KABANATA 40

55.2K 1.3K 211
                                    

Helga's P.O.V.

Miss na miss ko na ang Jason ko. Kamusta na kaya ang mahal ko sa tatlong araw kong pagkawala? Inaasahan ko nang malamang ay nag-aalala na siya. Malamang umiiyak na 'yun o nagwawala. Hindi bale

...malapit na naman kami. Mayayakap ko na rin siya ulit, maamoy...mahahagkan. Hindi na ako makapaghintay. Lalong tumindi ang aking pananabik nang matanaw ko na silang naghihintay nina Benj, Luke at Tristan sa labas ng aming bahay.

"Mitch!" buong pananabik na pagsugod ni Benj kay Mitch na pasugod din namang yumakap sa binata. "Akala ko hindi na kita makikita." Humahagulhol ito habang nakasubsob sa kaliwang bahagi ng leeg ni Mitch. "I missed you so much... Ummmmm!" At doon na talaga sila naghalikan na parang walang nakakakita sa kanila.

"Love!" sigaw ko naman kay Jason habang lakad-takbo akong lumalapit sa kanya.

Pero...

Unti-unti ang pagbagal ng lakad ko nang matanaw ko na nang mas malapitan ang hitsura niya.

Hindi siya kumikibo. Nakatayo lang siya roon habang nakatingin sa akin nang matalim na parang galit na galit siya sa akin. Mga sampung hakbang mula sa kinatatayuan niya ay huminto na rin ako sa paglapit. Ang pananabik ko ngayon ay napalitan na ng pagtataka.

"J-Jason?!" mahinang sambit ko.

Hindi siya umimik. Bagkus ay inilihis lang niya ang tingin sa aking likuran. Nilingon ko iyon at noon ko na napansing nakatitig siya kay Manuel na siya namang may buhat-buhat kay Jasper. Lalong kumunot ang noo niya habang pabalik-balik ang matatalim na titig sa akin, kay Manuel at sa anak naming si Jasper.

"J-Jason...nandito na kami." Nilapitan ko siya at ipinulupot ang aking mga braso sa kanyang katawan. "We missed you so much." Tiningala ko ang mukha niya at nakita kong nakasimangot pa rin siya.

Hindi man lang niya ako niyakap pabalik. Para lang siyang estatwang nakatayo habang nakikipagtitigan nang masama kay Manuel. Dahil dito ay kumalas na ako at umatras.

Ano ba ang nangyayari? Bakit ganito ang pagsalubong sa akin ni Jason?

Napalingon ako kay Benj at kay Mitch na hanggang ngayon ay naghahalikan pa rin. Nainggit tuloy ako. Hindi ganito ang pagsalubong na inasahan ko.

"Jason, n-nandito na kami..." pag-uulit ko na may pilit na ngiti.

"I can see that. Anong palagay mo sa akin, bulag?" Ang lamig ng pagkakasabi niya na medyo nangiginig pa. "Tingnan mo nga naman," tatawa-tawang sabi niya habang nakatitig kay Manuel at Jasper. "Magkamukha sila, hindi ba?"

"H-ha?!" bulalas ko.

"Si Manuel at si Jasper kako. Magkamukha na, magkakulay pa." Halatang fake ang ngiti at pagtawa niya. "Hindi ba mga pare?" sabay lingon sa mga kabarkada niya na nagtataka rin sa ikinikilos niya. Napahinto tuloy sa paghahalikan sina Benj at ni Mitch para lang tingnan siya. Hindi naman nagsalita ang kahit sino sa kanila. Nakakunot din kanilang ang mga noo sa kakaibang ikinikilos ng kabarkada nila. "Hindi kaya..." Nakangisi itong tumingin sa akin. "Sila naman talaga ang mag-ama?"

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo na ang ibig kong sabihin, Helga!" bulyaw niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Ilang sandali pa, unti-unti naman akong nakaramdam ng tila may masakit na sumasaksak sa aking dibdib.

"Kung sa bagay..." dugtong niya. "Naging kayo naman bago naging tayo, hindi ba?" Naroon na naman ang fake na ngiti niya. "Hindi ba..." Tatawa-tawa siya na halatang peke rin. "Nahuli ko pa nga kayo noon sa sinehan?" Sumulyap siya sa lahat ng taong nakapaligid sa amin. "Malay ko ba kung ganun talaga kayo kapag nakatalikod ako."

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon