KABANATA 15

88K 1.3K 60
                                    

Helga's P.O.V.

Grabe naman ang bahay nina Luke, ang laki.  Mansyon. Ang kaso, sa sobrang laki at dami ng mga antiques, at mga kakaibang mga collection na naka-display sa bawat sulok, ay medyo creepy na ang dating sa akin.

Hanep.  Man cave pala ni Luke ang buong basement nila. Pero kasalungat ng medyo dim at makaluma nilang bahay, maliwanag at makabago ang interior ng buong basement na combination ng Moccasin at Old Lace ang colors ng walls, ceiling at carpet.  Pero mukhang ako lang ang napapanganga ngayon, dahil mukhang sanay na ang tropa nilang pumunta rito.

Walastik, natutulala talaga ako sa kung ano-ano ang mga nasa basement na iyon.  May sarili siyang receiving area na may colored tan na L-shaped couch, 84" Flat TV, speakers and sound system na naka-mount na sa dingding, isang 15" Laptop na nakapatong sa mahogany center table at isang 4.5 cubic feet Navajo White colored refrigirator na nasa gilid lang ng sofa.

Makalampas ang receiving area ay may mga built-in oak shelves mula sa sahig hanggang kisame. Nakapalibot ito sa mahabang lamesang parihaba na may sampung cushioned seats. Sa pinakadulo ng oak shelves ay may rolling wooden ladder na ginagamit para maabot ang mga librong nasa mas mataas na shelves.

Akala ko naman ay 'yun na ang kabuuan ng malawak na basement na iyon.  Meron pa pala itong slightly hidden door sa pinakadulo na may tatlong sanga-sangang pasilyo na may pintuan sa bawat dulo. Ayon kay Tristan na nagbi-brief sa akin sa lugar, ang unang pinto raw ay hagdanang diretso sa kuwarto ni Luke sa main house.  Ang ikalawang pinto naman daw ay bathroom, habang ang ikatlo, ay isang malaking kuwarto na may apat na twin-sized bed, kung saan sila natutulog kapag hindi sila nakakauwi—either sa sobrang kalasingan, o for their usual sleepovers.

"Nasaan na si Benj?"  tanong ni Luke habang papalapit sa amin sa receiving area.  May dala-dala siyang basket na puno ng kung ano-anong junk food at pre-packed cakes and pastries.

"Tinutulungan lang maglipat si Mitch,"  sagot ni Tristan. "Sa bahay na kasi siya titira, pati itong si Helga."

"Nakakainggit naman kayo." Si Luke ulit, na ngayon ay binubuksan ang maliit na ref na tinukoy ko kanina. "Anong gusto mong inumin, Helga?"

"Anong meron ka diyan?" tanong ko pabalik.

"Softdrinks, beer, distilled water and thirst squenchers,"  sagot niya.

"Tubig na lang,"  sabi ko. At iniabot lang niya sa akin ang isang bottled water.  Doon kasi ako nakaupo sa malapit lang sa kinalalagyan ng ref.

"Ikaw Jason?"

"Softdrink,"  sagot ni Jason. At iniitsa ni Luke ang isang canned softdrink kay Jason na nasambot naman ng huli.

"Tristan?"

"Thirst squencher,"  sagot ni Tristan. At iniitsa ni Luke sa kanya ang isang plastic na botelya na may dilaw na likido. Nasambot din ito ni Tristan.

Nakita ko naman na kumuha siya ng beer para sa sarili niya,  binuksan niya ito habang tumatayo tapos naglakad na siya papunta sa tabi ni Tristan sa kabilang dulo ng L-shaped na sofa at doon naupo.

Meron daw siyang gustong ipakita sa aming lahat, pero mas gusto niyang ipakita iyon sa amin ng sabay-sabay kapag dumating na sina Benj at si Mitch.

 Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.  

Habang naghihintay kami, ay niyaya ni Luke si Tristan sa computer room nila sa itaas ng bahay. Marahil ay para magpatulong dito sa pagse-setup ng mga electronic devices na kakailanganin niya, sa pagpapakita niya sa amin, ng kung ano man 'yung gusto niyang ipakita.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon