Helga's P.O.V.
"Sigurado ka ba talaga na anak mo kay Jason itong si Jasper?" tatawa-tawang sabi ni Mitch sa akin habang buhat-buhat ang pitong buwan kong anak. Sumasayaw-sayaw pa siya rito sa salas ng bago
naming nilipatang apartment ni Jason. Dito na kami lumipat simula nang maka-graduate ako ng kolehiyo at si Jason naman ng kanyang pre-med course ilang buwan pa lang ang nakalilipas.
"Gagang 'to! Hindi ba't kasama ka pa namin kina Mam nang ginawa namin 'yang batang 'yan?!"
"Aba?! Malay ko ba kung may nakasalising Aswang o 'di kaya ay Maligno sa bintana ninyo noon, 'no?" Pang-asar pa talaga ang pagtawa ng bruhildang Mitch na ito.
"Hmp. Akin na nga 'yang anak ko!" Inis na inis ako pero dahan-dahan naman ang pagkuha ko kay Jasper sa braso ni Mitch. "Ano't sumpong na sumpong ka sa pagtatanong sa akin ng kaletsehan?" Busangot na ang mukha ko.
"Eh paano kasi...pareho naman kayong moreno at morena ni Jason. Ang Mama mo at mga parents ni Jason, mga kulay Pinoy din pero bakit parang tisoy yata ang batang 'yan. Tapos... tingnan mo nga ang mga mata niya, bakit kulay asul?!"
"Eh bakit? Hindi ba pwedeng baka nagmana siya sa side ng tatay ko?" sabay irap ko.
"Bakit? Tisoy ba ang tatay mo?" Nakataas ang kilay niya.
Napaisip ako.
"Hindi."
"Eh hindi naman pala eh. So, bakit nga tisoy itong si Jasper? Hindi kaya..."
"Ano na naman?"
"Anak mo si Jasper kay Manuel?!" Nakabungisngis pa ang lukaret na medyo ikinainis ko.
"Gaga!" sabay sabunot ko na sa kanya. Nakakainis eh! "Bakit? Blue-eyed ba si Manuel? Hindi naman ah!"
"Aray ko naman!" sabay hawak niya sa anit ng isang kumpol na buhok na sinabunutan ko.
"Masakit ba?" Nginisian ko siya.
"Oo kaya!" At pinandilatan niya ako ng mga mata.
"Mabuti naman kung ganun!" Pinandilatan ko rin siya. "Dahil kung hindi...uulitin ko! At kapag inulit ko, kakalbuhin na kita! Get's mo?!" Inugoy-ugoy ko ulit si Jasper dahil medyo umiiyak na ito.
"Para binibiro ka lang, pikon ka naman agad." Hinahaplos pa rin niya ang kanyang anit.
"Biro?! Hindi ka nakakatawa!" Tiningnan ko si Jasper at hinawakan ang kanyang braso. "Mas light lang ang complexion niya sa amin ni Jason pero hindi naman siya tisoy, no!?"
"Ok fine! Hindi na tisoy kung hindi! Pero paano mo ie-explain ang mga mata ng batang 'yan? Bakit blue? Eh di ba...tayong mga Asyano eh dark naman lahat ang kulay ng mga mata natin, unless may lahi?"
Napaisip tuloy ako kasabay ng kabang hindi ko maintindihan.
"Maaring nakuha niya 'yan sa aking papa," tinig iyon na nagmumula sa may pintuan ng main door. Napalingon kami ni Mitch.
Ang Mama. Siya at ang kanyang eleganteng sarili.
"Hi Tita," bati ni Mitch kay Mama na lumalakad na papalapit sa amin ni Jasper. "Bakit Tita, blue-eyed ba ang father niyo?"
"May dugong Aleman ang aking ama. Siya mismo ay olandes ang buhok, maputi ang balat at asul ang mga mata!"
Parang nakahinga naman ako nang maluwag.
"Ay, ang bongga naman ng lahi mo, Jasper," pagkausap ni Mitch kay Jasper. Hawak niya ang kamay nito at nilaro iyon. Tuwang-tuwa naman si Jasper sa ginawa ni Mitch. "May lahing anghel na, may lahing Aleman pa. Wow! Parang Nordic race lang ang peg mo, totoy! Ang gwapo-gwapo mo siguro lalo kapag lumaki ka na. Kapag babae ang magiging anak ko, irereto ko sa iyo ha? Ayayay! Grabe...may dugong Aleman ka pala little boy. So Ibig sabihin, pwede kang sumunod sa yapak ni...Adolf Hitler?!"
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]
HorrorKatropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mysteryo, aksyon, katatawanan, pantasya, pagnanasa, wagas na pagmamahalan, tunay na pagkakaibigan, pagtatag...