Chapter 2

196 10 0
                                    

“Ready?” Nakangising tanong sakin ni Deejei.

Nagtaas ako ng kilay. This is our first day in J.A International School. One of the prestigious school here in the Philippines. Magaling talaga pumili sina Daddy. Hindi ko maiwasan na kabahan pero di ko rin maitatanggi  ang excitement na nararamdaman.

I’ll continue my third year in the course of Culinary. And, Deejei will continue his last year in the course of Business Management. Pareho naming alam na mahihirapan kami. Sa adjustment pa nga lang ay hirap na hirap na kami.

Maraming ng nagbago at marami pang magbabago. Ang saya ng buhay ko, sobrang saya talaga.

“I’m always ready.” Sagot ko at naupo na sa passenger seat. Pareho kaming walang imik sa biyahe, ang tanging naglilikha ng ingay ay ang kanta ng paboritong banda ni Deejei.

Pinagmasdan ko ang pinsan habang nagmamaneho. Mabagal itong naghe-headbang na nakapag-pangiti sakin. Nadako ang tingin ko sa manibela. Napabuntong-hininga ako dahilan para mapatingin sakin si Deejei.

“Problem?” Aniya na nasa daan na ang paningin. Napanguso naman ako at itinuon na din sa daan ang tingin.

“In my nineteen years of existence, never pa akong nakapag-drive. Will you teach me how?” Sa tanong kung iyon ay ramdam ko na napasulyap sakin si Deejei. Pero nanatili ang tingin ko sa unahan. Napabuntong-hininga naman ito.

“You can’t drive.” Seryoso na ito ngayon. Napanguso ako ng husto at bumaling na sa kanya.

“Why?”

“We won’t let you.” Simpleng sagot nito na nakapag-pakunoot ng noo ko.

“Why?”

“Sumunod ka na lang.” Aniya at inis akong sinulyapan. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko kasi sila maintindihan kung bakit ayaw nila ako payagan at turuan magdrive. Palagi akong may driver sa US kung hindi ako nadadaanan ni Thea pag pumapasok. Minsan naiisip ko na sumuway pero di ko ginagawa. Pero ngayong nadito ako sa lugar na ito di naman siguro masama kung susubukan ko.

“Huwag mo ng ituloy ang pinaplano mo.” Agad na nabaling ang tingin ko sa kanya. Tamad lang na tinapunan niya ako ng tingin. Muli akong napanguso, mind reader ba ang isang ito?

“I’m not a mind reader. Masyado kang madaling basahin.” Inirapan ko siya at napabuga na lang ng hangin.

“Wala naman akong pinaplano. Good girl kaya ako.” Sabi ko at gumawa pa ng bilog sa ulo ko. Napatawa naman siya sa ginawa ko.

Nang makadating sa J.A ay napahugot ako ng isang malalim na hininga. Agad naman akong inakbayan ni Deejei at ginulo ang buhok ko.

“Nervous?”

“Don’t state the obvious.” Pagtataray ko.

Pagpasok ay madami agad napapatingin samin. Bilib na talaga ako sa karisma nitong kasama ko. Well, nasa lahi naman namin ang magaganda at gwapo. Nakaakbay pa rin sakin si Deejei, nakita ko ang panghihinanyang sa mukha ng mga babaeng nadadaanan namin. Deejei is so sweet that’s why I love this guy so much.

“Tusukin ko kaya mga mata ng lalaking tumitingin sayo?” Bulong niya na nakapag-pangiti sakin.

“Kalbuhin ko kaya mga babaeng naglalaway sayo?” Ganting bulong ko. Ginulo niya ang buhok ko at humalakhak dahilan para lalo siyang pakatitigan ng mga babae. Napailing na lang ako. Sa canteen kami tumuloy dahil maaga pa para sa unang klase namin. Alas nwebe pa lang at alas diyes ang klase naming dalawa.

Doon kami naupo sa hindi masyadong matao. Inilabas ko ang manga na nabili ko pati ang salamin na gagamitin. Hindi naman sa malabo ang mata ko, nasanay lang akong magbasa ng naka salamin. Hinaplos ko muna ang salamin bago isuot. This is the thing I treasured the most. Napasulyap ako kay Deejei na naka-earphone na ngayon habang kaharap ang laptop.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon