagalaw? Bakit parang ayoko pang bumaba?
Parang kinakalawang ang kanang binti ko, sa paglakdaw palabas. Nakakainis! Hindi man lang ba niya ako iimbitahing magmiryenda sa labas? O di kaya naman ay magkuwentuhan man lang, kahit sa may fishbulan sa kanto?
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]
HorrorKatropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mysteryo, aksyon, katatawanan, pantasya, pagnanasa, wagas na pagmamahalan, tunay na pagkakaibigan, pagtatag...