Lumipas ang mga araw at linggo. Balik ako sa dating gawain, school-bahay o di kaya ay makikipag-bonding sa kambal. Ang nag-iba lang doon ay ang hindi ko pakikipag-usap kina Dretti, Sydney at Douglas. Kahit nahihirapan ay pinagpatuloy ko pa din lalo na't every weekends ay nagpapractice kami para sa concert. Todo ang ginagawa kong pag-iwas sa tatlo. Masyadong magulo ang isip ko at ayokong lalo iyong magulo pag nakausap ko sila. Weird things happened every time that they're around, so I decided to keep away my distance to them.
Pero kahit ganoon ay araw-araw akong nakakatanggap ng bouquet of roses from Sydney. Talagang nililigawan niya ako kahit panay ang iwas ko sa kanya.
At ang ipinagtataka ko ay patuloy pa rin akong nakakatanggap ng sticky note at rose araw-araw. At duda ako na baka hindi talaga si Sydney ang nagbibigay nun.
Napabuntong hininga ako habang matiim na nakatingin sa gitara na nakalagay sa sofa. Desperas na ng pasko, at mamaya na gaganapin ang concert for a cause. Im ready but still, I'm nervous. Lalo na't makikita ko na naman ang mga taong iniiwasan. Muli akong napabuntong hininga bago nagpasyang kunin ang gitara at isinabit iyon sa balikat ko. Deejei is still in his room, nagpapagwapo pa siguro.
Lalabas na sana ako para magtungo sa kotse dahil balak kong doon na lang hintayin ang pinsan nang may maalala.
"Deym!" Dali-daling akong pumunta sa kusina para kuhanin ang milk shake na ipinagawa ko sa isa sa mga katiwala.
"Thanks, nay."
"Akala ko nakalimutan mo." Aniya na may ngiti sa labi.
"Muntik na po. Aalis na po kami." Saka nag-bless. Napangiti ako, she's like my mother. Ito ang pinakamatandang katiwala nila na naging yaya niya nung bata. All in all, halos ito ang nagpalaki sa kanya.
"Mag-iingat kayo."
"We will."
Saktong labas ko ng kusina ay sakto ring pagbaba ni Deejei sa may hagdanan. Napakagwapo talaga ng lalaking to.
"Let's go?" Aniya na hanggang tenga ang ngiti. Inirapan ko siya at nauna nang maglakad.
Wala kaming imik habang binabaybay ang daan patungol hotel na pagdadausan ng concert. Hindi ko maiwasang mapasulyap palagi sa pinsan dahil hindi mawala ang ngiti nito sa labi. Hindi ba ito nangangalay kakangiti? Hindi ko alam kung dapat na ba akong matakot sa nakikita o matuwa na lang dahil alam kung may magandang nangyari o may mangyayari pa lang na maganda. Napailing na lang ako at muling sumimsim sa shake.
Nang makarating ay agad kaming dumiretso sa back stage. Nandoon na ang lahat, kami na lang pala ang hinihintay. Walang pumapansin samin dahil busy ang mga ito sa pagbibihis at pag-aayos. Agad kong inubos ang shake na iniinom para makapag-ayos na din.
Habang nakaharap ako sa salamin ay napansin ko sa ang repleksyon ni Douglas, pinapahiran ito ng kung ano ni Monette sa mukha. They look so sweet. Douglas's looking at Monette intently with so much admiration in his eyes. Nahigit ko ang paghinga ng magtama ang paningin namin ni Douglas. Biglang nawala ang emosyon nito sa mukha. Natigil sa ere ang hawak kong pang eye-liner. Napalunok ako at napakurap ng ilang beses bago iniiwas sa kaniya, sa kanila ang paningin. May kung anong kumurot sa dibdib ko.
Pinagwalang bahala ko lahat ng napapansin hanggang sa natapos ako mag-ayos. Tiningnan ko ang sarili aa salamin. Messy bun hair. Fiercely pair of eyes. Pointed nose. And apple red lips.
Nang makuntento na ay nagtungo ako sa dressing room para magbihis na. Pinili ko doon ang isang black dress na below the knee. Mukha naman itong kumportable isuot. Napangiti ng mapansin na sa bawat galaw ko ay sumusunod ang tela nito sa may laylayan. Nice.
BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Novela Juvenil"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson