KABANATA 45

59.1K 1.3K 94
                                    

Helga's P.O.V.

"Love...ang sakit... Hindi ko na yata kaya," habang nakahiga ako sa kama sa Delivery Room.

"Pumayag ka na sa C-section, Love...please?" pagmamakaawa ni Jason pero ayoko. Normal birth

talaga ang plano ko para sa aming pangalawa.

"Eighteen hours ka nang on labor, Love at namumutla ka na. Please naman, Love, pumayag ka na."

"Ayoko sabi, Jason eh....uuuhhhhhhh!"

Hindi naman na nakipagtalo pa si Jason. Hinawakan na lang niya ako at sinuportahan.

Hirap na hirap na ako...pero kailangang panindigan ko ang naging desisyon ko.

"Uhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Iyon ang huling iri ko bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.

"Helga...Helga...gumising ka na, please?" Paulit-ulit na iyak iyon na naririnig ko araw-araw. Hindi ko alam kung bakit hindi ako magising. Bagama't nakakaramdam ako at nakakarinig ay hindi ko naman maigalaw ang aking katawan o maimulat man lang ang aking mga mata. "I love you, Love." Paulit-ulit ko ring naririnig ang bulong na iyon. Alam kong si Jason iyon pero hindi ako makatugon.

"Mama..." tinig iyon ng isang batang maliit na bumubulong sa aking tenga. "Mama, meme..." sabi ulit nito sabay dagan sa ibabaw ko.

"Jasper! Come down here..." dinig kong si Jason 'yon. "You might hurt Mama. She's still sleeping."

"Mama, meme..." sabi ulit ni Jasper na naramdaman kong nakadapa sa ibabaw ko.

"Yes, Mama meme. Will you ask her to wake up, huh? Baby?"

"Mama meme!" nakakabinging irit ni Jasper.

Hindi na sumagot si Jason. Sa halip ay naramdaman kong may inilagay siya sa tabi ko.

"Love...nandito na si Helena." Nanginginig ang boses niya na parang umiiyak. "Ang ganda-ganda niya oh, nagmana sa iyo." Humagulhol na siya. "Gising ka na, love para makita mo na siya."

"Mama..." dinig kong bulong ni Jasper habang tinatampal-tampal niya ang aking pisngi.

"Jasper, stop that! You might hurt Mama." Humihikbing kinagalitan ni Jason si Jasper.

"Ginigising yata niya si Helga." Boses iyon ni Ate Jen.

Naramdaman ko ang maliit na kamay ni Jasper na itinuon nito sa aking noo. Pagkalapat na pagkalapat naman ng palad niya ay parang may naramdaman akong kuryenteng nanunuot sa aking mga ugat.

"Jason...gumagalaw ang mga daliri ni Helga!" sigaw ni Ate.

"Helga? Helga! Naririnig mo ba ako?" bulalas ni Jason habang hawak-hawak niya ang aking kamay.

Maya-maya lang ay naimulat ko na ang aking mga mata.

"Helga!" sigaw ni Jason. "Mama! Papang! Mamang! Gising na na si Helga!" Tuwang-tuwa niyang paulit-ulit na hinalikan ang aking noo.

"Hay salamat sa Diyos!" sabi ni Mamang.

Naaninag ko si Mama na nakangiti habang nakatayo sa may paanan ko.

"Si Jasper... 'Yung kamay ni Jasper," nauutal kong sabi kay Jason at Mama. Gusto kong ipaliwanag na si Jasper ang nagpagaling sa akin pero hindi ko iyon maipaliwanag sa salita.

"Alam ko," sabi ni Mama kahit hindi ko pa man din naipapaliwanag ang nangyari sa akin. "Sinabi ko na sa inyo ito noon. Makapangyarihan ang anak mo. May kakayahan siyang manggamot at makapanakit ng mga demonyo. Kaya't huwag mong kakalimutan ang bilin kong gabayan mo siya nang maayos nang sa gayon ay matutunan niyang gamitin ang kapangyarihang kaloob ng Diyos sa kanya na para lamang sa kabutihan."

"Opo Mama."

"At kayong dalawang mag-asawa, huwag na kayong maghihiwalay kahit anong mangyari. Kailangang maging mabuti kayong ehemplo para sa kanya. Hindi madali ang buhay na kanyang tatahakin kaya mangako kayong dalawa na tutulungan niyo siya sa abot ng inyong makakaya."

"Susubukan po naming," sabi ni Jason.

"Hindi pwedeng susubukan lang, Jason. Kailangang gawin ninyo."

"Opo."

At sabay-sabay naman naming tiningnan si Jasper na abalang-abala sa paglalaro ng lobong galing kay Mitch.

"Napansin niyo ba?" tanong ko kay Jason at Mama habang pinapanood pa rin namin ang paglalaro ni Jasper. "Parang nagda-darken na ang balat niya? At 'yung mga mata niya, kulay hazel brown na."

"Oo, napansin ko rin 'yan. Normal po ba 'yan, mama?" tanong ni Jason.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

"Nangyayari yon, oo. Ang napansin ko naman..." si Mama. "Habang lumalaki siya, nagiging kahawig na kahawig siya ng kanyang ama." Tumingin siya kay Jason. "Ni wala ngang nakuha kay Helga, kahit isa."

Napangiti si Jason. Totoo naman eh. Lalo na nang medyo pumayat na si Jasper at naging kayumanggi na ang balat.

"Kapag naman iyan napagkamalan pa ulit na anak ko, ewan ko na," pagsingit ng isang bagong dating na bisita.

Si Manuel.

May dala siyang isang bungkos na bulaklak at isang kahon na parang may lamang cake.

"Para sa magandang pasyente," sabay abot nito ng bulaklak at kahon ng cake sa akin.

Inabot ko ang bulaklak.

"Akin na nga 'yan!" nakangusong hablot ni Jason sa box ng cake.

"Mainit na naman yata ang ulo mo ah?" nakangising utas ni Manuel sa nakasimangot na si Jason.

"Bakit ba kasi hindi ka pa mag-asawa para tigilan mo na ang pag-aligid sa asawa ko?"

"Eh anong magagawa ko, kung mahal ko pa rin ang asawa mo?" Kumindat siya sa akin bilang hudyat na pinagti-tripan lang talaga niya ang selosong si Jason. "Aswang na Matruculan ako. Naturalesa ko talaga ang mang-aswang ng asawa nang may asawa."

Hindi maipinta ang mukha ni Jason. Parang gigil na gigil ang itsura nito na may ibinubulong pa.

"Ganito talaga magmahal ang mga aswang, Pare," dagdag pa ni Manuel. "ANG PAG-IBIG NG ASWANG ay minsan lamang, kaya masanay ka na. Kung ako sa iyo, aalagaan ko na lang ang sarili ko para naman humaba ang buhay ko. Dahil kung hindi, yari ka, akin na 'tong asawa mo," sabay halakhak.

"Aba't ang put— Huwag mo nga akong mapare-pare ha? Hindi kita kumpare. Lumayas ka na nga!"

Pulang-pula na sa inis si Jason.

"Eh kung ayoko?" nang-aasar na balik ni Manuel sa kanya.

"Ayaw mo? Ah...teka..." May dinukot siya sa kanyang bulsa. Isa iyong balisong na dahan-dahan pa niyang binuksan nang nakangisi.

"T-teka ano 'yan? A-Akala ko ba Ilocano ka? B-Bakit meron ka nyan?" Namumutla na si Manuel habang humahakbang ito nang paatras.

Ayon kasi kay Mama, takot daw ang mga Matruculan na tulad ni Manuel sa patalim na balisong. Sinabi niya iyon kay Jason kaya't 'yon marahil ang dahilan kung bakit parati na ito ngayong may baon na ganoon.

"Aalis ka ba o hindi?!"

"T-Teka pare...kararating ko lang eh..."

"Alis sabi eh!"

"S-sandali lang pare... Peace tayo! Ikaw naman, hindi ka na mabiro."

"Mabiro ba kamo? Eh kung ginigripuhan kaya kita sa tagiliran? Tapos sabihin ko sa iyo na biro lang?"

"T-Teka sandali..."

At nagsimula na ngang maghagaran ang dalawa sa loob ng silid. Napapailing na lang naman si Mama habang si Jasper naman ay tuwang-tuwang nakikisali sa habulan ng dalawang...isip bata.

[Itutuloy]

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon