Chapter 4

109 4 0
                                    

"Sorry not sorry." Aniya ni Phoejime matapos akong danggilin sa balikat.

Muntikan ng mahulog ang gitara ko kung hindi lang ito naagapan. At kung nagkataon na magasgasan ito ay sisiguraduhin ko na pati siya ay magagasgasan din. Tamad akong humarap sa kanila ng kanyang kapatid na si Phoebee. Matiim lang itong nakatingin sakin at hinahayaan lang na gumawa ng kabalbalan sa kapwa ang kapatid.

"Hindi ko din naman tatanggapin ang sorry mo pag nagkataon, Phoejime." Pinagtaasan ko siya ng kilay at bago tumalikod ay sinulyapan ko muna si Phoebee.

"By the way. Pagsabihan mo yang kapatid mo. At baka di ako makapag-pigil at mapatos ko. Ciao." Nginitan ko siya ng pagkatamis-tamis bago tuluyang maglakad papalayo sa kanila. Gusto kong tuktukan ang sarili. Kailan pa ako naging war freak?

Napanguso ako. Kasalanan naman nila iyon. Nitong nakaraan ay ako ang nagpadiskitahan ng tinatawag nilang 'the sisters', gusto kong matawa dahil para silang mga bata. Gawain lang ng high school ang ginagawa nila. Palibhasa anak sila ng may-ari ng school kaya malakas ang loob na gumawa ng kabalbalan. At pag hindi ako nakapag-pigil ay isusumbong ko talaga sila sa tatay nila. Sa tatay nilang gwapo na crush ko na kung kasing edad ko lang iyon ay paniguradong na-stalk ko na. Hay, buhay!

At ang mas nakakainis lang ay sa tuwing nakakasalumuha ko ang magkapatid ay palagi akong mag-isa. Walang Deejei na magtatanggol sakin dahil busy masyado ang isang iyon dahil graduating nga. Si honey naman, este Sydney ay wala dahil nasa seminar ito. Mas lalo akong napanguso dahil miss na miss ko na ang isang iyon. At ang kambal, well di ko sila maasahan dahil parang bula kung mawala at para namang kabute kong sumulpot.

Napatigil ako sa paglalakad at napapadyak dahil hindi ko alam kung saan ako pupulitin, mahaba ang vacant ko ngayong araw. Napabuga ako ng hangin at napatingala. Mabuti na lang walang tao dito sa may corridor kundi mapapagkamalan akong baliw. Hindi ko pa naibaba ang tingin ay may humawak na sa kamay ko at kinaladkad.

"Yah! Dougie ano ba!?" Pilit kong inaagaw ang kamay pero tuloy pa rin siya sa pagkaladkad sakin. Isa pa itong asong ito, nitong nakaraan ay panay ang pagkrus ng landas naming dalawa. Kung minamalas ka nga naman.

"Ah!" Daing ko ng mauntog ako sa likod niya.

"Bakit ka tumigil?!" Inis kong tanong sa kanya. Hinilot ko ang ilong na nasaktan. Tamad niya naman akong nilingon.

"Date tayo, monkey." Iyon lang ang sinabi niya at muli akong kinaladkad. Laglag ang panga ko sa narinig at heto naman ang kakaibang pakiramdam na para may paru-paru sa tiyan ko. Bakit ba ganito ang epekto ng asong ito sakin. Nakakabaliw.

"D-Douggie, sandali. Tumigil ka muna!" Pero parang wala itong naririnig. Kapag hindi siya tumigil ay paniguradong mahuhulog ang gitara ko. Kunti na lang kasi ay mahuhulog na ang strap ng gitara sa balikat ko. Muli akong napadaing ng muling mauntog sa likod niya.

"Bakit ka tumigil?!"

"Pinagluluko mo ba ako? Sabi mo tumigil, nang tumigil naman nagalit ka. Psh. Unggoy talaga."

"Ang haba ng nasabi mo ah. Yieee. Improving si Douggie." Sabi ko at tinusok siya sa tagiliran. Pero ng may napagtanto ay agad akong napatuwid ng tayo.

"Ehem." Matunog na pagtikhim ko. Nakakahiya feeling close ako sa kanya.

"Psh." Iyon lang ang sinabi niya at kinuha ang gitara sa balikat ko at siya na mismo ang nagdala nun at nauna ng maglakad. Napanguso ako ng makitang hindi niya na hawak ang kamay ko.

"Maduga. Nag-eenjoy pa ako 'e." Wala sa sariling bulong ko pero agad ding nanlaki ang mata ng mahimasmasan. Agad kong tinuktukan ang sarili.

"Argh! Hindi to pwede!" Mangiyak-ngiyak kong sabi at napapadyak pa dahil sa inis.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon