KABANATA 3

98.1K 1.5K 124
                                    

Helga's P.O.V.

Lakad, takbo, lakad, takbo!

'Yun ang ginawa ko. Mahirap na. Sa tangkad ng Jason na 'yun at sa laki ng kanyang katawan, eh baka kung saan ako ihagis n'on.

Nakakapikon naman kasi ang lalaking 'yun, ang yabang-yabang na, suplado pa. Porke ba natulala lang ako sa kanya, ibig sabihin ba n'on may gusto na ako sa kanya? (A... er...) Pwede naman kasing may nakita lang akong muta sa mga mata niya, 'di ba? (Gesh! Helga, sinong niloloko mo?) O, pwede rin naman na, binibilang ko lang ang pores niya (Weh?). O di kaya naman ay tinitingnan ko lang kung retokado siya? (Whatever, Helga. Whatever you say.)

Busing-busy ako sa pagtingin sa likuran ko-habang naglalakad-takbo pa rin ako nang...

*THUG*

Ngak! Sumalampak ang mukha ko sa dibdib ng hindi nakikitang kabunggo ko. Sa gilid ng mata ko ay naaninag ko na isa itong matangkad na lalaki. Medyo malakas ang pagbubungguan namin kaya naman tumilapon lahat ang mga gamit na bitbit ko. Una kong inatupag ang pagpulot sa mga gamit ko kaysa ang tingnan kung sino ang nakasalubong ko. Tinulungan naman ako nung nakabunggo ko, bagama't hindi ko pa tinitingnan kung sino ito.

"Ah... eh..." sabi ko, sabay tingin sa mukha niya, halos magkasabay kaming tumatayo.

Uy, guwapo rin, mestisuhin. Ine-expect ko na magagalit ito sa akin, dahil ako ang may kasalanan, pero...

"Ok ka lang ba?" Siya pa ang mukhang nag-aalala.

"O-Oo, ok lang ako, ikaw ba?"

"Ok lang din." Nakabungisngis siya.

Nang bumungisngis siya ay dun ko na napansin na parang pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang matukoy kung saan at kailan.

"P-Pasensya ka na, nagmamadali kasi ako. But, uhm... Have we met before?" Tinanong ko na. Pamilyar kasi talaga ang mukha niya. In-English ko, dahil medyo mukha siyang foreigner.

"I don't think so, but hey, by the way, I'm Alfonso, and you are?" Sabay lahad ng kamay niya.

Uy. Inglisero nga.

"Helga." Sabay abot ng kamay ko sa kanya.

Uy. Ang lambot ng kamay.

"Dito ka rin ba nag-aaral?" Dugtong ko.

"Oo, pero kaka-transfer ko lang."

"Really, ako rin eh. Saan ka dati?"

Nahalata ko na parang natigilan siya, parang may pag-aalinlangan.

"Ah... sa isang maliit na community college lang sa probinsya."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Pero dahil natural akong intrimitida ay...

"Saang probinsya?"

Sinulyapan niya ako at tinitigan ng... hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng titig. Basta! Ang weird. Parang tagos sa laman.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon