KABANATA 22

77.1K 1.3K 96
                                    

Jason's P.O.V.

"Luke."

Sinadya ko na siya mismo sa campus headquarters ng Mountaineer's Club habang naghihintay kay Helga.

"O, nag-iisa ka yata?" nakangiting sabi niya. "Sorry," tatawa-tawa niyang dagdag. "Simula kasi nang

naging kayo ni Helga, hindi ko na yata kayo nakikita na magkahiwalay."

"May klase pa siya, hinihintay ko nga eh."

"Napadaan ka? Sasali ka ba na ba?" Sa Mountaineers Club ang ibig niyang sabihin. First year pa lang, inaaya na niya ako pero hindi ko talaga hilig ang mag-hike at pumunta sa kung saan-saang lugar.

"Eh...pare, may itatanong lang sana ako."

"Ano 'yun?"

"Eh medyo may kaunting problema lang ang pamilya ko sa probinsya kaya...medyo naghahanap ako ng trabaho na pwede kong mapasukan... May alam ka ba?"

"Ha? Trabaho ba kamo? Magtatrabaho ka? Eh paano ang pag-aaral mo?"

"Kung may alam ka na pwede kong pasukan after class, mas ok, pero kung wala naman...baka tumigil na lang muna ako kahit isang taon. Kailangan ko lang talaga ng trabaho ngayon."

"Mag-aaral ka ng medisina tapos titigil ka muna? Baka lolo ka na bago ka pa makatapos nyan!" Tumawa siya.

"Ayaw nga akong payagan ni Helga eh. Ang gusto niya, siya na daw muna ang magtatrabaho para sa amin, kung hindi daw, makikipag-break daw siya sa akin. Pero pare, hindi kaya ng kunsensya ko 'yun eh. Ako ang lalake, ako ang dapat magtrabaho." Hindi ko na maitago ang panlulumo ko.

"Kung trabaho ang problema mo, pwede siguro kitang matulungan. Pero puro mga full-time positions kasi ang opening ngayon sa kumpanya ni Papa. At tungkol naman doon sa problema niyo ni Helga... Aba! Handa ka bang mawala siya sa'yo?"

"Hindi."

Ngumisi siya sa akin. "Alam mo pare kung ano talaga ang problema mo?"

"Finances?"

"Nope."

"E ano?"

"Pride."

Natahimik ako. Pride nga ba?

"Alam mo pare," dagdag niya sabay tapik sa balikat ko at umupo sa mahabang bench na kinauupuan ko. "Buti sana kung si Helga ang pagtatrabahuhin mo tapos nakahilata ka lang at naghihintay ng grasya. O kaya naman ay nakatambay at nagpapalaki ka ng tiyan! 'Yun, mali yun. Kagaguhan na 'yun! Pero kung 'yun ang gusto ni Helga para makapagtapos ka, para nang sa ganun e bumuti rin ang kinabukasan ninyong dalawa, eh wala namang masama doon. Sa panahon ngayon, hindi na uso 'yung lalake lang ang nagtataguyod ng pamilya. Ang uso ngayon ay nagtutulungan. Aba! Alam mo ba kung gaano ka kasuwerte sa nasilo mong 'yan? Kung ako sa iyo...kalimutan mo na 'yang pride mo. Intindihin mo na lang na 'yon naman talaga ang pinakamadaling solusyon sa mga problema ninyo sa ngayon. Pero kung mapilit ka naman at gusto mo pa ring magtrabaho, let me know, sasamahan kita sa papa ko anytime."

Lalo yatang gumulo ang utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip.

"Bakit ba ang lalim yata ng iniisip mo?"

Crap! Ganun ba ka-obvious ang pagkaaburido ko? Pinipilit ko na ngang itago, nahalata pa rin niya?

Ang iniisip ko?

Paano ako magkapagtatrabaho na hindi naantala ang pag-aaral ko? Papaano ko maiiwasan na si Helga ang magpasan ng mga suliranin ko. She's a blessing to me, ayokong pasanin niya ako. Ang gusto ko ay tratuhin siya na parang reyna, hindi 'yung tila siya pa ang aking alila.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon