KABANATA 28

66.7K 1.3K 207
                                    

Jason's P.O.V.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Sinabi na namin ni Luke ang lahat-lahat ng aming alam na pansamanatala rin naming inilihim kay Helga. Mas minabuti ko nang si Luke na ang magsabi sa kanya.

Di hamak naman na mas magaling magpaliwanag si Luke ng tungkol sa mga ganoong bagay kumpara sa akin.

Kapansin-pansin ang pananamlay ni Helga matapos niyang malaman ang lahat ng nabasa ni Luke sa libro na galing sa kanyang ina, bagay na sa una pa lang ay inaalala ko na.

"Love," sabi ko habang pinagmamasdan ko siyang isinusuot ang kwintas na may itim na bato. Iyon agad ang ginawa niya pagbalik namin sa bahay. "Ok ka lang ba?" tanong ko dahil kapansin-pansin ang lungkot sa kanyang mukha.

Hindi siya umimik. Pinagmasdan lang niya ang sarili niya habang iniaayos niya ang pendant na may itim na bato. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Maaaring naguguluhan, nag-aalala, o natatakot siya. Ikaw ba naman ang nasa posisyon niya at malaman mo na posibleng hindi ka normal at tadhana mo talaga ang habulin ng mga hindi normal na nilalang, maaaburido ka rin siguro. Kung ako? Baka mas malala pa.

Maya-maya pa'y napansin kong parang maiiyak na siya habang tinitingnan ang kanyang sarili. Dumating na nga ang puntong ipinag-aalala ko. Sobrang lungkot ng kanyang mukha at tila wala sa kanyang sariling ulirat.

"L-Love..." sabi ko sabay yakap sa kanya mula sa likuran. Nakatingin ako sa kanya sa salamin. "Alam kong nahihirapan kang tanggapin ang mga nalaman mo tungkol sa iyong sarili at sa iyong pinagmulan. Pero huwag kang mag-alala, nandito lang ako para sa'yo. Kahit sino ka pa o ano ka pa, mahal kita." Hinalikan ko siya sa pisngi. Nakangibit pa rin siya sa salamin at parang humihikbi. "Ano ba ang nasa isip mo, Helga? Sabihin mo naman sa akin oh. Huwag ka nang umiyak... Ano bang inaalala mo?"

"Ano kasi..."

"Ano 'yun?"

"Hindi ko matanggap..."

"Ang alin? Ang pagkatao mo?"

O pagka-anghel?

"Hindi..." Mangiyak-ngiyak pa rin siya.

"Eh ano?"

"Hindi ko matanggap na..."

"Na ano nga?"

"Na kailangan kong isuot ang pangit na kwintas na ito. Nakita mo ba? Walang kaganda-ganda! Masisira ang beauty ko nito eh." At umatungal na nga siya nang tuluyan.

Hais! Akala ko naman kung ano na! May mas mabibigat na bagay siyang dapat alalahanin tapos 'yun lang pala ang iiyakan niya? She's a weird thing, alright? But she's the most beautiful weird thing I know.

"Ikaw..." sabi ko habang kinikiliti siya. "Masyado mo naman akong pinag-aalala!" Tuloy pa rin ang pangingiliti ko habang humahagihik siya. "Ok lang 'yan, mahaba naman ang chain, itago mo na lang sa ilalim ng shirt mo." Umupo ako sa gilid ng kama habang nagtatanggal ng sapatos. Samantala, siya naman ay bumalik sa harapan ng salamin para tiningnan muli ang kanyang sarili.

"Eh paano kung gusto kong magsuot ng medyo mababa ang bukas dito sa dibdib ko?" sabay hila sa harap ng collar niya. Hindi naman sinasadyang napatingin ako sa...you know, cleavage niya.

Sh—t! I really hate it when she catches me off-guard. Pihadong namumula na naman ang mukha ko ngayon. Napayuko ako at doon ko na narinig ang kanyang halakhak.

"Ikaw talaga," aniya. "Cleavage ko pa lang ang nasisilip mo namumula ka na, paano pa kung ganito?" sabay hubad ng buong shirt niya. Isang kurap lang ang pagitan nang tanggalin din niya ang kanyang bra habang lumalapit sa akin. Bago siya nakarating sa harapan ko ay nahubad na niya ang bawat piraso ng kanyang saplot.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon