Chapter 23

54 3 0
                                    

"I love you." I said those three words, eyes half closed.

Magkaharap na kami ni Douglas, parehong naka-indian sit at pareho ding lango sa alak. Ang iba naming mga kasama ay tulog na, kami na lang dalawa ang natira dito sa may sala.

He smiled.

"I love you too." Aniya.

"Nah! I love you more." Sabi ko naman at pinisil ang ilong niya. He cupped my face.

"I love you most."

"I love you, always."

"I love you, forever."

Pareho kaming natawa at walang pasubaling na pinagdikit ang aming mga noo. Our smiles became wider as we closed our eyes.

"I love you." I said before everything turned black.

Nagising ako na may ngiti sa labi kahit na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit dahil sa hang over. Tamad akong bumagon habang hawak-hawak ang sariling ulo at nagtungo sa cr para manligo.

Habang nagsusuklay ng buhok ay nadako ang tingin ko sa bintana. Agad akong napangiti at dagling lumapit doon para kuhanin ang rosas na may nakadikit na sticky note.

Ang aga-aga pinapakilig ako ng boyfriend ko. Ang puso ko ay nagtatatalon sa tuwa. Walang pakundangan na binasa ko agad ang note dahilan para mapawi ang ngiti sa labi ko.

'E-enjoy mo habang nasa sa'yo pa. Dahil malapit ko ng bawiin kung ano naman talaga ang akin. Douglas's is mine. Mine only and I don't share what's mine. Saviour your every moment with him, because it will end very soon. By hook or by crook, kukunin ko siya sa'yo.' - L.F.C

Napakagat ako sa labi para pigilan ang panginginig nito. Nabitawan ko ang rosas   dahil sa kabang nararamdaman, napahawak din ako sa dibdib para mapakalma ang sarili.

"L.F.C." Wala sa sariling banggit ko. May kakaiba akong nararamdaman sa initial na iyon. I came back to my senses when I  heard a knock on the door.

Bumungad sakin ang gwapong mukha ni Douglas. I threw my arms around him. I'm afraid, really afraid. The thought of losing him makes my heart turn into pieces.

"Problem?" Halata sa boses ni Douglas ang pag-aalala. Iling lang tangi kong sagot saka mas hinigpitan ang yakap sa kaniya.

Sabay-sabay kaming nag-agahan. Pero ang agam-agam ko ay hindi mawala-wala sa puso ko. I felt threatened. Ewan ko ba kung bakit. Maraming tanong ang nabubuo sa isipan ko. Pero ni isa ay hindi ko alam ang sagot.

Wala sa sarili akong nag-ayos ng gamit dahil maya-maya lang ay uuwi na. May pasok pa kasi bukas kaya hindi kami pwedeng magtagal dito sa resort.

"Kanina ka pa walang imik. May problema ba?" Basag sa katahimikan ni Douglas. Nasa biyahe na kami pauwi ng Manila. Napabuntong hininga ako saka nakangiti siyang binalingan. Saglit naman akong sinulyapan ng nobyo saka muling ibinalik ang tingin sa daan dahil nagdadrive ito.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at agad na dumukwang papalapit kay Douglas at niyakap siya sa may leeg. I kissed him in the cheek.

"Hey, I'm driving." Saway nito sakin.

I kissed him again in the cheek.

"I love you." I whispered before letting him go.

Kunot ang noo na sinulyapan ako ni Douglas.

"You're weird." Anito ngunit kinindatan ko lang siya. He tsked!

Muli kong ikinabit ang seatbelt. Sumandal ako sa upuan at mataman na pinagmasdan si Douglas habang nagdadrive hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon