KABANATA 11

92.2K 1.4K 127
                                    

Jason's P.O.V.

Matapos ang tatlong araw ay nag-resume  na rin ulit ang mga klase.  Bagama't tikom ang bibig ng mga taga-admin ng unibersidad, ay marami naman ang nagbubulong-bulungang mga estudyante.

 Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni Helga sa gate ay kung ano-ano na ang naririnig naming mga kuwento sa mga nagkukumpulang mga estudyante.  May iba na naniniwalang may serial killers at kidnappers lang na umaaligid sa eskwelahan. May iba naman na naniniwalang baka kinuha raw ng mga alien 'yung mga nawawala, 'yung iba naman naniniwala na baka kinuha raw ng mga multo, at syempre, meron ding naniniwala na pinasok na nga ng aswang, o mga aswang ang eskuwelahan.

"Jason, uuwi na ako sa dorm ko mamaya pagkatapos ng klase.  Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin ha?"  sabi ni Helga habang naglalakad kami sa corridor papunta sa klase niya.

"Kung ako ang masusunod, doon ka na lang sana sa amin tumira.  Mas makakampante pa ako."

"Hindi naman pwede 'yun 'no. Ikaw na ang nagsabi na puro kayo lalaki roon, at sobrang conservative ang mga magulang mo.  Mamaya niyan malaman pa nila, isipin pa nila na nagli-live in na tayo."

"Basta ba papayag ka, na ako ang maghahatid at susundo sa iyo araw-araw eh."

"Hindi naman pwedeng parating ganun, Jason. Magkaiba naman kasi ang class schedule natin."

"Ayaw mo lang yatang eh."  Sinimangutan ko siya.

"Anong ayaw? Gusto ko nga 'no. Ang kaso nga hindi naman pwedeng araw-araw, kasi nga may class schedules tayo na in-conflict.  May araw na wala akong klase sa hapon, ikaw meron. May araw naman na hanggang hapon ako, samantalang ikaw, pang-umaga lang."

May point naman siya pero ewan ko ba, gusto ko kasing lagi kaming magkasama.

"Basta ba wala akong mababalitaan na pumuporma sa iyo."  Nakasimangot pa rin ako.

"Ano?"  Tatawa-tawa siya.  "Over na 'yan, Jason ha? Seloso ka ba?"

"Oo."  Diretsahan kong sinabi.  Mabuti nang malinaw sa kanya na seloso nga ako.

"Huwag kang mag-aalala, kung magpapaligaw man ako, magpapaalam ako sa iyo."  Humahagihik siya.

Sinamaan ko siya ng tingin, hindi naman kasi nakakatawa 'yung sinabi niya.

"O, dito na ang class ko."  Sabay hinto niya sa may pintuan ng classroom.  "Nasaan na ang kiss ko?"  Nakangising tanong niya.

Argh! Grabe naman ang babaeng ito, pinangunahan na naman ako. Narinig ito ng ilan sa mga kaklase niya kaya naman hiyang-hiya ako.

"O, namumula ka na naman diyan.  Asan na ang kiss ko sabi eh?"  Sabay tutok ng nguso niya malapit sa mukha ko.

"T-tumigil ka nga, Helga.  Kita mong pinagtitinginan na tayo ng mga kaklase mo!"

"Ah ganon? Tinatanggihan mo ako? Oh di sige, kung ayaw mo, 'wag mo! Maghahanap na lang ako ng ibang tutuka sa akin mamaya. I'm sure naman na ummmppphhh..."  Hinalikan ko na. Tinatakot pa ako e.

Nang dahil doon, nagpalakpakan at naghiyawan ang mga kaklase niya. Argh! Pulang-pula na naman siguro ang mukha ko. Grabe! Naba-violate ko na ang rules ko sa sarili ko, dahil sa pagka-agresibo ng babaeng 'to.  Ayoko pa naman sa PDA, at naiirita ako sa mahilig mag-PDA, pero heto, ginawa ko na rin.

Ahhh. Nakakainis!  Bakit kasi ang lakas talaga ng tama ko sa babaeng ito? In love na nga kaya ako?

"Wow, Toledo. Gf mo ba 'yung transferee na 'yun?"  sabi sa akin ng isa sa mga kaklase kong si Arnold.  Nakasabay ko kasi siya sa paglalakad sa corridor, papunta sa college building namin. "Ang swerte mo naman, ang ganda."  Parang kinikilig pa siya sa pagkakasabi niya noon. "Maraming may crush doon sa university, kaya advice ko lang sa 'yo pare, bantayan mong mabuti.  Maraming nakaabang."  Sabay halakhak niya.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon