Helga's P.O.V.
Grabe naman ang pagka-gentleman ng Jason na ito. Lalo tuloy nagbabadyang mapigtal ang garter ng panty ko. Panay pa ang hawak niya sa kamay ko, kaya naman parang kinukuryente ang buong katawan ko.
Dapat nanginginig na ako sa takot ngayon 'di ba? Pero imbes na manginig ako sa takot, eh nanginginig ako sa kilig. Lintek naman kasing ka-guwapo nitong si Jason. Eto talaga ang type na type ko eh: tall, dark and 'very' handsome. Moreno siya, pero ang linis niyang tingnan, makinis ang kanyang balat, at ang laki ng katawan. At ang scent niya hmmm, amoy lalaking-lalaki. 'Yung tipo bang, malanghap ko lang, hindi na ako mapakali.
Ang landi mo talaga, Helga. Umayos ka!
"Nagwo-workout ka ba?" tanong ko.
"Hindi, bakit?"
What? Ganyang katitigas na muscles, hindi nagwo-workout? Oh c'mon! Lokohan ba ito?
"Hindi? Eh bakit ang tigas ng katawan mo?" Sabay walang patumangga kong dinutdot ang matigas niyang dibdib. Napansin ko naman agad na nag-blush siya sa ginawa ko.
"Trabaho sa bukid. Umuuwi ako linggo-linggo, at kapag bakasyon para matulungan ang mga magulang ko sa iba't ibang mabibigat na trabaho sa bukid. 'Yun na ang pinaka-workout ng maralitang katulad ko." Biglang lumamlam ang kanyang mga mata. Halatang nag-aalinlangang sabihin na mahirap lang siya.
"Ang bait mo namang anak. Kaya siguro pinagpapala ka ng Diyos ng yummy, este.... magandang pangangatawan pala." Hindi ko sinasadyang napatawa ako sa kagagahan ko. "Sorry." Sabay peace sign.
Lukaret ka talaga Helga, anong yummy?
Alam kong narinig 'yun ni Jason. Nakapingiti at namula kasi ang mukha niya nang dahil doon.
Lukresya ka talaga Helga! Kababaeng tao mo eh masyado kang agresibo. Namumula tuloy lalo si Mister Makahiya, nang dahil sa kalandian mo.
"Ikaw? Nagwo-workout ka ba?" tanong naman niya sa akin.
"Oo, pero minsan lang... Saan ang probinsya niyo?"
"Ilocos. Ikaw?"
Uy... Ilocanong magbubukid. Yum, yum! Me likey. (Laugh trip!)
"Alamo? Good question. I am not sure. Sabi kasi ng namayapa kong Ama, wala raw kaming probinsya. Ayon sa kanya at sa birth certificate ko, eh taga dito lang kami sa Maynila. Pero ayon naman sa namayapa kong Tiya Senda, na kapatid ng Tatay, eh taga Roxas City raw ang pamilya namin. At ang totoo, ay doon daw talaga ako ipinanganak. Ang kaso pareho na silang wala, kaya naman hindi ko alam kung sino ba talaga sa kanila ang nagsasabi ng totoo.
"Eh ang Mama mo?"
"Hindi ko na nakita ang Nanay, pero isa pa rin 'yun na medyo malabo. Ayon kasi sa Tatay, pumanaw raw ang Nanay ko, isang oras matapos niya akong ipanganak. Pero ayon naman sa Tiya Senda ko, buhay pa raw ang Nanay ko. Hindi nga lang daw niya alam kung nasaan ito."
"Ha? Eh sino na ang tumitingin at sumusubaybay sa iyo ngayon? Wala ka bang kapatid? Pinsan? Kamag-anak?"
Hindi ako nakaimik agad. Magmula kasi nang mamatay ang Tatay—at Tiya Senda, noong kabilang taon, ay mag-isa na lang talaga ako. Wala akong kapatid. Wala akong kilalang kamag-anak kundi ang Tiya Senda, na sandali ko lang naman nakasama. Kaibigan ang marami ako, kamag-anak ang wala. Katotohanan na pilit kong iniiwasang isipin, para hindi na ako masyadong malungkot.
Umiling na lang ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Wala?!"
Sumulyap ako, ngumuso at tumango. Para namang gulat na gulat ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]
HorrorKatropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mysteryo, aksyon, katatawanan, pantasya, pagnanasa, wagas na pagmamahalan, tunay na pagkakaibigan, pagtatag...