"Bakit mag-isa ka lang?" Tanong ng isang gwapong binatilyo na tumabi sakin sa pag-upo.
Nakangusong sinulyapan ko siya.
"Dahil wala akong kasama." I rolled my eyes.
"Pilosopo." Anito ng natatawa.
"Ikaw, bakit ka mag-isa?" Ganting tanong ko at muling binalik ang tingin sa harapan. Narito ako sa basketball court at nanonood sa mga naglalaro na hindi ko naman mga kilala.
"May kasama ako." Anito.
"Asan?" Mabilis kong inikot ang paningin.
"Kausap ko siya ngayon." Aniya at ginulo ang buhok ko.
"A-ano ba!" Maktol ko saka tinampal ang kamay niya.
"Dapat hindi ka pumupunta dito, mag-isa." Tumingin ito sa mga naglalaro.
"Bakit naman?" Nanatili ang tingin ko siya kaniya. Napakurap ako ng maramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko. Agad kong naiiwas ang tingin.
"Mahirap na, ang nene mo pa naman."
Napanting ang tainga ko sa narinig.
"Nene ka diyan! Dalaga na kaya ako." Saad ko saka padabog na tumayo at naglakad na papalayo.
Nakakainis! Lahat na lang ng tao ay napapagkamalhan akong nene. Mahaba ang ngusong napatingin ako damit na suot. Pink na t-shirt na may spongebob na print.
"Nene, sandali!" Sigaw ng gawapong binatilyo sakin. Itinaas ko ang hinliliit, f*ck you! Saka mas binilisan pa lalo ang paglalakad. Bahala siya sa buhay niya! Nene, pala ha. Sixteen na ako sa susunod na buwan kaya hindi na ako nene!
BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Teen Fiction"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson