Chapter 21

46 4 0
                                    

Wala talagang perpektong relasiyon. Iyong tipong magkakainitan ng ulo, magsisigawan, magtatalo at di magpapansinan. Pero di magtatagal ay magbabati din naman. Parang mga bata lang diba? Ganyang-ganyan kami ni Douglas. Hindi ata mabubuo ang araw namin pag hindi kami nagtatalo at nagsisigawan. Maraming bagay kami na hindi mapagkasunduan pero bago matapos ang araw ay agad din namang nagkakayaos at tinatawanan na lang ang mga pangyayari.

Sa simula ay hindi naging madali ang relasiyon namin dahil sa maraming tutol. At isa na doon ang pinsan ko, hindi man niya sinasabi pero nararamdaman ko. I know that he likes Sydney for me. And speaking of that guy we rarely talked. Na tila ba may malaking harang na sa pagitan naming dalawa at isa pa Douglas get jealous if I talk to Sydney, kaya ako na mismo ang dumisdistansiya.

At ang nakakatuwang parte ay habang tumatagal ay unti-unt natatanggap ng mga tao sa paligid namin sa kung anong meron samin ni Douglas. Siguro ay nakapag-adjust na sila sa relasiyon namin ni Aso na nakapagpasaya sakin ng lubos.

Sa mga araw na lumilipas ay paulit-ulit akong nahuhulog kay Douglas. Marami din akong mga bagay na natuklasan at mas lalo ko siyang nakilala.

Alam ko pag kinikilig siya. Kukunot ang noo nito at at mamumula ang tainga pababa sa leeg. Kaya naman kinakantiyawan ko siya pag ganun. At mauuwi ang lahat sa kilitian.

At sa tuwing may gagawin kami o usapan na kailangan matupad ay palagi naming pinagdidikit ang noo at sabay na magsasabi ng salitang 'sealed', na ibig sabihin ay kahit anong mangyari, umulan man o bumagyo kailangan tuparin ang napag-usapan.

Kapag nga may pilya akong ideya o di kaya bagay na gusto ipagawa, agad kong dinidikit ang noo sa kanya at sasabihin ang salitang 'sealed' para wala na siyang reklamo at mapipilitan na gawin ang gusto ko.

Natatawa ako pag naalala ko na inaway ko siya ng sobra nung first monthsarry namin. Okay lang naman sakin na hindi magcelebrare 'e. Dahil para sakin hindi importante ang pagbibilang, basta mahal namin ang isa't-isa ay ayos na sakin. Pero dahil sa sulsol ng kambal na dapat daw nage-effort ang lalaki, dapat daw may natatanggap na flower o di kaya ay gift ang mga babae.

At kahit isa sa mga iyon ay wala akong natanggap kay Douglas, because just like me, events like that doesn't matter to him as long as we're together.

Wala naman talaga akong balak awayin siya pero dahil gusto ko siyang inisin ay inaway ko siya ng bongga. Pinabili ko siya ng bulaklak, regalo at kung anu-ano pa.

Reminiscing those things makes me so damn happy. Inilibot ko ang mata at napailing na lang dahil sa abala halos lahat ng estudyante sa paghahanda para sa Valentines Day three days from now. Pati mga nanahimik na puno ay sinasabitan ng kung anu-anong kulay pula na bagay.

Nag-indian sit ako at napatingin sa relos na nasa kamay. Mag-isa lang ako dito sa tambayan, ang tagal dumating ng kambal at ni Douglas. Napabuga ako ng hangin ng maalala ang nobyo. These past few days ay may kakaibang kinikilos si Douglas. Palagi itong natutulala na para bang kay lalim ng iniisip.

At dahil hindi ko ugaling magtanong ay hinayaan ko na lang siya. Isa pa, mas gusto ko na kusa siyang nagsasabi sakin, ayaw ko na ako pa mismo ang magtatanong. Baka kasi kung saan pa mauwi pag nagtanong ako at hindi niya masagot. So, I better shut my mouth up and wait for him to tell me what's his problem.

Agad kong inayos ang nga nakalabas na gamit dahil buryong-buryo na ako sa paghihintay. Mag-iikot muna ako para malibang. Agad kong isinukbit ang bag at nagsimula ng maglakad. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay agad akong natulos sa kinatatayuan ng marinig ang isng napakapamilyar na boses sa likod ng isang puno.

Gustong-gusto ko talagang ihakbang ang mga paa para masigurado ko na si Douglas nga ang naririnig ko na nagsasalita. Nahihimigan ko ang galit aa boses niya na tila ba may kaaway ito.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon