Marahan kong iminulat ang mga mata kasabay ng pagtulo ng aking luha. Hindi ko na kailangan itanong kung nasaan ako. Dahil sa kulay at amoy ng kwarto ay alam kong ospital ang kinaroroonan ko.
Narinig ko ang mga sigawan sa kwarto, nagkakagulo dahil sa paggising ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa, masiyado pa akong nanghihina. Kaya naman hinayaan ko na lang kung ano ang pinaggagawa sakin ng mga doctor.
"You scared me to death, Francesca." Saad ng lalaking ayaw kong makita sa ngayon. He hold my hands. Gusto ko bawiin ang mga kamay pero pinigilan ko ang sarili. Ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya ay napalitan ng galit at sakit.
'Liar!' Sigaw ng aking isipan.
Hearing his voice, kills me.
Seeing his face, kills me.
His presence kills me even more.
Matiim ko siyang pinagmasdan, hindi ko alam kung anong ekspresiyon ang nababasa sa mukha ko.
Yes, I'm alive but I'm dying inside. I am physically, mentally and emotionally tired of everything.
Hindi ko namalayan na nag-uunahan na pala sa pag-agos ang luha ko. Hindi naman magkandaugaga si Douglas kung ano ang gagawin.
"May masakit ba sayo?" Tanong niya sabay punas sa aking luha. Nanatili akong walang imik.
"Tatawag ako ng doctor." Aniya at akmang tatalikuran ako ngunit pinigilan ko siya. Napatingin siya sa kamay ko.
Iniwan nila kaming dalawa dito dahil alam daw nilang miss namin ang isa't-isa. Gusto ko tuloy tumawa ng malakas na malakas.
"I want milkshake. Pwede mo ba akong ibili?" Saad ko saka tinitigan siya sa mata.
"Okay." Bumuntong hininga ito. "Tawagin ko lang ang kambal para may kasama ka." Aniya at hinalikan ako sa noo. Pinigil ko ang sarili na itulak siya papalayo. Wala na siyang karapatan gawin sakin ang bagay na iyon.
"Mabilis lang ako, okay?"
Tango lang ang sagot ko. My hands turned into fist. Galit na galit ako sa lahat ng kasinungalingan sa pagkatao ko. Galit ako sa mga taong pinagkaisahan ako.
Nang tuluyan ng makalabas si Douglas ay agad kong inilibot ang tingin. Nadako iyon sa bag ng kambal na nakalagay sa upuan na naroroon. Walang pag-aalinlangan na tinggal ko ang dextrose na nakakabit sakin.
Bahagya akong napadaing sa kirot na naramdaman. Muntikan akong matumba ng maiapak ko ang paa sa sahig. Nanlalambot pa ang tuhod ko. Huminga ako ng malalim at ininda ang sakit na nadarama makalapit lang sa bag ng kambal.
Kumuha ako ng sapat na pera bago ika-ikang lumabas ng kwarto. Lumiko ako sa ibang derisksiyon ng makitang makakasalubong ko ang kambal. Wala akong pakialam kong naka-hospital gown ako at kung may benda ako sa ulo. Ang importante ay makaalis ako dito para mapuntahan ang lugar na magbibigay ng kapayapaan sakin.
Pagakalabas ng ospital ay agad akong pumara ng taxi. Kulang na lang utusan ko ang driver na paliparin ang sasakyan makarating lang ako ng mabilis sa patutunguhan.
Napakagat ako labi para pigilan ang pag-iyak ng sa wakas ay makarating ako sa park. Napakabigat ng dibdib ko, pakiramdam ko ay sasabog ito anumang oras. Kahit hirap ay lakad-takbo ang ginawa ko makarating lang sa puno na pinag-ukitan ko noon.
Napatigil ako ng makita ang pamilyar na bulto na nakatalikod sakin, sigurado ako na nasa nakaukit sa puno ang paningin nito. Bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napatutop ako sa bibig para pigilan ang paghikbi. Dito ko lang pala siya makikita. Paggising ko kanina ay siya agad ang hinanap ng mga mata ko, ngunit wala siya doon.

BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Teen Fiction"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson