Helga's P.O.V.
"Ano po ang plano niyo sa mga ito, Panginoong Lucio?" tanong ng isa sa mga tauhan ni Lucio habang nakaturo sa aming tatlo.
"Kay Marietta," si Lucio habang nakatingin kay Mama. "Dalhin
ninyo sa Konseho. Hindi sapat ang kamatayan sa babaeng 'yan! Maraming artraso 'yan sa lipi ng mga Maligno at Aswang! Ibibigay ko sa kanilang mga kinatawan ang pagpapasya kung anong parusa ang nais nilang ipataw sa kanya." At sinenyasan niya ang ilang kalalakihan para damputin si Mama upang dalhin sa kung saan man 'yung Konsehong tinutukoy niya.
"Mama..." panaghoy ko. Kalmado lang naman si Mama bagama't bakas sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala.
"Eh sa dalawang ito?" sabi ulit ng bwisit na nagtanong din kanina.
"Pabayaan niyo na muna ang dalawang 'yan dyan," sagot ni Lucio. Sumulyap muna siya sa akin bago tumitig kay Mitch. "Isasabay ko na sila sa akin pagkatapos ng ating pagdiriwang."
Sa mga tingin pa lang niya ay para na niya kaming hinuhubaran. Kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi habang sinisipat ang aming mga binti. Naka-skirt kasi si Mitch habang ako naman ay naka-shorts na pangbahay.
Matapos niya kaming hagurin ng titig na may halong pagnanasa ay nilubayan na nila kami at saka isa-isang nagsipuntan sa hindi mabilang na lagusang papalabas sa 'Rukerium'. Sumama na rin sa kanila ang mga halimaw na nanggagahasa sa mga babae kaya naman medyo tumahimik na rin ang lugar na iyon. Tanging impit na daig na lamang ng ilang kawawang babae ang aming naririnig.
Napatingin ako sa kawawang batang pinugutan nila ng ulo. Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mapaluha sa habag sa batang iyon. Sumulyap ako kay Mitch at nakita kong doon din siya nakatingin.
Ilang minuto kaming nakatulala lang doon nang bigla kong napansing gumagalaw ang mga kamay ng bata. Nagkatinginan kami ni Mitch dahil nakita rin pala niya. Ilang saglit pa, mas lalong naging aktibo ang paggalaw nito kaya naman kinilabutan na ako.
"Helgaaa..." atungal ni Mitch. "Magiging zombie pa yata 'yung bata!"
Hindi ako makapagsalita habang nakatitig lang doon. Lalo akong nanghilakbot nang tumayo ang sanggol na walang ulo, bumaba mula sa patag na batuhang kinasadlakan nito, lumakad papalapit sa ulo niyang napugot at saka muli itong ikinabit.
"Waaaaaa...." tungal ni Mitch. Lumapit kasi ang sanggol sa aming harapan. Sabay naman kaming napangiwi ni Mitch nang ngumiti pa iyon sa amin.
"Huwag kang mag-alala..." sambit nito sa akin.
Waaahhh! Nagsasalita siya...syet! Kinakausap niya ako...syet!
"Ligtas po ang anak niyo. Dinala siya ni Manuel sa pangangalaga ng mga Engkanto."
"Tiyanaaaaakkk!" sigaw ni Mitch. "Nagsasalita ang tiyanak! Waahhh..."
"Paano niyo po nalaman na tiyanak ako?" kalamadong tanong naman ng sanggol kay Mitch.
"Eh sa smart ako eh, may problema ka ba don?" pagtataray ni Mitch saka muling umatungal.
"Wala naman po."
Aba! At magalang ang tiyanak na iyon, marunong manganupo.
"Hindi ko po kasi alam na ganoon na pala kami kasikat sa mga tao," dagdag pa nito sabay bungisngis.
"Oo na, sige na, sikat ka na! Pero matutulungan mo ba kaming makawala dito?!" tanong ni Mitch.
"Hindi po."
"Hindi? Bakit naman hindi?" si Mitch ulit.
"Eh..."
"Eh?" sambit ko.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]
HorrorKatropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mysteryo, aksyon, katatawanan, pantasya, pagnanasa, wagas na pagmamahalan, tunay na pagkakaibigan, pagtatag...